Ang Huling Kembot

Last semester ko na ngayon! Share ko lang hahahahaha. Isang kembot na lang, magtatapos na ako sa pag-aaral. *if ever*

Dati, atat akong grumaduate. Para makatulong sa mga gastusin dito sa bahay. Para payagan na akong gumala, mag-overnight, uminom, at magjowa (kahit wala pa). Para makagala na ako nang hindi inaalala lagi ang budget. Marami pang dahilan.

Pero ngayon naiisip ko, dapat sulit-sulitin ko na ang panahong ito, kasi last na eh. Ito na yung huling pagkakataon na mapupuyat ako dahil sa assignment, huling pagkakataon na magrereview para sa exam, huling pagkakataon na magpakasarap sa buhay kasi wala pang obligasyon, charot. Sa totoo lang mamimiss ko yung mga ganitong moment, yung classmate mo lang yung poproblemahin mo. Hahahahaha. Yung mga bagay na ginagawa ko sa loob ng labing-apat na taon na ginugol ko sa pag-aaral, di ko na ulit magagawa yun pagkatapos nito. Huling taon ko na rin to bilang isang palamunin. Sa susunod ako na ang magpapalamon, hahahaha.

Tatlong araw sa isang linggo na lang yung pasok ko. Kaya gusto ko sana i-enjoy ang mga moments na nasa school ako. I should make the best of it! Di na pwedeng pa-linga linga, dapat ko nang ipush ang best ko! Nung unang linggo ko sa kolehiyo, sabi ko: ‘Mukhang kaya kong mag-Cum Laude ah. 1.5 lang yan!’ Pagkatapos ng apat na taon, ni hindi man lang umaabot ng 1.5 yung GWA ko hahahaha bawat sem, umaasa ako na makakapasok sa Dean’s List, kaso ngangabels! Ang hirap pala hahaha! But it doesn’t matter if you graduate with flying colors eh. What’s important is we fully learn what is taught, and applying it in real life through practical/activities. Atleast ako makakapagtapos ako na marunong mag-edit, ok ako sa prod, ok rin ako sa writing, medyo ok na rin ako sa speaking hahaha konting improvement pa! Kailangan ko na lang aralin ay kung paano gumamit ng camera. Yes. At least di tulad nung iba na hanggang written exam lang. Pag may prod di na tumutulong hahahahaha ✌✌✌✌✌

Ngayong sem na rin gaganapin yung Tagisan ng Talino. Hinihiling ko ng bongga na sana makapasok ako ng Nationals. Okay lang kahit di na manalo, basta umabot dun! Kailangan ko nang aralin ng mabuti yung mga general facts and information. Yung mga natutunan ko noon nakalimutan ko na eh. Yung mga nasagutan ko sa exam alam ko talaga yun eh, di ko lang matandaan. Kinakabahan din ako sa dalawa ko pang kasama na lalaban, di ko sila kilala sa personal! Kasi di lang idea ko yung nandun, paano kaya pag di kami nagkasundo? Paano kung sinunod nila yung sagot ko tapos mali pala? Kailangan namin pagkatiwalaan ang isa’t isa. Hahaha. Pero kailangan ko talaga mag-aral this time pursigido ako na makapasok. Sana man lang bago ako makapagtapos eh may ma-achieve man lang ako kahit papaano πŸ™‚ (if ever na matalo ako sa cluster, buburahin ko tong part na to hahahahaha)

Di ba may tatlong bagsak na subject ako nung first year (hindi kasi ako nakakapagbayad ng tuition fee dati, di ako nakakapagexam), na-retake ko na yung dalawa nung nakaraan, at kinukuha ko na yung huli ngayon. Medyo sure na ako na makakagraduate na ako sa May hahahaha! Sana di na ako bumagsak this sem. Last na to eh!

Kapag naiisip ko na magtatrabaho na ako, parang hindi pa ako handa hahaha! Isip bata pa rin kasi ako, tapos lagi akong sumusuway sa mga rules keme, tapos lagi pang mali yung nagagawa ko. Baka madisappoint ko nanaman yung magiging boss ko. Tamad tamad pa ako sa buhay, tulad na lang nung OJT ko na kapag nababagot ako eh natutulog na lang ako. Sadlyf. Ayoko na ng ganun pero di ko alam kung paano babaguhin ang sarili ko. Di pa ako ready magtrabaho, pero kailangan ko na kumita ng pera haha jusmiyo!

Palagi akong nangangako sa mga blog posts ko na gagawin ko lagi ang best ko. Pero lagi lang din namang napapako kasi tinatamad ako hahahaha nakakainis.

Pero sana muna talaga makagraduate na ako next year. Plsssss.

Advertisements

4 Replies to “Ang Huling Kembot”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s