AKO nga pala yung taong laging bumibili ng damit sa ukay-ukay. Kaya kung mapapansin mo yung ayos ko laging recycled, mukha akong patapon hahahaha charot. Pag magki-clearance sale yung ukayan malapit samin (yung tipong sampung piso na lang yung mga damit), nagsha-shopping ako ng bongga. Tapos kapag may mga ganap ako (halimbawa events sa school, dun din ang takbuhan ko para sa OOTD/costume.) Sorry na. Ganito talaga dito samin, hanggang UK lang ang keri. Pero syempre pinipili ko naman yung mga binibili ko, yung mga quality naman!
Sa kakabili ko, napuno ko na lahat ng cabinet ko (dalawa sila bale), yung iba nakasampay pa rin at di ko maitupi, wala nang paglalagyan. Tapos yung mga damit na ayaw ko nang gamitin, inilagay ko na sa mga maleta na di nagagamit, tapos nung di na kasya, yung iba nasa mga karton na, inilagay ko sa ilalim ng kama. Yung iba ko pang damit nandun na sa mga luma kong backpack. Nakakaloka kasi halos karamihan ng gamit ko sa kwarto, puro lumang damit (either di na kasya, or di na uso, or chumaka na paglipas ng panahon.) Ngayon ang problema na lang, gusto ko na sila i-dispatch. Pero ayokong itapon kasi damit yun eh! Gusto ko sana may iba pang gumamit, kaso chakabels na ng mga damit ko, wala na magkakainteres pa doon hahahaha. Naisip ko, pwede ko siya idonate sa mga taong nangangailangan talaga ng damit (tinamaan ng kalamidad, nasunugan, mga kapus-palad) kaso hindi ko alam kung paano ko maibibigay yun sa kanila.
Bili ako ng bili, pero parang limang set lang ng damit ang palagi kong ginagamit, lalo na yung mga wash day shirt ko lagi na lang yun ang isinusuot ko hahahaha!
Ako din, may ganyang problema. at gustong gusto ko na talagang alisin lahat. Joke, yung iba lang. So guys, may suggestion ba kayo na pwedeng gawin? Baka may alam kayo na bumibili ng lumang damit, kahit per kilo o kahit ano. Please.
LikeLike
Hala meron yan ππ
LikeLiked by 1 person
Gusto ko sana kaso baka wala nang tumanggap nung pinaglumaan ko hahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Pag clearance sale dito, madalas puro chaka na yung damit (yung tira na lang, pinapaubos), pag new arrival karamihan magaganda pero medyo maharlika pa rin ang price. Kailangan lang wais sa pagpili haha
LikeLike
Comfort > Style βΊ
LikeLiked by 1 person
True yan βΊ
LikeLike
hoy Shay…matuto ka mag move on at mag let go…LOL…pamigay mo na mga damit na di mo sinusuot ha ha
LikeLiked by 2 people
kala ko kung anong closet problems na haha! dami kaya magaganda sa UK, mga unique pa. kaso bihira ako makatiyempo ng clearance sale!
LikeLiked by 1 person
Sana ako din makabili sa UK… walang kasya sa akin eh. Plus size kasi ako.. hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Aanhin ang mahal kung minsan hindi naman komportable, diba? Hehe
LikeLiked by 1 person
Ako din mahilig mag ukay! Hahaha bihira lang ako bumili sa mall. Pano, sa mall 450 isang damit palang… eh pag sa ukay diba ang dami na non. Haha
LikeLiked by 1 person