AYOKO nang china-chat ako.
Di ko alam kung dahil ba to sa pagka-introvert ko, kaya ayoko nang kinakausap ako ng ibang tao. Idk
Pero may tatlong taong palaging bumabagabag sa’kin –
1. Friend ko, nagkakilala lang kami through fb. Gay siya, at kinukulit niya ako kasi gusto niya raw magkilos babae. Nagpapaturo siya sakin. Nung una binibigyan ko naman siya ng mga advice at tips, sabi ko manood siya ng mga beauty pageants sa youtube, kaso habang tumatagal eh paulit-ulit na lang siyang nagtatanong, paano raw ba siya magiging tunay na babae? Eh bakit ba sakin ka tanong ng tanong? Ako nga hindi babae kumilos eh. Sinabi ko na nga eh ang kulit kulit.
2. Friend ko rin, nakilala ko rin online. Laging comment ng comment sa mga posts ko, dun ako lagi kinukumusta. Uso naman mag-pm di ba? Nakakairita araw-araw na lang tinatanong na how was your day? Keme keme. Lagi niyang inuusisa kung ano ang mga ganap ko. Tapos ibibida niya naman yung sarili niya kahit hindi ako nagtatanong. Minsan ayoko na magpost kasi pag may nakikita siyang bagong update mula sakin, magcocomment nanaman siya.
3. Friend ko rin! Kakilala ko siya in person. Actually close friends kami (Ang plastikada ko hahahaha). Ganito yan, si girla, palagi ring nagchachat sakin, maghahanash, ganern. Kaso ang nakakainis lang, kung ano yung pinag usapan namin online, ioopen up niya nanaman pag nagkita kami! Tapos kung ano yung usapan namin pag magkasama kami, ikukuwento nanaman niya sa chat. Tapos pag hindi ako nakakapagreply, tatawagan niya ako para maibida lang yung hanash niya. Alam ko ganito talaga pag kaibigan, sinasabihan ng mga problema, pero ngayon nauumay na ako huhuhu sorry ang sama sama ko. Madalas naman kasi pajulit-julit na lang din yung mga hanash niya. Madalas din puro pagpapabida lang yung ginagawa niya (tulad ng pagsesend ng 10+ selfies sakin kahit never ko siyang hiningian). Madalas din GG lang yung mga binibida niya (madali ako makatunog sa mga taong ganun tbh). Madalas din puro kababawan lang yung mga problema niya (sino ba naman ako para humusga?) Pero kasi, sobrang careless nun sa buhay, kaya alam kong nagpapaawa na lang siya. Tulad ngayon, nagdadrama nanaman siya sa chat, pero di ko na sini-seen hahaha. Gusto ko sana sabihin sa kanya na: Bes, yung hanash mo, wala pa sa kalingkingan ng mga problema ko yan. Pero may narinig ka ba na drama mula sakin? Wala naman di ba? Kaya tigilan mo na ang pag iinarte mo dyan. (Siya nga pala yung friend ko na pagka-online na pagka-online ko, magchachat na agad siya, hindi ko alam kung lagi ba niyang inaabangan yung pangalan ko na lumabas sa online friends list? Bakit ang bilis niya magchat?)
Hindi ako snob, pero dahil sa kanila eh parang gusto ko nang mawala sa social media, para silang mga kaluluwang hindi matahimik hahahaha. Dati masipag pa ako makipagchat (maski yung mga foreigner sinasagot ko rin eh, mga friendly naman sila.) Ngayon hindi na ako nagsi-seen ng chat (kahit galing sa mga classmates/kaibigan/kamag-anak ko). KAYA AKO NAWAWALAN NG KAIBIGAN EH π₯ kapag nasa mood ako saka lang ako nag-oopen.
Ayoko na ng may nagbibida-bida sakin. Ayoko nang idinadamay ako sa problema ng iba. Pagod na akong magmukhang mabait, hahahaha (joke lang). Pagod na akong magtiis sa mga ganitong klaseng kausap!
Pagkauwi ni Ate Vky dito sa Pilipinas, tatanggalin ko na talaga yung facebook ko. π₯
Tapos habang tumatagal eh lumalala na yung pagiging Socially Awkward ko, yung pag may magcocomment sa mga posts ko, hindi ko alam kung ano ang irereply ko, kaya nila-like ko na lang hahahaha ayoko na rin ng mahabang chikahan sa comments section.
Hindi pa naman to Asocial Personality Disorder nu hahahaha
Lakas ko maka-complain sa friend ko na OA magdrama, ako pala OA rin π
Sorry ulit ang sama kong kaibigan π₯