Ikinaganda ko na yan!

DAHIL bakasyon na namin, pwede na uli ako lumandi (ng palihim) hahahaha~

So eto na nga, nung nakaraan lang kasi itinuro ko na sa mga kaklase ko kung sino yung crush ko sa school namin. (Hala, very high school di ba?)

Pero yung itinuro ko, di ko pa talaga siya crush non! Pero bet ko na siya ng very very light lang. Student Assistant si kuyang crushie sa library. Wala akong alam na kahit ano tungkol sa kanya. Pero bet ko siya kasi kapag nag-iinternet ako palagi sa library nung first sem, siya yung nakakaharap ko. Tapos nag-aout na ako sa com kapag magsasara na yung library, kaya madalas kaming dalawa yung naiiwan there (lande.) Tapos yung classmate ko na si chin SA din dun, kaya madalas nakikita ko talaga siya. Every Monday and Tuesday morning nga nasa harap siya palagi ng main building, e di lagi kami nagkikita, pero since di kami magkakilala, di kami nagbabatian, pero may eye to eye contact lang hahahaha. Alam niya pala yung pangalan ko – dahil siguro sa library card ko. Pero di ko alam ang pangalan niya hihi. Miss Shai tawag niya sakin weeeeeeeeee! 😍😍😍

Eh anong ipinaglalaban ko? Yun nga simula nung itinuro ko siya, palagi na akong tinutukso nung mga classmate ko sa kanya. Bawat kibot ko aasarin ako kay kuya. Kung dati di kami nagkikibuan, ngayon kailangan ko siya kausapin hahaha kahit wala namang dahilan. Yung mga classmate ko chinichika na si kuya haha nalaman ko na lang din yung name niya nung in-interrogate siya nila Jovi. Nahihiya ako sa kanya kaya hahahaha. Kaya ayoko na ng sinasabi sa kahit na kanino kung sino yung crush ko, kasi pag nalalaman nila narereject ako eh. Ang sakit kaya. O sa mga oras na ito, nakakahalata na siguro si kuya, syempre iiwasan na ako nun. Di na tulad dati na kemebels ko siyang tingnan every 2 minutes (talaga ba?)

Balik uli tayo sa umpisa. Siya yung itinuro ko kahit di ko pa siya talaga crush, para pagtakpan yung totoo kong crush hahahaha (landi mo talaga!) Complicated kasi yung status ni crush kaya delikado kapag nalaman ng ibang tao. Well di ko rin alam kung bakit ko ginagawa to hahaha. O baka kasi nagkaka-progress na yung classmate ko na si Rei sa crush niya kaya ako rin naghanap na hahaha lol.

Ganito yan: Marami kasi akong bet kaya may level yung mga crush ko hahaha.
For example: syempre nasa pinakauna si JD (Greatest of All Time Crushie/First Love)
Pangalawa, yung tunay kong crush ngayon (na itago natin sa pangalang ‘Kanye’).
Pangatlo, si Bruno Mars πŸ™‚
Pang-apat, si kuyang SA sa library.
Panglima, si kuyang third year ABCOMM.
Pang-anim, yung instructor namin sa photography β™‘β™‘β™‘β™‘β™‘
o di ba ang dami kong crush. Kalandian hahahaha.

Pero di ko na chinika yan sa mga classmates ko. Mawiwindang yung mga yun hahahaha.

Minsan napapaisip ako itigil ko na lang tong kabaliwan ko. Madalas puro crush lang nasa isip ko, kaya wala ako lagi sa focus sa school eh.

Di ko rin alam kung paano tatapusin to. Wala akong closing keme hahahahaha

Bahala na besh.

Advertisements

12 Replies to “Ikinaganda ko na yan!”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s