The Dark Side


HINDI porque malungkot ka, depressed ka na. Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga nakakaranas ng depresyon, kaya sana huwag nating gamiting excuse ang ‘depression’ para makakuha lang ng atensyon mula sa ibang tao. Nakakainis na nagcoconclude agad sila sa ganun, pero sa totoo lang eh nagpapapansin lang naman. Kaya siguro binabalewala lang natin yung mga totoong depressed kasi iniisip lang natin na nag-aarte artehan lang sila. Kasalanan talaga to ng mga KSP at attention seekers na depressed daw kuno eh. Pfff.

Ako minsan nababanggit ko na nadedepressed ako, pero hindi naman ganun katindi. So masasabi ko na rin na nag-iinarte na lungkut-lungkutan ako. Pero hindi naman yun dahil gusto ko na mapunta sa akin yung atensyon ng mga tao sa paligid ko. Nakakainis yung ganun eh. Pero may mga punto talaga sa buhay ko na sobrang lungkot ko, pero hindi ko ma-define kung depressed ba yun o simpleng lungkot nga lang talaga.

Tulad ngayon, malungkot ako kasi nga walang wifi. Wifi is life! Hindi na ako makapagtwitter at wordpress, ako pa naman dun ako naglalabas ng mga hinanaing mula sa mga napagdaanan ko sa loob ng isang araw. Sa mga panahong ito ay di ko alam kung paano ko irerelease yung mga rants ko, since wala naman akong kaibigan na kaya kong pagsabihan ng mga nararamdaman ko. Wala na. Sadlyf. Itinakwil na ako ng mga kamag-anak ko, tapos wala pa akong kaibigan na masasandalan. Kasalanan ko kasi lahat to eh.

Kaya ayun, nagcocomshop na lang ako. Sa loob ng isa o dalawang oras ay ginagawa ko ang mga assignment/projects ko, tapos kapag may sobra ay nagttwitter ako. Hindi na tulad noon na kapag may issue ako, insta-tweet agad! Ngayon wala na. Itong nasa wordpress ay naipon muna bago maipublish.

Ano bang ipinaglalaban ko?

Yun nga, ito ang isa sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko. Pakiramdam ko wala na akong ibang karamay kundi sarili ko lang. Gusto ko iproclaim na ‘medyo depressed’ ako pero wag na lang kasi medyo mababaw lang itong pag-iinarte ko. Masaya na ako na heto nailalabas ko na rito yung mga thoughts na nasa isipan ko. Sige hanggang dito muna. Kapag may pumasok ulit sa isip ko na panibago ay ieedit ko na lang to πŸ™‚

PS: kahit ganito ang kalagayan ko ngayon, naniniwala pa rin ako na darating ang panahon na liliwanag din ang kalangitan at makikita kong magniningning ang aking sariling bituin. Charot!

PSS: May kaibigan kasi ako na kiniclaim na ‘depressed’ daw siya. Ang dami niya raw problema. Umabot pa raw sa point na nilalaslas niya na yung pulso niya. Ako ay hindi naniniwala sapagkat ang personality niya ay yung ‘wapakels’, paano siya magkakaroon ng mabigat na problema eh ni pag-aaral niya nga wala siyang pakialam. Siya yung tao na kapag nahihirapan/di siya interesado sa isang bagay eh di niya talaga papansinin yun, tulad sa school. Obvious naman na gusto niya lang ng atensyon, may ipinakita siya sa akin na picture niya nung naglaslas siya (may dugo) at ang nasa isip ko nun ay, “Bes depressed ka na niyan, pero nagawa mo pang picturan at ipamukha sa akin yang laslas mo.” At halata naman na naaksidente lang na nahiwa ng kutsilyo yung balat niya sa may daliri. This girl. Ang dami niyang ibinibida sakin araw-araw tapos sasabihin niya ang dami niyang problema? Eh anong tawag sa pinagdadaanan ko? Di ba problema din yon? Hindi naman sa nanghuhusga ako (pero ganon na rin yung ginagawa ko), pero yun talaga yung the best example ng pag-iinarteng depressed eh. Nabi-beastmode ako kasi dapat ako yung magkukwento sa kanya na malungkot ako and etc. Pero in the end, siya pa itong nagpapaawa sa akin na matindi ang pinagdadaanan niya kahit wala naman! Jusmiyo.

Ok na siguro yan. Nalabas ko na at least kalahati ng nasa loob ko.

2 thoughts on “The Dark Side

  1. Ganyan din ako minsan. Labasan ko din yung Twitter at WordPress. Minsan nga paulit-ulit na lang eh hahahahahahaha!

    Liked by 1 person

  2. Anukaba! Pm mo lang ako sa mga ganyan. Ewan ko ba. Pero interesado ako sa problema ng ibang tao. Pero kapag problema ko na, laslas na bes! Hahahahahahahaha! Pm mo lang ako kapag gusto mo ng kadaldalan. Oks lang yan. 😁😁😁

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.