Olfaction | Chapter Two

NAGLALAKAD na ako kanina papunta sa terminal ng jeep, pauwi. Galing akong SM kasama yung classmate ko. Habang naglalakad, may nakasabay ako na isang lalaki – ang bango bango niya! Hindi ako tumitingin sa mga tao kapag naglalakad ako (seryoso), pero nung naamoy ko si kuya ay napatitig ako sa kanya. Papunta siya sa terminal ng tricycle, eh di dun na rin ako sasakay pag-uwi, para makasabay ko siya 😍. Pumila siya sa ‘backride’ (dalawa kasi yung pila sa trycicle, isa sa loob tapos yung isa naman sa backride). Tapos ako naman ay pumila kasunod niya, bale nasa likuran niya ako. Grabe sobrang bango niya talaga! Nagwawala na yung mga paru-paro sa tiyan ko. Kasi alam mo naman ako, major turn on sa akin kapag ang lalaki ay mabango. Ang tapang ng perfume niya – yung kaya na akong ipaglaban 😍. Tumaas ng bongga yung Dopamine level ko sa katawan!

Inaamoy ko lang siya the whole time na nasa pila kami, nakapikit pa ako nun para ramdam na ramdam ko siya 😍. Hindi ko nakita gaano yung hitsura niya, kasi bukod sa nasa likod niya ako, ayaw ko siyang tingnan pa at baka makita niya akong nakatitig sa kanya. So ganito: mas matangkad siya sa akin (malamang), tapos nakapulang polo na medyo formal ang suot niya, nakasalamin, at may dark blue na backpack. Feeling ko ka-edaran ko lang si kuya hahahaha 😍.
Then after several minutes nakasakay na rin ako, at katabi ko siya sa backride hahahahaha 😍, kotang-kota ako sa kakaamoy sa kanya kasi sobrang bango-bango niya. Alam mo ba, ngayon lang ako natuwa na na-stuck ako ng matagal sa tricycle sa sobrang traffic sa Dasma, kasi katabi ko siya 😍. Sabi ko sana hindi na umusad pa yung traffic nung mga panahong yun! Pumikit lang uli ako nun, gusto ko sana sumandal sa balikat niya 😍, tapos gusto ko nang mapakanta ng, “Ayoko nang pumara kahit san mapunta, ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama~” tsaka ng, “Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?” HAHAHAHAHA #lande #korni
Kaso bumaba din siya sa San Jose. Nagkatinginan kami saglit nung nagbayad na siya sa driver 😍 poker face lang ako nun pero nagpipigil ako ng ngiti kasi kapag naaamoy ko siya napapangiti talaga ako eh mukhang baliw. Pero di ko pa rin nakita gaano yung mukha niya kasi madilim ang paligid. Sayang beh. Kahit wala na siya eh naaamoy ko pa rin siya sa tricycle, tsaka nahawaan na yata yung uniform ko nung pabango niya. Hanggang sa mga oras na ito ay nakatatak pa rin sa isip ko yung amoy niya. Nakangiti pa rin ako hanggang ngayon aye.
Bukas kaya? Alas-sais kaya siya palaging nauwi? May pag-asa ba na makasabay ko siya muli? Abangan ko kaya siya 😍. Nang dahil sa kakapanood ko ng Descendants of the Sun at The Healer, napapaniwala nanaman ako sa destiny. Gusto ko siya maamoy, este makitang muli 😍. Hindi naman ito yung unang pagkakataon na may nakasabay ako na mabangong lalaki, pero natuwa lang talaga ako kanina kay kuya, hihihi. Pasensya na ang landi ko today πŸ™‚ (palagi naman eh)

Advertisements

21 Replies to “Olfaction | Chapter Two”

  1. Grabee ako din super bonggang pogi points pag mabango ang lalaki! haha. kaso bihira ung gusto kong amoy na pabangong panglalaki. siguro isa pa lang nagustuhan ko.. ung macho dancer sa Bridal shower na napuntahan ko! sobrang bango ng pabango nya, lalaking lalaki pero di masakit sa ilong! tapos gusto ko din ung amoy ng ex ko pag nakapambahay.. laging naka-downy ung damit! haha XD nagrereklamo naman ako pag nagpapabango sya, di ko gusto ung amoy e. hanggang sa nag-bambini cologne sya at tolerable naman na sakin hehe. pero mas gusto ko pa rin ung amoy ng downy sa damit nya.

    Liked by 1 person

    1. Hala ang kulit bambini tsaka downy πŸ™‚ uiii si ex πŸ™‚ charot! ganun din yung sa crush ko nung gamit nila dati yung fab con ng Personal Collection, sobrang bango niya rin nun kaya nung gumamit na yung kapitbahay ko nung kaparehong fab con, naaalala ko si crush β™‘

      Oo ayoko rin nung masyadong matapang na pabango sa lalaki pero yung sa kasabay ko kahapon yay ang sarap sarap niya amuyin hahahaha

      Liked by 1 person

    1. Ayy gusto ko mapanood yung movie na yan 😊

      Gusto ko rin sana siya tanungin kaso nahihiya ako hahaha pati number niya sa phone hingiin ko na rin kaya ✌

      Ang ginagawa ko lang, inaamoy ko lahat ng sample na pabango (yung nasa papel) tapos dun ko hahanapin yung pabango niya hihihi 😍😍

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s