Closet Problems

AKO nga pala yung taong laging bumibili ng damit sa ukay-ukay. Kaya kung mapapansin mo yung ayos ko laging recycled, mukha akong patapon hahahaha charot. Pag magki-clearance sale yung ukayan malapit samin (yung tipong sampung piso na lang yung mga damit), nagsha-shopping ako ng bongga. Tapos kapag may mga ganap ako (halimbawa events sa school, dun din ang takbuhan ko para sa OOTD/costume.) Sorry na. Ganito talaga dito samin, hanggang UK lang ang keri. Pero syempre pinipili ko naman yung mga binibili ko, yung mga quality naman!

Sa kakabili ko, napuno ko na lahat ng cabinet ko (dalawa sila bale), yung iba nakasampay pa rin at di ko maitupi, wala nang paglalagyan. Tapos yung mga damit na ayaw ko nang gamitin, inilagay ko na sa mga maleta na di nagagamit, tapos nung di na kasya, yung iba nasa mga karton na, inilagay ko sa ilalim ng kama. Yung iba ko pang damit nandun na sa mga luma kong backpack. Nakakaloka kasi halos karamihan ng gamit ko sa kwarto, puro lumang damit (either di na kasya, or di na uso, or chumaka na paglipas ng panahon.) Ngayon ang problema na lang, gusto ko na sila i-dispatch. Pero ayokong itapon kasi damit yun eh! Gusto ko sana may iba pang gumamit, kaso chakabels na ng mga damit ko, wala na magkakainteres pa doon hahahaha. Naisip ko, pwede ko siya idonate sa mga taong nangangailangan talaga ng damit (tinamaan ng kalamidad, nasunugan, mga kapus-palad) kaso hindi ko alam kung paano ko maibibigay yun sa kanila.

Bili ako ng bili, pero parang limang set lang ng damit ang palagi kong ginagamit, lalo na yung mga wash day shirt ko lagi na lang yun ang isinusuot ko hahahaha!

Advertisements

10 Replies to “Closet Problems”

    1. Hahaha. Pag clearance sale dito, madalas puro chaka na yung damit (yung tira na lang, pinapaubos), pag new arrival karamihan magaganda pero medyo maharlika pa rin ang price. Kailangan lang wais sa pagpili haha

      Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s