At the moment

NUNG March, lumipat na ng bahay sina kuya. So kami kami na lang na magpipinsan ang nakatira sa bahay – Ako, Don Hae (19), Anye (13). Wala nang naiwang nakatatanda samin ๐Ÿ˜ข Di naman ganun kahirap in terms of household chores kasi keribels ko naman gawin lahat, since ako lang din ang babae. Tamad tamad lang talaga ako hahahahaha

Ang bago lang eh ayun, nagbabudget na kami ng mga gastusin sa bahay, yung dati binibigay lang sakin eh pambaon ko, ngayon pati pambayad ng bills, panggastos sa ulam araw-araw, at iba pang mga pang matandang gawain hahahahaha di ako sanay, feeling ko tumatanda na nga ako hahaha di na dapat ako pabebe sa buhay. Isip bata pa rin ako, dapat maging responsable na, ganern. Feeling ko para akong maagang nag-asawa eh hahahaha

Nung mga unang araw medyo nahirapan din kami kasi walang-wala kami, kasi nung pag-alis nila bitbit din nila yung mga gamit, yung kalan (gas), yung internet, yung TV! Ilang araw din kaming nawala sa sibilisasyon hahahaha pero ngayon medyo napupunan na yung mga kulang na gamit dito. Pero wala pa rin kaming TV hanggang ngayon ๐Ÿ˜ฆ

Nung pag-alis nila kuya, nagthethesis pa kami nun, di ko nararamdaman yung kalungkutan. Pero nung natapos na yung klase, alone feels ako ngayon. Kasi nakatengga na naman ako dito sa bahay, walang magawa. Boring. Ayun nag eemote ako palagi, charot. Si Don Hae kasi araw araw may pasok sa work (Di ko inakala na McDo na ang bumubuhay samin ngayon hahahaha) tapos si anye naman nandun na lagi kina ate wen. Di rin ako makalabas ng bahay at makagala kasi ayokong magsayang ng pera, baka sa mga susunod na araw eh wala na kaming makain.

This is the right time sana para maghanap na ako ng part time job, since gagradweyt na ako. Kaso wala eh. Dahil sa nakakatanggap pa ako ng pensyon sa SSS, di pa ako pwedeng mag apply ng trabaho (hndi ako makakakuha ng SSS number hanggat hindi pa ako nagtu-21 years old) Tapos sabi ng tita ko, antayin ko daw muna siya na makauwi dito bago ako magtrabaho, kasi wala pa daw siyang maiaabot sakin na pera pang asikaso ng requirements (Postal ID, NBI Clearance, mga ganern). Eh August pa siya uuwi ๐Ÿ˜ข kaya sobrang nakakabagot ang buhay ko at this moment kasi akalain mo yun, tatlo hanggang apat na buwan akong matetengga ๐Ÿ˜ข ayoko pa naman ng mga ganitong bagay kasi pakiramdam ko ang useless ko ๐Ÿ˜ข

Kaya ayun, wala akong ibang ginagawa ngayon kundi maglinis, magbasa ng blogs/news articles, manood ng anime o koreanovela, at magtype ng mga ganitong random post chenes.

Since palagi na lang akong naiiwang mag-isa, nilalock ko lagi yung bahay, tapos nasa taas lang ako. Medyo paranoid man tingnan pero natatakot ako pag nag-iisa lang ako, hindi sa multo kundi sa tao. Nung nakaraan lang nakita ko ulit yung kapitbahay namin na nangkeme sakin, ayun nag iinuman sila nila kuya. Syempre alam na nun na wala nang ibang tao dito sa bahay, baka mamaya bigla na namang umeksena yun dito, kinakabahan ako. Palagi ko lang sinasabi sa mga pinsan ko na “pag may nagtanong kung may tao sa bahay, sabihin nyo wala kamo ako, nasa school.” Tsaka chinika ko rin na wag basta basta magpapapasok ng kahit sino sa bahay, kahit kapitbahay pa yun, “you have to trust no one”. Di ko pa din maishare sa kanila yung nangyari kasi maiistress yung tita ko ng bongga, nasa ibang bansa pa naman yun. Inaantay ko na lang na makaalis kami dito, lilipat na rin kami ng bahay ๐Ÿ˜Š sana by September. Pero bago yun kailangan ko munang magkaroon ng trabaho!!!

May mga nagtatanong na, san ka mag-aapply? Palagi ko lang sinasagot, di ko alam eh, naghahanap pa lang ako. Sabi nila mag BPO na rin daw ako. Naiistress din ako kung paano ako magkakatrabaho hahahaha may tatanggap kaya sakin? Naku delikado talaga ako pag interview na kasi hindi ko talaga kayang magsalita ng ingles ng diri-diretso, kahit anong pilit ko. Nakakahiya di ba masscomm ka pa naman ๐Ÿ˜ข Hanggang pagsulat lang talaga ang kaya kong gawin. Tapos wala ako nung skills na hinahanap ng mga employer ngayon (team player, initiative at creative skills) waaa hindi ako competitive, kinakabahan ako, makakapasok ba ako sa corporate world? Hindi ako bagay dun di ba? Kuba pa rin ako maglakad, di ako pala-salita. Wala hanggang backstage lang talaga ako. (ANXIETY nanaman)

Ang dami ko pa namang plano. Gusto kong magtrabaho sa radyo (pero hindi DJ, yung tagapatugtog lang o taga-gawa ng program flow or script), tsaka sa events production, lalo na sa mga concert (Hi MMI! Hi Ovation! Haha), pangarap ko pa naman yun, pero hanggang pangarap na lang yata talaga yun. Tapos trip ko rin mag Civil Service Exam ngayong darating na August. Sana matuloy. Nagtitingin tingin na rin ako sa jobstreet, kaso puro encoder at voice account (BPO) ang nakikita ko eh. Wala pa akong concrete plan kung saan mag-aapply.

Hay ewan ko, tumatanda na ako, pero hindi pa rin ako sigurado sa kinabukasan ko. ๐Ÿ˜ข

Advertisements

18 Replies to “At the moment”

  1. Hindi mo naman kailangan magsalita ng english sa interview. Actually, nung ininterview ako sa first job ko hindi ko naman kinailangan magsalita ng english. Basta confident kalang sa mga isasagot mo sa tanong nila. At wag mong ipapahalata na kinakabahan ka.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s