Last ko na talaga yan


IKUKUWENTO ko lang yung mga kaganapan namin nung crush ko, simula nung ipinagtapat ko yung nararamdaman ko sa kanya, este simula pala nung sinuyo ko siya na maging partner sa awards nite ’til atm…

Halos ARAW ARAW KO NA SIYA NAKIKITA!!!!! sa loob ng dalawang buwan na dumaan eh siguro ilang beses lang yung araw na di ko siya nasisilayan. Minsan sinasadya ko talaga na umakyat sa library para makita siya, pero madalas nagkakasalubong na kami kahit saan – sa bench, sa umbrella, sa hallway, sa canteen, sa kawayan, I SEE HIM EVERYWHERE I GO 😍 kahit nga sa labas ng school pag pauwi na ko, minsan na kumakain ng street foods sa labas ng school, minsan sa bayan, nung NYC din nakita ko siya sa Walter, dun siya naghintay ng masasakyan pauwi. Coincidence lang yan lahat pero parang gusto ko nang maniwala na totoo ang TADHANA hahahaha! Tapos minsan pinagbubuksan niya pa kami ng pintuan (lalo na’t marami akong bitbit), tapos minsan tinutulungan niya pa akong ilagay yung bag sa shelf 😍 alam kong galawan yan ng mga pa-fall, well ganun din pala siya sa iba. Pero bakit ba ang bait bait niya at napakasipag? O baka dahil nga SA siya kaya ganun? Araw araw na akong kinikilig, sinagad ko na ang kalandian, gagraduate na rin naman kasi ako eh πŸ˜₯ Baka nga nauumay na yun sa mukha ko eh, isipin niya desperada ako sa kanya kasi lagi niya akong nakikitang sumisilay. Di ko alam kung nakakahalata na ba siya, pero sinasadya ko talaga yung nagsstay ako sa school ng dapithapon (5PM onwards) araw-araw para lang maabutan siyang mag-out at makapagba-bye man lang sa kanya. Araw-araw.

Kapag nagkikita kami puro ‘Hi’ lang ang kuda namin, di ko naman siya makausap ng casual kasi di ko alam kung ano ang pwede naming pagkwentuhan (pareho yata kaming introvert). Feeling ko magiging awkward lang kami sa isa’t isa kapag pinilit ko pa ang sarili ko. Yung mga kaklase ko tuloy ang chumichika sa kanya. Buti nga sila eh nakakausap siya ng medyo matagalan, ako talaga tumitiklop kapag nakikita ko na siya!

AWARDS NITE:
Epic fail talaga yung nangyari sakin nung araw na to. Sobrang busy ako nun (Head ako ng production) kaya hindi talaga ako makapag-ayos ng sarili. Parang ayoko na nga magpalit ng long dress kasi wala na talagang oras. Nung una akala ko uuwi na siya at di na aattend ng event, kasi umalis siya pagkatapos niyang magduty sa library, yun pala kumain lang sa mcdo. Tapos bumalik siya nung pa-start na yung program! NATATARANTA ako hahahaha di ko na alam kung ano ang uunahin ko. Eto na, nung pagpunta niya, sakto pinarampa na kami sa red carpet, nagpicture kaming dalawa. AT PAGBUKAS NG PINTUAN NAKATINGIN LAHAT NG TAO SAMIN! Naghiyawan sila, sobrang nahiya ako hala wait lang di talaga ako ready! Wala akong time para kiligin at that moment, nahihiya lang. Pinagsisihan ko nang niyaya ko siya na maging partner, kasi wala talaga akong panahon para asikasuhin siya. Naisantabi ko siya nun at di na napansin nung nag-umpisa na yung program. Mag-isa lang siya kasi di naman nagsipunta yung mga kaklase niya. Gusto ko nga siya puntahan at tabihan dun sa likod, kaso hindi ako makadiskarte eh kasi pinag-iinitan ako nung classmate ko, sabihin ‘Head ka pa naman tapos puro landi lang inaatupag mo’ T___T. Parang pumunta lang talaga siya kasi nga ‘partner’ ko siya. Pagkatapos ng program hindi ko na siya nakita ulit, hindi na ako nakapagpaalam at nakapagthankyou man lang. Nahihiya talaga ako sa kanya πŸ˜₯ yung pinakahinihintay kong moment, nagfail pa. Bitin na bitin ako hahahaha! Alam mo ba pagtapos ng awards nite, nalungkot at nanghina ako ng sobra, na ayoko nang sumama pa sa mga kaklase ko na kumain at magwalwal, kaya umuwi na ako agad at nag-emote.

Nung lunes, pinuntahan ko siya sa library para kausapin. Nagprepare pa naman ako ng script na sasabihin ko sa kanya. Magsosorry ako kasi nga dineadma ko siya nung event, na organizer ako at di ko siya inorient, tsaka magtethank you kasi pumayag siya sa ganung setup namin, na naging partner ko siya kahit isang minuto lang yun. Na naging makulay ang huling semester ko sa college dahil sa kanya.

Kaso nung kaharap ko na siya, wala na akong naikuda! Ngiti ngiti na lang talaga kaming dalawa. Ang nasabi ko lang eh, “Pasensya na ha, tsaka salamat!” tapos sabi niya, siya daw ang dapat magsorry kasi umuwi siya agad pagkatapos nung event. Tapos binigyan ko siya ng Jollibee burger, as a token of gratitude. Yun lang talaga yung kaya ng budget ko eh πŸ˜₯ di ko na nalagyan ng sticky note, baka makornihan siya eh. Ayun natuwa naman siya, sabi niya first time lang daw na may nagbigay sa kanya ng ganun. Eh di syempre natuwa rin ako (for the last time :'(). Tapos pumunta na ko sa computer kasi gagawin pa namin yung revision ng thesis. Hindi na naman ako nakapagpaalam πŸ˜₯ Nung mga sumunod na araw, palagi ko pa rin siyang nakikita. Minsan hinihintay ko pa rin siyang lumabas, pero madalas out of nowhere bigla ko na lang siyang makikita eh, kahit anong iwas ko nagkakasalubong pa rin kami, konti na lang magkaka-separation anxiety na ko, dahil sa kanya πŸ˜₯

Palagi ko pa siyang napapanaginipan. Ang scenario lagi eh dumadaan daan lang siya sa likod ko. Inaantay ko siyang pansinin niya ako, pero snob siya eh. Yung isang beses na panaginip ko nagkausap daw kami, pero saglit lang din kasi ang awkward namin, naiinis ako sa sarili ko huhu

Tapos na ang maliligayang araw ko. Dahil bakasyon na nila, at kami naman ay maghahanda na para sa darating na graduation. Wala nang dahilan pa para masilayan ko siya ulit. But if ever na papaboran ako ng tadhana, sana makita ko pa rin siya kahit graduate na ako sa STI di ba. Kaso paano? Mukhang imposible naman. Dahil sa sinanay ko nga yung sarili ko na sinisilayan ko siya araw araw, parang nalulungkot na ako kapag naiisip ko na gagraduate na ako. Hala masyado na nga akong na-attach dun. Yung kapag umuuwi siya, nanghihina talaga ako at wala na sa mood. Nagugulantang na nga lang yung mga kaklase ko eh kasi di ko na sila kinakausap at pinapansin dahil dun, yung parang halaman feels lang, parang nandyan pero parang wala rin diyan (babaw di ba.) Di ko naman akalaing magkaka crush na naman ako ng ganito katindi πŸ˜₯

Kasi naman, never kong naranasan ang ma-heartbreak ng bongga at masawi ng dahil sa kanya (di tulad sa mga naging crush ko dati), yung sakto lang kami. Di niya ko tinataboy, di rin naman siya paasa, sakto nga lang. Mabait kasi yun ☺ Pero alam ko naman na wala talagang patutunguhan to, di ako bet nun hahahaha πŸ˜₯ Sabi nung mga kaklase ko ipush ko na siya at iadd sa facebook, wag na ako magpabebe. Sabi naman ng kaibigan ko, wag ako magfifirst move, kasi marereject lang ako, base na rin sa mga pinagdaanan ko dati na after kong magtapat ng feels, e either lalayuan lang ako or ite-take for granted at aabusuhin. Okay na sakin yung masilayan lang siya mula sa malayo. O ngayon, hindi ko pa rin siya ina-add (yung mga kaklase ko friends niya na sa fb). Di niya rin naman ako inaadd, o di ba wala talagang interes yun. May number siya sakin pero hindi ko tinetext. Wala talagang patutunguhan to, mawawala din naman ang sparks pagkatapos nito.~

*patutugtugin ko ulit yung All I Ask*

Ipopost ko sana dito yung mga pictures naming dalawa, kaso sobrang pangit ko talaga huhuhuhu kaya heto, yung solo pic niya na nga lang πŸ™‚

https://www.instagram.com/p/BRxspwUA8Wc/

*oo na maliit siya, pero cutie naman πŸ˜†*

6 thoughts on “Last ko na talaga yan

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.