Tuloy pa rin

LAST year pa lang, gustung gusto ko nang pumunta ng MOA. Ilang beses ko nang sinet yun, kaso hindi matuloy tuloy, kasi minsan walang pera, o walang time, o kaya wala pareho! haha! Pero ngayon, since tapos na ang klase namin, at may anda na ulit ako, keribels ko nang gumora, kaso naman wala na akong interes pang pumunta :/ ang balak ko kasi, hahanapin ko dun yung first love ko, na doon nagtatrabaho. Di ko alam kung saan siya eksakto dun pero dati talaga willing ko siyang hanapin, baka sakaling magka part 2 ang kwento namin (parang Starting Over Again). Pero ngayon wala na akong gana sa kanya eh.

Kasi naman, wala na talagang pake yun sakin. Ilang taon na kaming hindi nag uusap, baka nga hindi na ako kilala nun. Dededmahin lang niya ako, at masasaktan lang lalo ng bongga. Kasi kung may sparks talaga kami, e di sana ever since chinat niya na ako at kinumusta, kaso hindi eh, wala talagang paramdam!

Tsaka kung magkaroon man kami ng ugnayan uli nun, baka alilain na naman ako nun at itake for granted, palagi pa namang nagsisinungaling yun sakin. Dati okay lang, willing akong tiisin siya at tanggapin. Kaso ngayon natauhan na ako nu, luh di ko deserve yung tratuhin ng ganun. Bakit ko pa hahanapin yung taong nagdulot lang sakin ng puro pahirap? Tsaka, nakatagpo na ako ng kabaligtaran niya, yung better, masipag, mabait, at marespetong tao – yung crush ko ngayon hahahaha! Kaso nga lang, pareho sila – na di ako gusto. Ang panget at boring ko kasi ๐Ÿ˜ฆ

Sabi nung mga kaklase ko, may chance ako kay crush. Di siya suplado, very approachable. Naisip ko, kung may interes nga yun, bakit di siya nagtatanong kay Chin ng tungkol sakin? Bakit hindi niya ako magawang iadd sa fb? Di naman sa pagpapabebe, pero di ba totoo nama dun nag uumpisa yun? Mapride din ako at ayokong ako ang unang mag add hahahaha

Naiinis ako kasi bakit ang introvert ko? Hindi ako makapag-initiate o first move para magkalapit kami. Kaya siguro di ako bet nun kasi hindi niya talaga ako nararamdaman eh. Sabi nila, ‘kung gusto ka talaga, kahit sino ka pa, tatanggapin ka niyan’, pero kasi kung di ako kikilos, di talaga kami uusad. Eh kaso nga hindi ko alam kung paano kami magiging close. Di ako marunong makipag interact at socialize! Di ako nagsasalita, puro tungo lang. Feeling ko di tlaga ako makakapag asawa dahil sa ugali kong to eh. Hays, kung madaldal at maganda lang ako, ako na mismo ang manliligaw dun! Kaso hindi eh.

Sabi ko, baka hanapin ko na lang din siya pagkatapos ng dalawang taon. Panigurado may trabaho na siya nun, at sana madaldal na ako nun, para magkasparks na kami. Kaso heto na naman ako, maghihintay na naman ng tamang panahon, aasa na naman ng bongga kahit wala naman talaga akong pag asa sa kanya.

Masyado na yata akong desperada at obsessed sa crush. Nakakahiya. Dapat nga pagkatapos ng klase, magmomove on na ako dun, pero pakiramdam ko aabutin na naman ako ng ilang taon bago makausad sa crushlife. Bakit ba ganito? Nakakainis. Napaka-hopeless romantic ko talaga.

Pero wait lang, si JD pinag uusapan natin dito ah, bat napunta kay crush? Hahaha! Oo nga pala, binigyan ko si crush ng Jollibee Burger para magkasparks. Ngayon naman, kailangan ko siguro ng Burger McDo ๐Ÿ˜ฆ

So ano na, tuloy pa rin?

“Kaya niya, kaya mo rin.”

Untitled

Wala na talagang dahilan para pumunta ako ng MOA, kasi nasa El Nido na pala si JD, dun na siya nagtatrabaho ๐Ÿ˜ฎ

Advertisements

3 Replies to “Tuloy pa rin”

  1. Hay ๐Ÿ˜” Yaan mo na sila. Kung gusto ka ni ex (crush) or ni crush, mag-effort sila. Pagsisisihan din nila balang araw na pinakawalan ka nila. Pag ikaw nagka-trabaho’t gumanda, babangon ka’t dededmahin sila ๐Ÿ˜‚

    Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s