YUNG organization/club namin sa school, dahil newly established lang, ay may mga projects para sa aming mga ABCOMM students. Included dun ang Team Building Activity, na gaganapin sa December 9-11, sa Nasugbu. Medyo namomroblema ako hahahaha
Gusto ko kasi sumama. First time ko na makakakita ng dagat if ever na matuloy ako rito ha! First outing ko to actually. Kaso mukhang malabo nanaman akong makasama. Unang-una, never pa ako nakasama sa mga ganyang team building keme, di kasi ako pinapayagan noon eh. 2-3 days kasi, tas sukahin ako, tsaka baka daw madisgrasya ako kasi malayo (#Authoritarian Family Problems.) Ngayon nagtatangka nanaman ako na magpaalam baka sakali this time ay payagan na ako sumama π medyo pressured din ako kasi 4th year college na pero wala pa rin akong experience sa mga extra-curricular activities, di tulad nung mga kaklase ko. Ako’y mukhang walang alam hahahaha. Nakakainggit kaya!
Tapos, wala rin akong pera (lagi na lang nakakainis hahahaha!) Nung nakaraan, nagpunta ng Rizal si Angel tsaka mga kaibigan niya, hindi ako nakasama kasi wala akong pera. Sa November 30, pupunta ng Enchanted Kingdom yung mga tropa ko, di rin ako makakasama (first time ko pa naman sanang makakarating dun) kasi wala akong pera. Sa susunod na buwan ay naimbitahan ako sa mga ‘ganap’ pero di ako maka-oo kasi wala akong pera. Eto ngang team building keme na to, wala rin akong pera hahahaha nakakaiyak. Willing naman akong tulungan nung mga classmate ko sa fee, limandaan lang naman siya hahahahaha. Kaso syempre dapat may bukod pa ako na pera para dun, para in case na mawala ako sa Batangas, eh makakauwi pa rin ako hahahaha. Kaso yun nga, yung pera ko ngayon 500+ na lang, eh pampamasahe ko pa yun hanggang December. Nanghiram na ako sa tita ko kaso sa December 16 pa siya makakapagpadala, di rin kaya kasi December 9 na yun eh. Hirap na hirap ako makahingi ng pera kasi nakakahiya eh di naman siya ganun ka-relate sa school. Fun fun fun lang.
Frustrated ako hahaha kasi yung mga ganung bagay na normal lang sa iba (yun nga outing keme), hirap na hirap ako na ma-achieve hahaha. Kailan ba ako makakaranas na makapag-outing? *life why you do this to me?*
Di ako makapag-open up sa prof ko tsaka mga classmates ko, kasi baka isipin nila pabebe/paimportante ako hahahaha
Naisip ko na di ko na lang sasabihin na sa Batangas yung team building, sabihin ko malapit lang dito samin, para mapayagan ako. Kaso paano pala kapag nadisgrasya ako, e di lalo akong lagot hahahaha. Tsaka lagi na lang akong nagsisinungaling, kailan ba ako magsasabi ng totoo hahaha. Pasaway talaga ako. Wag po tularan.
So eto na nga, ano ba ang dapat kong gawin?
Option 1: Sasama pa rin ako. Mangungutang na lang uli ako para may budget nako hahahahaha. Sa wakas ay mararanasan ko nang maging maligaya dahil sa teambuilding π
Option 2: Di na ako tutuloy. At least di na ako mamomroblema sa pera. Walang gastos!
Kailangan bago mag December may final decision na ako βΊ
Anuna hahahaha
ha ha ha
LikeLiked by 1 person
Kunsabagay π atat lang ako masyado hahahahah
LikeLiked by 1 person
Ne…wag ka sumama kung mangungutang ka para lang sumama…mag antay ka na magkatrabaho…mapupuntahan mo din lahat ng yan hehehehe
LikeLiked by 1 person
Oo. Hahahaha
LikeLiked by 1 person
Yesss βΊ basta sama ka rin πππ
LikeLiked by 1 person
Basta sumama ka ha! Para makapag swimming tayo! Gusto ko din naman sumama eh. Kaso ewan ko ba! Hahahaha
LikeLiked by 1 person
Sige salamat sa matinding payo βΊπ hahanap na lang ako ng paraan hahaha #ParaSaKaligayahan
Kung sakali, maglaba na lang din tayo doon, kasi ayoko magbitbit ng maraming damit at gamit eh. Bitbit na lang ng Ariel hahahahaha
LikeLiked by 1 person
Oks lang yan shai. Maibabalik mo din yung pera. Kung matagal mo naman maibalik, kausapin mo nalang yung hiniraman mo. π option 1 hahahaha
Ako din eh mej nag aalanganan. Kasi 3days. 3days ma-sstuck yung maduming damit sa bag. Mej OC lang naman hahahaha
LikeLiked by 1 person
Oo kaso nahihiya rin kasi ako mangutang eh (pabebe voice) hahahaha
Ikaw san ka? Option 1 o 2? π
LikeLiked by 1 person
Option 1! Kung willing naman sila Micko na pahiramin ka, go lang! Try mo din mangutang paminsan minsan shai. Kahit hulog-hulogan lang yung pambayad mo, g lang! Hahahaha (wala naman nakukulong sa utang diba? LOL)
LikeLiked by 1 person