All I Ask

“It matters how this ends, Cause what if I never love again?”

Ikukuwento ko lang sa inyo si JD. Ang huling sinulat ko na tungkol sa kanya dito sa blog na to ay nung nasa Aklan pa siya, at nung nagprofile picture siya ng dalawang kamay na may singsing. Yes yun yun.

Eto yung nangyari pagkatapos: August 2016 ata yun ay umuwi na uli siya dito sa Imus. Nagpost siya ng mga selfies niya habang nasa flight siya (at sa tingin ko mag-isa lang siya umuwi). Di pa rin nasasagot yung misteryo – kung engaged na ba talaga siya o kakemehan niya nanaman yon. Days after, nagpost nanaman siya ng mga selfies niya habang gumagala siya dito dito lang. Pero sadlyf hindi pa rin kami nagkakakitaan. Wait lang bakit ko ba to shini-share. Di naman kailangan di ba?

Then I found out na nagtatrabaho na siya ngayon sa SM Mall of Asia. Nagpalit siya ng profile picture na may konek na sa 3-day sale sa SM months ago (Sept/Oct siguro yun). Kaso, ang laki laki ng MOA! Saan ko naman siya hahanapin doon? Then dahil inii-stalk ko rin yung facebook ng mga kamag-anak niya, nakita ko sa photos ng kapatid niya eto:

 photo FB_IMG_14788798739898605_zpsbckhtltm.jpg

Siya yan! Siya yan! Salamat tol sa pagbibigay ng clue kung saan ko siya makikita! Hahahaha! Tapos naka-upload din dun yung mga pictures nila nung kumain sila sa Mang Inasal. Naka-uniform si JD na pang-salesman ng SM! Confirmed na nga. Dun siya nagtatrabaho. Tapos nung last week lang, napanaginipan ko na kinukulit ko yung bunsong kapatid niya (kahit never pa kaming nagkita nung bata) kung saan sa MOA yung kuya niya. Sabi niya, sa Nokia daw. Yan may clue nanaman ako!

Nung sembreak pa lang pina-plano ko nang magpunta ng MOA para hanapin siya. Yesss. Kaso hindi matuloy-tuloy kasi wala akong pera (lagi naman). Sabi ko, sige sa December 7 na lang (birthday niya), kaso naman sumakto pang araw ng exam namin yun, tapos may shooting ng Mannequin Challenge! E di sa Christmas Break na lang. Kaso namomroblema nanaman ako ngayon. Wala nanaman akong anda hahahahaha! Tsaka kasi may Christmas Party na outing sa Batangas sa 27-28. May 40% chance na makasama ako. Syempre kailangan ko magtabi ng pera nun if ever na matuloy ako. Tapos magpapa-embroid sana ako ng cap na katulad nung kay Bruno (XXIVk) pangregalo ko na sa sarili ko ngayong pasko. O di ba ang dami kong gastusin, paano na lang yung pagpunta ko ng MOA?

Bakit ko pa nga ba siya hahanapin? 4 years na kaming hindi nag-uusap. Pero gusto ko pa rin siya makita hahahaha kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na baka may natitira pang sparks samin (kahit na marami akong crush). Nung bata ako (mga 13 siguro ako nun) nanumpa ako na kung hindi siya yung ‘the one’, hindi na lang ako mag-aasawa kahit kailan hahahaha ang korni di ba, pero 7 years after pinaninindigan ko pa rin πŸ™‚

Ganito kasi yan, once na makita ko na siya uli, dun na namin mari-realize yung mga bagay bagay. Una: Pag nakita niya ako, baka maisip niya lang na kailangan niya ako uli, eh di push lang magkakaroon uli kami ng komunikasyon. Pangalawa: Kung dinedma niya ako, e di tuluyan ko nang titigilan tong kalokohan ko, kasi dinispatsa niya na ako ng dalawang beses, ibig sabihin nun wala na, bakit ako kakapit pa? Pak ganern hahahaha.

Itutuloy ko ba to? Pwede rin namang after graduation ko na lang, para maibida ko na rin sa kanya yung diploma ko hahahaha tapos may trabaho na dapat ako nun, para ililibre ko siya πŸ˜‰ dapat nga pretty-pretty na rin ako pag nakita niya ako eh, para mawindang siya, kaso ngayon haggardo versoza pa ako 😦

Ano ba ang pipiliin ko: YUNG OUTING? SI BRUNO? O YUNG MOA? Hmmm

Kaso if ever na magkita kami, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Tititigan niya lang ba ako? Kakausapin? Kukunin yung number? O dededmahin kasi hindi niya na ako natatandaan? Baka masampal ako ng realidad besh.

I don’t need your honesty
It’s already in your eyes
And I’m sure my eyes they speak for me
No one knows me like you do
And since you’re the only one that matters
Tell me who do I run to?
Look don’t get me wrong I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I’m more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
Cause what if I never love again?

Related post: If We Ever Meet Again (https://shairamaec.wordpress.com/2013/03/20/if-we-ever-meet-again/)

(PS: Si JD yung crush ko nung second year high school, na naging first infatuation slash first love na hahahaha)

Advertisements

11 Replies to “All I Ask”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s