Bagyong ‘Finals’


MATAPOS akong maitakwil, magkandamalas-malas sa buhay, at mawalan ng karapatan sa wi-fi nitong nakaraang buwan, ngayong Oktubre naman ay tinadtad ako ng mga gawain sa school. Kung ang ilang lugar sa Pilipinas ay sinasalanta ng bagyong Karen at Lawin, ang utak ko naman ay binabagyo rin (brainstorming lols) – ng Finals. #HellWeek. May mga bagay akong natutunan. At may mga bagay naman na hindi na ako natuto, di pa rin ako nadadala!

So heto ako ngayon, ibibida ang mga naging aktibidad ko sa nakalipas na mga araw. Medyo mahaba to, baka tamarin ka na rin magbasa, puro kuda kasi ako eh hahahaha!

1. Press Kit (Oct. 3)
Paano ko ba ieexplain to. Kasi di ba sa Advertising/PR, kapag magla-launch ka ng bagong product/service or company, kailangan mo i-introduce sa media yung ino-offer mo. Yun yung press kit. Laman nun ay yung sample ng product, press release, news statement, fact sheet, freebies, at kung anu-ano pa na pwedeng makatulong sa promotion ng inyong bagong product. Yung sa project namin, kunyari eh magla-launch ng bagong meal set ang KFC – Chicken (yung fillet) + Mashed Potato + Mushroom Soup + Mixed Fruits + Drinks & Gravy. Ang campaign namin ay i-introduce ang American/Western style of brunch – at yun ay ang no-rice meal na io-offer namin (iba to kasi di ba tayo sanay lagi na may kanin). Ang hirap mag explain in fairness ah hahahahaha kaya natagalan bago mapublish ang post na ito eh.
Ganito na nga, yung mga pagkain na nabanggit namin sa taas, kami mismo nagluto nun! Medyo matindi to kasi dapat KFC ang dating ng lulutuin namin ah. Sample product lang yon kung tutuusin pero dapat kabog! Isang linggo bago magpasahan, nagtrial muna kami ng pagluluto nung mga ihahain namin. HRM/Culinary students muna kami nung araw na yon hahahaha. Di naman ako gaanong napagod, kasi hindi ako masyadong tumulong sa pagluluto eh! Hahahaha wala talaga akong talent pagdating sa kusina nakakainis! So yung mga kagrupo ko na yung bahala dyan. Pero ginawa ko naman yung part ko – yung fact sheet. Tapos yung lagayan mismo ng press kit na box (yung pinost ko sa instagram na mukhang lagayan ng pizza! Haha!) Na-amazebels talaga ako nung nagawa namin yung lagayan hehe.
Tapos nung mismong araw ng pasahan, nakakapagod kasi after na lutuin yung meal, naghanap pa kami ni Jovi ng paprintan nung mismong laman ng press kit – laser printer dapat. Naglakad kami ng medyo malayo, inabot tuloy kami ng hapon sa pagpasa, nakalimutan ko, may mga laser printing shop pala na malapit sa school, yung pinaprintan namin ang layo na nun haha papunta na ng la salle yun eh! Pagkatapos na maipa-print ay naglakad ako ng konti para maipasunog, este maipa-burn yung CD, tapos bumili pa ako ng CD case malapit sa bayan, more lakad more fun ako nun hahahaha. Pero worth it yon kasi alam mo ba na-amazebels si madam nung nakita niya na yung pinasa naming project! Sulit lahat ng pagod ko, 96 yung grade namin sa press kit eh πŸ™‚

2. Booth (Oct. 5 & 7)
Para sa pagdiriwang ng students’ week ss aming paaralan, naatasan kami na mag set up ng mga booth para sa ikaliligaya ng mga mag-aaral! (Srsly) Tatlong booth yon: yung isa movie house, yung isa balloon popping, tapos tongue twister naman yung isa pa. Nastress ako ng bongga sa pag-asikaso ng letter niyan! Katulad ng dati, paulit-ulit kaming narereject. Palagi na lang may mali. Hindi naman kami tinatama. Hanggang sa nung monday eh natapos ko na rin yung letter na nakakangarag talaga kasi kung anu-ano na yung mga pinaglalalagay namin dun. Kailangan naka-indicate na sa letter kung anu-ano yung mga gagastusin/bibilhin namin na materials bukod sa mga equipment na hihiramin namin. Pati mechanics nakalagay din. Nung natapos ako napaisip ako nun, kasi member lang naman ako ng org namin, pero bakit ako yung gumagawa non? Tapos yung ibang officers na dapat in charge dun, ayun hayahay lang. 😦
Nung araw na nung mismong booth, tanghali na kami nakapag-umpisa, kasi yung mga kaklase ko so amazing eh 7AM usapan pero dumarating tanghali na rin. Talaga baaaaa. Parang lima lang yata kami na nagsesetup nun. Alas nuwebe umalis muna ako para mag-think quest (ikukuwento ko yan mamaya wait lang). Pagkatapos ng isang oras bumalik na ako sa booth, yun okay na nakapagstart na! Tapos dumiretso agad ako ng bayan kasi ang bilis maubos nung prizes dun sa balloon popping booth namin! Nga pala, may tatlong tira yun. Pag nakaputok ng isa, may stick-o ka. Pag nakadalawa, may choco mucho. Pag nakatatlo ka at nakaputok ka sa lahat, may special prize na unan! (Maganda yon!) Pabalik-balik ako sa Grocery Store nun haha dun ako napagod ng bongga eh. Pero worth it yon kasi ang daming tumangkilik sa booth namin! Amazing! Kita talaga na mahaba ang pila sa ‘Tutok Putok’, at marami ring nanonood sa Movie House, kahit hapon na nakapag-umpisa yun. Narealize ko rin na yung ginawa namin nung araw na yun, wala siyang kapalit na grade hahahaha. Kasi ganun pa rin eh mas mataas pa yung grades nung mga hayahay lang nung araw na yun kesa sa grades ko. Di nila deserve yon hahahaha sorry na, grade conscious na ako πŸ˜€ Pero okay lang di ba for experience naman to πŸ™‚

3. Think Quest (Oct. 5)
Para sa national competition ng Tagisan ng Talino, sumali ulit ako, di lang sa isa, pero dalawang patimpalak – sa Essay Does It (essay writing), pangalawang sali ko na to actually, tsaka sa Think Quest (Quiz Bee). Dapat essay lang sasalihan ko eh, pero nung nakita namin yung pinahiram na papel ni Mam Jinia na may nakalagay na tungkol sa Think Quest, napasali ako. Wala akong kaalam-alam na may ganito palang Quiz Bee sa school haha ang alam ko lang kasi Essay, Math, tsaka Impromtu. E di yun na nga sumali na ako, pero nung araw na ng TNT, isa lang ang dapat kong lahukan, kasi sabay-sabay yun lahat idaraos eh, pinili ko na lang sa think quest kasi pakiramdam ko, mas malaki ang tsansa ko na magkampeon dito, kesa sa essay na minsan talaga wala sa rubrics yung mga naisusulat ko, tsaka kasali din yung defending champion ng essay na magaling talaga! Dun na nga lang ako sa think quest.
Nung araw na yun, hindi talaga ako nagreview, kasi abalang-abala pa kami sa pag-aasikaso nung booth, muntikan na nga akong hindi tumuloy eh kasi hindi ko maiwan yung booth, kakaunti pa lang kasi kaming nandoon. Pero sabi ko nun mas may mapapala ako pag nagthink quest ako kesa mastress doon sa booth. Push na! Heto na – di naman ako nangarag nung nasa competition na ko, kasi may mga tanong na kahit papaano eh alam ko yung tamang sagot. Wew buti na lang nagana pa ng maayos yung stock knowledge ko! Pero yung iba talaga sobrang hirap, di ko talaga alam hahaha. 60 points lahat lahat yun, naka-29 ako – at yon na yung highest sa lahat ng kasali! Lam na! Hahahaha #champion! Nag-eexpect ako na mga line of 5 yung score-an namin, pero hindi eh wala pang kalahati yung nakuha ko, first na yun! Tapos yung second sa akin, 16 lang ang nakuha. Ibig sabihin eh talagang pang-college lang yung level of intelligence namin. Paano na kaya kapag ilalaban na kami sa ibang school, walang wala talaga kami!
Kaya ang plano, sa susunod na semestre, kaming top 3 ay gagawing isang grupo, tapos ilalaban sa group ng SHS, then cluster, then nationals, pag pinalad! Sana palarin na ako this time hahahahaha lagi kasi akong talunan sa quiz bee nung high school! Sana ngayon umabot man lang ako ng nationals. Good luck sa amin ng mga kagrupo ko πŸ™‚

4. Teacher’s Day (Oct. 5)
Nung hapon ay nagkaroon naman ng program para sa mga profs. Di naman ako nastress dito, hindi kasi ako tumutulong eh hahahahah. Gumawa kami, este sila pala ng video, Teacher’s Day Special (lam nyo na yun). May pinagdadaanan kasi ako nung mga araw na nagshu-shoot sila kaya hindi ako makatulong. Sorry na. Pero nung mismong Teacher’s Day, mukhang masaya naman sila. Ayun success!

5. Palakpak – Theater Play (Oct. 14)
Theater ulit? Di naman, may isang scene lang kami sa play ng mga third year ngayon. Tapos kumanta at sumayaw kami ng ‘Maling Akala’, na-maling akala nga ako kasi akala ko may kapalit na grades to <\3 wala di ramdam! Pero okay lang kasi para maranasan ko naman magperform sa stage. Naaalala mo last year nung nagtheater kami di ba? Tech. Dir. ako nun, at least ngayon may exposure na ako hahaha. Tumulong din kami sa pag-aayos ng props at pagbuo ng stage (oo part time karpintero rin kami don).
Tapos nung mismong gabi na ng play, nakakahiya kasi mali kami ng pagkanta, late na kami umentrada hahaha nakakahiya kasi yung mga third year flawless ang performances, tapos kaming fourth year palagi na lang lumiligwak. Ang fail di ba.
Pero over all, ang galing galing nila! Kasi halos silang lahat eh may mga talent talaga sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte. Then pinaghandaan talaga nila ng bongga yung play, ginastusan, full pack effort! Walang wala sa theater namin nung last year. Seryoso. Habang pinapanood ko yung play nila, naiisip ko yung ginawa namin nung nakaraang taon, ang fail. Hahahaha frustrated pa rin ako. Kasalanan ko yon eh hahaha.

6. Social Experiment Video (Oct. 18)
Project namin sa Sociology ito. Ang ginawa namin, halimbawa may malalaglag sa amin na pera (bente lang naman), titingnan namin kung sino yung pupulot at magsasauli, o magbubulsa ng pera. Tinry namin sa SM (Dasma, the day after the hostage-taking incident.) Out of 5 trials, tatlo yung nakabalik ang bente. Yung dalawa sabi ibibigay daw sa management yung pera para pag may maghanap, maibabalik din. Yun yung sabi nila.
Nangarag lang ako nung nag edit na ako, isang araw bago magpasahan. Busy ako sa theater eh. Pero nung pinasa na namin kay mam at pinanood, ayun mukhang satisfied naman siya πŸ™‚

7. Magasin (Oct. 21)
Heto talaga hahahaha, nung araw ng pasahan, saka ko lang inedit ng matino yung part ko #ProcrastinatePaMore hahahaha! Nakakahiya di ba, buti na lang yung mga kagrupo ko nakapag-edit na. Stress ako nung bongga nung araw na yun, kasi dapat bago mag 5PM maipasa na kay mam yung magasin, buti na lang eksaktong 5 nakabalik na kami bg school, at naabutan namin si mam. Ayun napasa na. #Satisfied din naman.

8. Mamma Mia – Mini-theater Play (Oct. 24)
Ang Mamma Mia ay isang sikat na musical play, which features the songs of ABBA (Dancing Queen, Chiquitita, etc.), bale may remake kami. Nakakabigla to, kasi ilang linggo lang ang preparation namin para dyan! Dapat nung October 14 din siya gaganapin, pero ipinaurong namin talaga kasi hindi kami handa. Sa loob ng ilang araw ay nagrehearse kami. Nung una company lang ako dyan (parang backup dancer ganern), gusto pa nga nila ako na lang daw maghahawak nung idiot board eh. Sabi ko kasi ayoko na magtechnical talaga hahaha pagod nako there, I want to perform naman! (Arte) then na-promote ako nabigyan na ako ng role! Hahahahaha first time to mga bes! Di kasi nagpaparticipate yung isang classmate na lead role sana, sayang, magaling pa naman siyang kumanta. Pero di ako yung pumalit na lead role ha, ako yung pumalit sa role nung naging lead role hahahaha! Bale ako doon si Rosie, bes ni Donna na ermat ni Sophie na siyang Protagonist sa kwento. Di lang yon, dahil girl band kami doon, more prod number rin kami! Puro sayaw at kanta ang eksena sa play, kaya napalaban talaga ako hahahaha! Salamat talaga nabigyan ako ng break! Hahahaha! Kahit ang chaka ko umarte at sumayaw, push lang! Walang choice eh hahahaha
Eto na, nung mismong araw na ng play, nabitin ako ha. Bakit nung rehearse namin ang tagal, pero nung mismong play na parang wala pang 30 minutes ang duration? Bitin haha natuwa kasi ako magperform eh hahahaha. Tapos yung mga nanonood na IT students, hala sila hinihiyawan ako. Nasa isip ko nun, ginagawa siguro akong katatawanan netong mga to. Nakangiti lang ako nun pero deep inside ayoko nung ginagawa nila ha! Naalala ko lang yung ginawang pambubully sakin nung HS, parang ganun din yung nangyari sakin nun eh. Last na pag-arte na to hahaha balik-technicals na nga lang uli ako sa susunod. Mas mabuti pang nandun na lang ako πŸ™‚
Yung sa grades naman, hindi ako satisfied hahaha nag-eexpect ako ng uno, pero hindi eh. Baka siguro hindi gaano na-satisfy si mam sa ginawa namin, maiksi lang kasi eh.

9. Cover to cover na exam sa finals (Oct. 20 – 24)
Yasss, yung pointers ng mga exam namin eh mula prelim hanggang finals. Di na ako nagreview nun, nagchampion nga ako sa Think Quest nang hindi nagrereview eh, eto pa kaya? Hahahaha! Tsaka kasi busy nga ako sa theater nun kaya wala na akong panahon. Mas lalo ko lang mararamdaman yung stress kapag inaral ko pa yung mga previous lessons namin πŸ™‚ Ayun, pasado naman ako sa lahat! Tapos nag-uno ako sa Psychology dahil sa mataas ang score ko sa exam! Yes! Nang walang nireview! #StockKnowledge

Sinabi ko na sa mga nakaraang posts ko na kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakaka-praning, dapat i-push pa rin! Ewan ko ba kung masaya ako sa mga kinahinatnan ko. Pero, heto na siguro yung huling finals na mangangarag ako. Pag naka-graduate na ako, mami-miss ko yung mga ganitong kaganapan! Hahanap-hanapin ko yung mga moment na naiistress ako. Hahahaha

3 thoughts on “Bagyong ‘Finals’

  1. Salamat po 😊😊😊 umpisa pa lang ng laban to hehehe

    True nakakapagod man ang hell week, pero masaya rin nakakamiss πŸ™‚

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.