LABINLIMANG minuto lang ang ginugugol ko na oras sa pagbiyahe papasok o pauwi. Subalit, kanina, inabot ako ng halos dalawang oras. DALAWANG ORAS.
Galing akong Area E kanina nung pauwi na sana ako. Pagkaliko pa lang ng jeep pa-Guevarra St. ay na-stuck na kaagad sa traffic. Grabe. Ibig sabihin buong kahabaan ng Guevarra ay traffic! Ilang minuto rin ang nakalipas bago kami nakarating sa kabilang dulo ng kalsada. Pero mahaba na yung pila sa sakayan ng jeep pa-Imus! Umabot na yung dulo doon sa ‘Kalabouge Studio’. Eh di sabi ko doon na lang ako bababa sa tricycle terminal. Kaso yun nga, mas mahaba yung pilahan doon sa traysikelan! E di naglakad ulit ako pabalik dun sa sakayan ng jeep, kasi ganun din naman eh. Mas mura lang pag sa jeep,tsaka mas mabilis doon na makasakay. Kaso nung pagbalik ko naman, mas lalong humaba yung pila! Umabot na doon sa tindahan ng Ice Water. Grabe. Siguro kung may number queue para makasakay sa jeep, pang number 100+ ako! (OA naman) Ganun na karami ang mga pasahero nung panahon na yun. Ang tagal tagal tagal bago ako nakasakay!
Hindi naman ito yung unang pagkakataon na nakaranas ako ng ganung katinding hirap bago makauwi. Naisip ko, lakarin ko na lang kaya pauwi sa amin? Baka mas maaga pa ako nakauwi sa bahay hahahaahha!
Actually nung high school ako, lam mo ba, wala ring jeep na masasakyan pauwi! Minsan naghihintay ako ng halos isang oras bago makasakay, pero madalas ay nilalakad na lang namin pauwi hahahahahaha! Di naman lahat, pero mula Bucandala kanto hanggang sa Malagasang 2nd lang naman. Gabi-gabi. Kahit ganun ay hindi ako nakakaramdam ng pagod, kasi si Dela Torre naman yung kasama at kasabay ko palagi eh :)))))) yung nilalakad namin mula school hanggang sa tapat ng subdivision nila :))))))
Kaso iba na ngayon. Ayoko nang maglakad ng malayo, kung hindi naman siya yung kasama ko :)))))) (bakit ba palagi ko na lang siya inaalala).
Sa loob ng dalawang oras na pagpila ay maraming contemplation na ang nagaganap. Hahahahaha. Naubos ko na yung mga kanta sa hugot playlist, hindi pa rin umuusad ang pila! Umulan na ng matindi, wala pa ring galawan sa pila!
Naisip ko, paano kaya yung mga galing pa ng Maynila? Nagtatrabaho? Ganito rin ang pinagdadaanan nila.
Paano kaya yung mga taga-San Jose at Sabang na papunta ng Imus? Paano sila makakasakay?
Alas-singko ako bumaba ng Bayan. Pasado alas-siyete na ako nakasakay. Di pa makaaalis ng bayan yung jeep, kasi nga traffic di ba. Inabot din ng ilang minuto pa bago kami nakausad. Wow.
Ano ba ang dahilan ng kalbaryong ito?
Di ba nga may ginagawang keme road project ang city government (kahit maayos naman ang kalsada) so yung kalsada pa-Malagasang ay winawasak na, kaya one way na lang ang daanan ngayon. Dahil doon ay matagal bago makarating ng Dasma Bayan yung mga jeep at tricycle, kaya walang masakyan. Kaya may pila. Bow.
So eto na nakauwi na ako, akala ko okay na. Hindi pala. Umpisa lang yan ng kalbaryong araw-araw ko siguro pagdadaanan. Hangga’t hindi natatapos ang pagsasaayos ng kalsada sa Dasma, hindi rin mawawala ang mahabang pila para lamang makasakay pauwi. Sadlyf.
Pinag-iisipan ko kung bukas ay itutuloy ko nang maglakad na lang pauwi.
Lalong lalala yung almoranas ko nito hahahahahahahaahah stahp.
(Akala ko kay JD lang ako makakaranas na paghintayin ng matagal, pati pala sa pagsakay pauwi.)
True nakakainis nasasayang lang yung pondo ng pamahalaan! Matagal pa kami magtitiis dito nakupo
LikeLiked by 1 person
Uso din pala senyo yung oplan pag-aayos ng kalsadang hindi naman sira! haha! ganyan din samin e kala mo may miniminang ginto kung makabungkal ng kalsada. wala namang sira e sige lang sila kakapaayos. tsk. ang mahalaga nakauwi ka pa din :p
LikeLiked by 1 person