LAST year iba pa yung crush ko (si kanye, yung palagi kong kinukuwento dito dati)
Kaso nag-iba ang ihip ng hangin eh, ngayon may bago nanaman akong crush hahahaha
Nakwento ko na rin siya dito nung nakaraan, kung natatandaan nyo pa, siya si kuyang student assistant sa library. Ika-pitong crush ko na siya (since birth). Paano ko ba sisimulan to, Hahaha
Pano mo siya nakilala?
Uulitin ko na lang yung kinuwento ko. Ganito. Nung first sem pa lang (July yata), medyo bet ko na siya. Kasi nga araw araw akong tumatambay nun sa library, para makapag-internet (kasi di ba tamad akong umuwi ng maaga, at half day lang ako palagi), libre magcomputer at magwifi dun. Eh siya yung palaging nagbabantay sa lib, eh di palagi ko siyang nakikita π Tapos sinasagad ko hanggang closing yung pagstay ko sa lib, so nakikilala niya ako. Pag umaabot kami ng hanggang alas singko sa SHS lib, nagpupunta din siya doon para magligpit at magsara. Nung unang laban sa Tagisan ng Talino, nandun siya (kasi sa lib ginanap yun). Alam mo ba, mala-Joe Jonas ang aura ni kuyang SA. Pero nung mga panahong yun iba pa yung kinalolokohan ko hahahaha.
Nangangarap nanaman ako ng gising dito hahahaha https://t.co/jQqmJdCiiQ—
lul (@ShairaMaeC) January 21, 2017
Pano mo siya naging crush?
Isang araw, December 6th to be exact, may film showing kami nun sa DLSU. Eh late ako ng bonggang bongga sa call time, naiwanan ako ng mga kaklase ko, nag emote ako nun, sabi ko ayoko nang sumunod doon. Umupo ako sa harap ng lib (sa may bulletin board banda). Tapos dumaan si Joe, at kinausap ako (nonverbatim):
Siya: Miss Shai? Tama po ba?
Ako: (tumango)
Siya: Di ba po may film kayo ngayon?
Ako: Ah eh, tapos na nung last sem pa namin yun eh.
Siya: E absent po si Chin at Abi ngayong araw di ba? Dahil sa film? (Film showing pala yung tinutukoy niya akala ko subject hahahaha)
Ako: Oo nga pala, oo nasa La Salle na sila ngayon.
(tapos pumasok na siya ng lib)
Mali yung nasagot ko hahahaha nakakahiya! Pero in fairness alam niya ang pangalan ko β‘ pero hndi ko alam ang pangalan niya eh. Yun yung unang beses na nagkausap kami ever since, at first time kinilig hahaha. Nung pagpunta ko ng DLSU hinanap ko kaagad si chin (kaklase ko, SA din sa lib) para ikwento sa kanya yun, kaso wala pala siya doon, hndi nakapunta, baka may sakit. Di ko masabi sa mga kaklase ko kasi di naman nila kilala yun eh. That day nagshoot din kami ng mannequin challenge, tapos iniisip ko siya nung araw na yun, hihi.
Then,
Nung sinabi ko na sa mga kaklase ko na crush ko siya (kahit hndi pa talaga) dun na talaga nag umpisa yun! Kasi si kanye may nililigawan na daw sa work niya, e di nag lie low na ako sa kanya. Yung mga classmate ko pa ang gumagawa ng paraan para makilala ko siya. Nalaman ko yung pangalan niya, section, oras ng pagduduty sa lib, kung saan ang room niya every monday to friday, atbp. Lagi akong tinutukso at inaasar sa kanya, lagi akong nagb-blush (ang panget ko talaga pag namumula hahahaha). Halos araw-araw nasa lib na kami, buti nga hindi yun nauumay sa mukha ko eh. Tapos mula nun eh pag nagkikita kami, binabati niya na ako – ‘Hi Miss Shai!’ Nginingitian ko lang siya. Minsan nga iniisnob ko siya pag nasa lib ako eh (kunwari sobrang busy ko daw). Hindi ko siya matingnan ng diretso, kasi feeling ko (o feelingera lang talaga ako) na palagi siyang nakatingin sakin, ayokong mahuli niya ako na nakatingin sa kanya hahahaha! Araw-araw nagkikita kami. These past two weeks yung momentum ng pagkacrush ko sa kanya, kasi pagpasok ko pa lang hinahanap na siya ng paningin ko, silip ako ng silip sa labas ng computer lab dahil baka sakaling dumaan siya, iniikot ko yung canteen kasi baka nandun siya at kumakain, tumatambay ako sa lib kahit wala akong ibang gagawin, aabangan ko siya na magsara ng lib at mag out ng alas singko ng hapon, lumilingon lingon sa daan kasi baka makasabay ko siya pag uwi, hahahaha! baliw na! Di ko lang pinapahalata sa mga kaklase ko pero malala na yata yung pagkacrush ko ngayon hahahahaha! Halos tungkol sa kanya lagi yung mga tweets ko. Sabi ko nga eh next week magla-lie low muna ako sa pagsilay sa kanya, kasi ayokong maumay siya sakin at isipin pa niya na nagpapapansin ako sa kanya. Oo alam niya naman yata na bet ko siya eh. Baka iwasan na ako nun pag sumobra ako haha! Alam mo ba, first time ko lang magka-crush sa hindi ko talaga kakilala, kasi madalas, kaklase o kaibigan ko yung natitipuhan ko eh, ngayon stranger talaga, pero syempre kinikilala ko naman yun. Mukha naman siyang mabait, tsaka tahimik, tsaka gentleman :):)
Ngayon,
My film festival sila sa March, tapos sumakto naman na kami ang mag-oorganize ng film awards para sa kanila! This is the perfect time to shine at magbida bida! Para naman makita niya kung gaano ako kasipag (maging production julalay). Pinush ako ng mga kaklase ko na yayain ko siya na maging partner sa darating na awards night (yes baligtad na ngayon). Ayoko kasi nga di ba pabebe ako. Sabi ko mas maganda na makita niya akong nangangarag kesa puro aura at paganda lang sa gabing yun, pero pinilit nila ako eh hahahaha! Nung thursday lang, nagkaroon ako ng lakas ng loob na suyuin siya, kasi prinovoke nila ako hahahahaha. Kaso, hndi pala siya dumuty ng araw na yun! Nagshoot na daw sila ng film. Sayang. Nawalan na ako ng gana nun. Sabi ko pag nagchampion na lang ako sa Tagisan ng Talino, saka ko siya susuyuin, para walang palag! Sasabihin ko: ‘Pang-national level tong sumusuyo sayo oh, tatanggihan mo pa ba? Kinulang lang ako sa ganda, but I got the brains, the skills, and the heart!’ π
π
π
π
π
pero pag natalo ako, suko na ako. Magiging runner/PA nanaman ako niyan sa filmfest!
Kinabukasan, habang nasa canteen kami ni Jovi, nakita namin siya tsaka yung classmate niya! E di ganito ang nangyari:
Jovi: Tanungin mo na siya!
Ako: Ayoko (pabebe)
Jovi: Sige na shai! Dali ako magsasabi sa kanya
Ako: Hmm sige π
(tinawag ko siya)
Siya: Bakit po?
(Inorient namin siya tungkol sa filmfest – na kailangan nakaformal, tas may red carpet, etc.)
Jovi: Wait may sasabihin pa kami sayo.
Siya: Ano po yon?
Kami: (natahimik)
(Naghintay siya ng medyo matagal kasi hindi namin masabi)
Siya: Ano nga kasi yun? (medyo inip na)
Ako: Wag na lang haha okay na kahit hindi na.
Jovi: Oo sige wag na lang pala π
Siya: hala, naghintay pa naman ako dito. Masakit kaya ang pinapaasa.
(Tawanan)
Siya: Isulat nyo na lang dyan sa notebook kung nahihirapan kayong sabihin.
Jovi: Ah sige π
(Sinulat niya na kung okay lang ba na maging partner ko siya blabla, pinabasa muna sakin bago ibigay sa kanya)
Siya: (nabasa na) ah kailangan po ba nito? Oo naman po. Okay lang po. Okay lang. Okay lang po Miss Shai π
Kami: (natuwa, syempre!)
(tapos pinapirma na rin siya dun sa note)
SINAGOT NA AKO NI CRUSH!!!!! (na maging partner siya sa film awards weeeeeeeeeee) 😍😍😍😍😍 https://t.co/wEo1gSwFjd—
lul (@ShairaMaeC) January 27, 2017
AT YUN NA NGA, ESCORT/PARTNER KO NA SIYA SA FILMFEST AYYY!
Kaya pursigido ako na maging maganda ang kahihinatnan ng awards night! Ayokong maging epic fail nanaman ako (na lagi namang nangyayari) todo asikaso na ako. Magpapatalo na nga ako sa Tagisan ng Talino eh para makapagfocus na ako dyan. Hahaha para sa kaligayahan!! Huhu sana talaga walang mangyaring kamalasan sa gabing yan. Pls naman po, pagbigyan nyo na ako.
Yan na yata yung huling gabi na makikita ko siya eh, kasi pagkatapos nun wala na kaming klase. Wala nang ganap sa school. GAGRADUATE NA AKO. Siya magfo-fourth year pa lang.
Mapapakanta na lang ako ng ‘All I Ask’ π₯
Salamat po β‘β‘
LikeLiked by 1 person
hahaha.. cute naman! :)… gora lang. enjoy the night π
LikeLiked by 1 person
Hahahahahahhahaha
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHA OMG YA FEEL ME β₯
LikeLiked by 1 person
Crush, pls hold me like I’m more than just a friend βΊβΊβΊ
LikeLiked by 1 person
Pati ako naeexcite bakit ahahahahahhaha
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHAAHHAAHAH All I Ask is if, this is my last night with you :p
LikeLiked by 1 person