Groupings Hanash

(ACTUALLY part 2 yan nung post ko dati. Eto yung link – https://shairamaec.wordpress.com/2015/11/30/that-thing-called-groupings/)

Eto na nga ang pinakahinihintay naming lahat, it’s Thesis time! Bago mag-umpisa ang sem na ito ay nagcocontemplate na ako sa kung sino ang magiging kagrupo ko. Sabi ko pa naman, this time ako naman ang mamimili ng igugrupo ko, kasi dati sila ang kumukuha sa akin. Inoobserbahan ko na yung mga kaklase ko kung sino ang pipiliin ko. Ang arte ko di ba. Pero ako, deserving ba ako para kunin nila? Hahahaha

Hanggang sa napagdesisyunan namin na, yung dating grupo namin nung research, kami na magsasama-sama. Okay naman ang team namin. Pero deep inside gusto ko, sana iba naman maging groupmate ko hahahaha! Naalala mo dati may dream team/partner ako di ba, pero after so many years, yay di ko na siya bet na maging groupmate hahahaha.

Pero nabago ulit, nagkaroon ng distribution, yung mga creative/editors, igugrupo sa mga di marunong mag-edit, para kahit papaano masalo yung mga classmate namin na inferior. Kasi thesis na yun, kailangan namin tulungan ang isa’t isa para makapasa. At ngayon ay well-satisfied na ako sa naging resulta, kasi malalakas ang mga groupmate ko hihi. Axis Powers kami beh! Isang magaling magsalita, isang magaling mag-edit ng video, tsaka isang magaling magsulat (ako yun lol)

Pero wait lang uli, may ikukuwento ako. May dalawang grupo sa klase namin, Republicans at Democrats (keme lang yung label ko hahahaha). So ako, nasa Republican. Pero okay naman ako sa mga Democrats, minsan sumasama/gumugrupo rin ako sa kanila. Kaya alam mo ba nile-label-an ako na, ‘bes ng bayan’ tsaka ‘plastik’ hahahahaha kasi daw ang dami ko raw mga bes hahahaha. Natatawa na lang din ako, pero that doesn’t mean marami akong kaibigan, kasi pagtapos ng klase, ako lang din naman mag-isa ang naiiwan eh.

Balik tayo sa topic, yung groupings namin sa thesis, di pa rin maayos-ayos, dahil sa isyu ng dalawang partido (di ko maexplain kung ano yun kasi di ko gaano maintindihan yung ipinaglalaban nila eh hahahaha). Ako naman walang problema sa kahit na sino eh, kaso eto, groupings pa lang, ang labo na. Pano pa kaya yung mismong thesis? Labo labo na ba? Nagkakagulo buong section nung nakaraan lang hahahaha di kasi sigurado kung pares, tig-tatatlo ba o tig-aapat ba by group. Hindi pa nakakapag-enroll yung iba kong mga  kaklase nun kaya walang kasiguraduhan.

Advertisements

16 Replies to “Groupings Hanash”

  1. Sino mga kagrupo mo? Hahahaha! Yan kasi ang hirap sa mga classmate natin, “pinapa-kumplikado ang hindi naman kunplikado” ofcourse, “ayaa sumunod sa rules” im sure, gusto ka lang nila maging kagrupo kaya ganyan sila. Hahahaha saka alam ko, tatluhan yan ah? (Sir arias din kasi sa research namin. Atleast yung classmates ko dun, hindi na napalag. Hahahahahahahaha)

    Liked by 1 person

  2. itong post na ‘to yung nageexplain ng kung anumang kaganapan sa buhay ko ngayon hahahahahahahaha swak. lalo na yung part na “Natatawa na lang din ako, pero that doesn’t mean marami akong kaibigan, kasi pagtapos ng klase, ako lang din naman mag-isa ang naiiwan eh.” sad.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s