Ulyanin Problems

KINAKABAHAN na ako sa pagiging makakalimutin ko, medyo naaapektuhan na ang pamumuhay ko hahahaha.

Kahapon, inutusan ako ni Ate Vky na pumunta kina Ate Wen sa Green Gate (subdivision na medyo malayo sa amin), ipinaaabot niya yung gatas tsaka isanlibong piso. Nagpunta nako dun, tumambay saglit, nanood ng TV, etc. Pagkatapos ng ilang oras ay napagpasyahan ko nang umuwi. Nakalimutan ko ibigay kay Ate Wen yung pera hahaha! Naalala ko lang nung nasa labas na ako nung subdivision nila. Eh di naglakad na lang ako pabalik ulit sa bahay nila, sayang kasi sampung piso rin yung tricycle eh.

Tapos kagabi, inutusan naman ako ni Ate Grace na bumili ng barbecue sa palengke. Yun na, pag-uwi ko, kulang pala yung sukli sakin! 200 pala yung binigay niya pambili. 200 hawak ko, akala ko 100 lang, kaya di ko napansin na mali rin yung isinukli sa akin nung tindera. Pagbalik ko sa bilihan ng barbecue, pahirapan ko pa makuha yung 100, ayaw niya kasi maniwala na 200 yung ibinigay ko. Kasi ba naman di ako umangal agad na kulang yung sukli ko eh.

Eto naman kanina lang pag-enroll ko, sa pagmamadali ko na makapunta sa classroom, naiwan ko yung cellphone ko sa may upuan sa registrar office! At di ko pa napansin na wala sakin yung cellphone, nalaman ko na lang nung isinoli sakin nung classmate ko hahaha nakakaloka buti na lang nagpunta rin siya ng registrar at nakilala yung phone ko, naku kung hindi! Luhaan sugatan di mapakinabangan ako ngayon kasi wala na akong cellphone!

Tapos kapag kinukuwentuhan nila ako, di ko natatandaan yung mga kaganapan sa nakaraan. Napapasagot ako ng, ‘Ha? Kailan?’, ‘Ha? Wait lang di ko na maalala eh’, atbp.

Sa tingin mo, dapat na ba akong uminom ng memo plus gold? πŸ˜…πŸ˜… hahahaha paano pa ba mashasharpen yung memory ko? Heeeeelp~

Untitled
(image source)

Advertisements

8 Replies to “Ulyanin Problems”

    1. Madalas po kasi wala ako sa focus. Yung parang lutang lagi ganern hehe. Dati nagplanner na ko, kaso karamihan sa mga inilalagay ko dun, di ko naman natutupad/nagagawa. Ay sayang lang po. Pero ang ginagawa ko naman, yung memo/calendar sa phone yun lang gamit ko pag may importanteng mga bagay bagay 😊

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s