Ispageting Pababa at Pataas

FOOD with memories post #3! Aye!

Ilang beses ko nang nababanggit dito na gustong-gusto kong kumain ng Spaghetti. Ma-extinct na lahat ng pagkain sa Earth, wag lang yun, haha.

Nung bata ako, bihira lang ako makakain nun kasi. Tuwing may selebrasyon lang (kaarawan, pasko, undas – joke lang haha.) Kaya kapag may inilulutong Spaghetti dito sa bahay, ang saya saya ko. Minsan lang din ako inilalabas ng bahay at kumakain sa Jollibee o Mcdo kaya minsan lang talaga ako makakain nun. Kapag Spaghetti sa bahay, nakakatatlong balik ako. Kapag Spaghetti naman sa labas, dalawang order dapat hehehe. Tapos request ko lagi tuwing kaarawan ko, dapat Spaghetti ang handa. Yun lang tsaka tubig maligaya na ako. Pero nung tumanda na ako, puro pansit na ang inihahanda, ang tanda ko na nga kasi. #sadlyf

Ngayong college, masaya na ako kasi nakakakain na ako atleast dalawang beses kada buwan hahaha (kasi can afford ko na bumili ng tigbebenteng Spaghetti na pang almusal, kaso di siya masarap kasi mas marami pa yung ketchup sa mismong tomato sauce. Huhu. Yung instant noodles na Spaghetti naman ang konti ng laman. Pero aprub naman yung lasa.

Tapos kapag magpapagawa noon si crush ng assignment o project sa akin, tapos umayaw ako, bibili yun ng Spaghetti para lang mapapayag ako! Pak Ganern! Hahahahaah!

Eto nga pala ang top 5 most significant Spaghetti in my life :):)

5. Spaghetti ko – kahit di ako masarap magluto, may lasa pa rin naman kahit papaano yung luto ko hahaha

 photo 20160816_213150_zpszfyww2ym.jpg

4. Spaghetti ng ABCOMM – kapag nagpupunta kami kina kuya henry, madalas yun ang iniluluto (aside from Lucky Me kapag taghirap kami). Ayun masarap naman, plus puno ng memories yun. Haha.

3. Spaghetti ni biyenan (in the future!) – hahahahaha kasi one time, ay di pala, ilang beses na eh nagbabaon noon si JD ng Spaghetti, natira daw sa handa hahaha. Sabi niya luto niya raw yon, pero hindi ako naniniwala, hindi naman yun marunong magluto eh! Luto yun ng ermat niya! Ang maganda rito kasi kahit tuyo yung Spaghetti (yung di gaano masarsa), malasang malasa pa rin siya.

2. Spaghetti by Ate Vky/Kuya – ito yung iniluluto sa bahay. Pinakamasarap sa lahat ng lutong-bahay Spaghetti I promise you guys! Ang sikreto: Aside from cooking oil, nilalagyan din siya ng butter. At bukod pa diyan, hindi kami naglalagay ng ketchup sa Spaghetti, as in purong Spaghetti Sauce lang lahat. Kaya ma-creamy siya yahhh (speaking in conyo) sana pwede ko maipatikim to dito hahahaha.

 photo 20160719_180906_zpszn6fbanc.jpg

1. Jolly Spaghetti – syempre ang walang kamatayang Spaghetti na bumihag sa puso ng milyun-milyong mga bata sa buong Pilipinas. Di ko na kailangang ipaliwanag pa kung bakit. Basta ang sarap sarap non!!!

 photo 20151111_135406_zpsg4dcofhn.jpg

Ang ultimate goal ko syempre ay makalamon ng authentic Italian spaghetti! Maasim daw yon? Ayun sana makakain din ako ng ganun, plus makakain din ng iba’t-ibang klase ng Spaghetti. Sana πŸ™‚

Advertisements

2 Replies to “Ispageting Pababa at Pataas”

  1. Jolly spaghetti din ako forevs! kaso minsan ang konti ng sauce e. pag sa mejo sosyal naman gusto ko ung sa tsoknut batirol, ung aligue spaghetti hihi πŸ™‚ pero iba pa rin talaga ang spaghetti na lutong bahay! nax, biyenan talaga!? nyahaha

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s