HINDI pa rin ako nakakapag-internet sa bahay. Kaya heto ako, nagsusulat na lang ng kung anu-anong kahanashan. Hindi naman dahil sa walang magawa. Ang dami kayang gawain! Ang dami kong ganap sa school. Projects. Booth. Theater. Kahit yung iba dyan wala talagang kapalit na grades, kailangan ko yang mga yan for two ex’s —– Experience and Exposure. -Para hindi na ako magmumukhang tanga at tamad pagdating ng working years, di tulad nung OJT na puro tulog lang ang inatupag ko. -Para hindi na mga kaklase ko lang ang nakakakilala sa akin, kailangan ko na rin magpabida sa labas ng classroom! Hahaha.
MALI!
Heto talaga yung gusto ko sabihin ngayon: Feeling ko all this time palagi na lang may MALI.
– yung letter na ginagawa ko para sa booth, palagi na lang nirereject. Mali daw kasi.
– nung OJT ko, palagi akong pinagagalitan. Bukod sa tamad ako, palagi na lang mali yung nabibigay ko na output. Paulit-ulit ko naman daw ginagawa yung mga bagay bagay pero bakit daw palagi pa rin akong nagkakamali? (Mali ng gupit. Mali ng compute. Mali ng pagcompile)
– ngayong theater, kapag naiisip ko na ang gara ng production ng third year ngayon, isinasampal sa akin ng subconscious mind ko na ako ang may kasalanan kung bakit medyo fail yung theater namin last year. Kasalanan ko nga siya, actually π
Amazebels sa’kin yung mga kaklase ko kasi kaunti lang yung mga nakukuha kong mali sa mga exam, kaya madalas ako ang highest. Pero di nila alam binabawian ako ng buhay, kasi sa real life mas marami pa akong nakukuhang mali, #ansaklap. Kaya kayo magpasalamat kayo kasi sa exam lang kayo maraming mali π charot.
MALAS!
Nung nakaraang huwebes, sandamakmak na kamalasan ang dumating sa akin. Nung umaga nun, pinagalitan ako ng matindi ni kuya, yung akala ko palalayasin na ako hahahaha! Iyak iyak pa ako nun kay chacha, nagpapaalam na ako sa aso namin binibilinan ko na siya.
Hindi ako gaanong makapagfocus sa exam dahil sa mga bumabagabag sa aking kalooban, dahil sa family problem. Buti na lang medyo magaan lang yung mga exams nung araw na yun.
Nung hapon naman na nag-internet ako saglit para gawin yung letter (na palaging narereject) at makapagchat kay Ate Vky, umiyak nanaman ako kasi gusto niya na talaga na lumayas na kami, kahit ayaw ko. Naiisip ko, saan na ako pupulutin niyan?
Nung pagbalik ko naman sa school, tawa naman ako ng tawa, kasi nung sinabi ko yung pinagdadaanan ko sa mga kaklase ko, kung ano-anong kabaliwan yung isinasuggest nila hahahaha! Kahit awang-awa na ako sa sarili ko nung moment na yun, tuwang-tuwa pa rin ako. Baliw.
Nung araw din na yun, nasira yung ginagamit ko palagi na flat shoes. Napudpud na yung swelas kaya butas na, napapasukan ng tubig. E di ginamit ko ulit yung heels ko kahit hindi ako marunong, pero nagbaon ako ng tsinelas π Nung ginamit ko na yung tsinelas ko, napigtal naman! Kaya ayun naka heels pa rin ako hanggang sa pag-uwi. Tinapalan ko na lang yung flat shoes ko para magamit ko ulit, ayoko nang mag heels kahit kailan! Gusto ko na sana bumili ng bagong sapatos, kaso wala pa akong perang pambili eh. Yung 1k na allowance ko mauubos na agad nakakaloka wala pang isang buwan! Ang dami kasing gastusin dito sa bahay tsaka sa school. Hindi pa ako gumagala ngayong buwan, wala na agad anda. Mukhang next sem pa uli ako magkakaroon ng bagong sapatos π
Napaparanoid ako. Paano kaya ako magugustuhan nung crush ko – ang panget ko na nga, ang malas malas ko pa! Hahahaha! Yun pa ba, di yun mag-eeffort na samahan ako through thick and thin, through ups and downs, for better or worse, in sickness and in health. Hahahahahaha! Samahan nga lang ako papuntang Dasma hindi niya na magawa eh, yung mahalin pa kaya? Hahahahaha! Tama na uiii.
Siguro napakasama ko talaga nung past life ko, kaya naging ganito katindi ang karma na pinagdadaanan ko sa kasalukuyan. Hahahaha.
Iniisip ko na ang malas-malas ng buhay ko, kahit sa totoo lang ay wala lang internet kaya wala akong ibang magawa kundi ang magmukmok na lang at maparanoid. Hayyy.
Taraaaa lezzz gala naaaaa hahahahha u need a break!!! Kitkat lang yan! Hahahahaha
LikeLiked by 1 person