Ito na ang ating huling sandali, hindi na tayo magkakamali. Kasi wala nang bukas, sulitin natin – ito na ang wakas…
HINDI na ako nagshe-share dito ng about sa mga hanash ko sa school, pansin ko lang hahahaha! Ang daming mga kaganapan sa semester na ito, pero dahil sa busy rin ako, di na ako makapagkwento. Tsaka puro kalandian na lang din kasi pinopost ko dito eh hahahahaha
Isa-summarize ko na nga lang yung mga ganap ko:
– AUDIO-VISUAL PRESENTATIONS
Puro video ang mga pinaggagagawa namin ngayong sem, una na riyan ang Mannequin Challenge namin, di yan pangkaraniwan kasi imbes na Black Beatles ang tugtugan namin, hinalaw namin sa Huling Sayaw ng Kamikazee ang kanta, maski ang kwento ng Mannequin Challenge. Kaya heto at panoorin nyo π sana matuwa kayo hehe
Heto ang mga behind-the-scenes, inaabot kami ng gabing-gabi sa pagshu-shooting tapos more flashlight more fun!
Natuwa talaga ako dito sa video namin, eto na yung pinaka-the best na nai-produce namin, yung pwede mo nang ipagmalaki sa marami hahahaha karamihan kasi ng mga ginawa namin dati ang fail eh. Eto lang yung beyond perfection ang dating, charot!
Dahil sa natuwa ang aming prof sa output namin, pinagawa na rin kami ng AVP para sa Sportsfest at Christmas Party. Yung feeling na, prelim pa lang pero yung pagod ko pang-finals na! Haha! Inaabot na kami ng gabing-gabi sa school para sa shooting, tapos nalilipasan na kami ng gutom kasi di na kami nakakakain ng pananghalian. Tapos etong huling dalawang AVP, wala talagang kapalit na grades tong mga to eh (84 lang yata grades ko nung prelim), wala thank you lang talaga hahahaha! Pero sabi ko nga, basta ang importante yung personal fulfillment ko, na may na-achieve din akong gawin na akala ko dati hindi ko kaya hahahaha.
Eto yung video ng Huling Sayaw namin! Enjoy! π
– TAGISAN NG TALINO
Matapos kong manalo sa Think Quest last year, inilaban na kami sa iba pang branches ng STI. Ginanap ang cluster competition sa STI Academic Center Las PiΓ±as nung February. At ayun, talo ako hahahahaha!
https://www.instagram.com/p/BQC0xh6jtlo/
5th place po kami π at masaya pa rin ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na lumaban sa mga ganitong kompetisyon, high school pa nung huli akong nag-quiz bee, at malamang heto na rin ang huling beses na makakasali ako.
*mukha akong stress na stress diyan di ba*
– THESIS
Ang thesis namin ay IMC Plan, na kung saan ay tutulungan naming i-market at i-advertise ang isang school sa pamamagitan ng paggawa ng Audio-Visual Presentation atsaka Brochure.
https://www.instagram.com/p/BRqJqvKhhWE/
Nakikita nyo ba yang mga papel na yan? Ganyan karami yung na-reject. Paulit-ulit ipinarevise yung grammar, format, typo errors, indention and margin, maski yung tuldok kino-correct. Since February, halos linggo-linggo nagpiprint kami ng 20+ pages. Kung saan saan na kami nag-eedit niyan, sa laptop ni Rea, sa Library, sa apat na comlab ng STI, halos lahat ng computer yata dun nagamit na namin eh. Tapos ay pabalik-balik at naghihintay kami ng medyo matagal dun kina Steffi Cheon pag pinapa-print. Ang laki na rin ng nagastos namin pagprint.
Minsan nalilipasan kami ng gutom at hapon na nakakakain ng tanghalian. Minsan naglalakad kami ng tirik na tirik ang araw. Minsan inaabot na kami ng 7PM sa school para mag-edit o magpa-check. Minsan nasasaraduhan na ako ng gate kasi late nako umuwi. Minsan nga hindi na kami nakakauwi ng bahay eh. Minsan pumapasok ako sa school ng hindi nakakaligo hahahaha! yung feeling na, ‘yung damit ko kahapon, yun pa rin yung suot ko ngayon.’
Akala ko nga, pagkatapos ng defense, wala na kaming problema. Hindi pa pala tapos ang laban. More Revisions, More Fun! Pero sabi nga nila, di tayo matututo kung hindi itatama ang mga pagkakamali natin. These mistakes are the proofs that we are trying our very best! Try and try until you succeed!!!!
– AWARDS NITE
HETO TALAGA ANG HIGHLIGHT NG 4TH YEAR 2ND SEM KO HAHAHAHAHA
Dahil sa taon-taon ay nagdaraos ng film festival ang mga 3rd year students, naatasan kami na mag-organize ng awarding ceremonies para sa kanila. Alam mo ba dito talaga ako naging hands on, di lang dahil sa na-appoint ako bilang Head ng mga head (Overall Director) tulad nga nung sinabi ko dati, heto ang tamang pagkakataon para magkalapit kami nung crush ko hahahahaha! Nagpatalo na ako sa think quest, nagpetiks lang ako sa thesis para dito hahahahahaha! Seryoso, nung inannounce pa lang to nung January, pinagplanuhan na namin ang mga chenelyn, ang venue, stage design, lghts and sounds, red carpet, invitation, trophies, presenters, at iba pa. This is my time to shine!!!! Wait lang marami pa sana akong gustong ikuwento, kaso nakalimutan ko na eh i-eedit ko na lang to pag naalala ko na hahahaha. Heto ang mga litrato mula sa Bente Film Festival Awards Night β‘
https://www.instagram.com/p/BRTKuTugjJB/
– pati kami may invitation, presenter din kasi eh
– ID namin!
– Pre-production
– Technical staffs and directors (ito lang ang pinakamatino kong picture sa buong event :()
Mukha akong nangangampanya hahahahaha #BenteFilmFestival2017
#BidaBida
Heto yung epic moment! *escort ko si crush* (Tinakpan ko kasi sobrang panget ko talaga dyan)
Hawakan mo’ng aking kamay, bago tayo maghiwalay. Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat…
Heto na yung huling beses na mangangarag ako dahil sa mga gawain sa school. Mamimiss ko mag-rant ng mga ganitong bagay hahahaha!
AT DITO NA MAGTATAPOS ANG LAHAT. Ang huling semester ko sa kolehiyo, ngayon ay #gradwaiting nako!
Abangan ang susunod na kabanata ng mga hanash ko sa buhay, pagsabak ko sa real world aka EMPLOYMENT π YEHEY!
Salamat te hahahahaha
LikeLiked by 1 person
Panis talaga dun sa highlight hihihi congrats Shay…finally ibang hanash na ang ihahanash mo hahaha
LikeLiked by 1 person