It’s not about the anda, anda, anda!

– You never knew what I’ve been going through all this time.

JOKE lang hahaha.

Abalang-abala ako sa mga raket ko ngayon kaya bihira na lang ako makapag-wordpress.

Bumalik na ulit ako sa dati kong gawain – ang ibugaw ang sarili.

Sariling utak. Hahahahaha. Tumatanggap na ulit ako ng mga nagpapagawa ng assignment at projects mula sa mga kakilala ko. Ang tagal ko ring nagpahinga ah, isa’t-kalahating taon. Medyo nahihirapan pa ako kasi ang dami nang nagbago sa curriculum nila, pero kinikeri ko pa naman, basta para sa anda, push!

Tapos ay nagpopost ako ng ads sa twitter, minsan sa instagram at facebook, madalas naman ay nakakaligtaan ko rin yun. (sorry po ms. Laddie)

At eto pa, nagbebenta ako ng mga snacks sa mga kaklase ko. Hahahaha. Yung mga tigpipisong chichirya lang naman. Pero medyo in demand ang negosyo ko, kaya nagrerequest na rin sila na magtinda na rin ako ng almusal. Medyo nag-aalinlangan pa ako, kasi kulang na kulang ako sa oras sa paggawa ng mga sandwich keme, pero nagbenta na rin ako ng tinapay ilang beses. Bumenta naman, may kasama nga lang lait hahaha #CompressedBread. Ganon talaga kapag nagnenegosyo, hindi maiiwasan ang reklamo hahaha. Kaso noong nakaraang linggo ay huminto na akong magbenta, dahil…..

Kahit ang dami ko nang side jobs ay naubos pa rin ang aking anda. Ipinapautang ko kasi hahahaha. Kahit alam kong hindi sila yung tipong nagbabayad ng utang, sige gorabels pa rin ako sa pagpapahiram! Ganon talaga kapag nagmamahal, hindi naghihintay ng anumang kapalit. Alam mo naman ako, hinding-hindi ko matanggihan yung mga taong ito: Yung crush ko, si kuya, yung classmate ko, hahahaha. Kahit salbahe tong mga to, basta pag nangailangan sila sige bigay ako agad. #SubmissiveBeLike

 photo screenshot_2016-08-01-20-35-32-1_zpsxpmb30qq.png

Yung picture sa taas, yan yung chat sa akin ni Ate Vky, sermon na rin bale. Nagulat ako sa offer niya, ipush ko na raw yung kemeng business ko, patubuin ko daw yung 500. Eh sabi ko ayoko, kasi baka maibigay ko nanaman yun kay crush hahahahaha. Tanga tanga ko pa naman.

Gusto ko sana tumagal naman sa akin yung anda, ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong oportunidad oh, ang kumita mula sa sideline. So ang problema ko ngayon is paano ko ba tatanggihan yung taong mangungutang sa akin? Hahahahaa este paano ko kaya mapapalago ang 500?

On the good side, proud na rin ako kasi at least may kakayahan pala akong buhayin si crush. Hahahahahaha.

Yay umaga na pala, matutulog pa ba ako? Hahahahaha (iyak!)

Sige hanggang dito na lang muna, kita-kits sa susunod kong Hanash!

Advertisements

6 Replies to “It’s not about the anda, anda, anda!”

  1. ay grabe sya, basta si crush di makatanggi haha! ayos yan, nung nasa school ako nagbebenta rin ako ng sampaloc candies na gawa ng nanay ko. nung nagkawork naman ako Avon at kung anu-anong beauty products, T-back at damit ang binebenta ko hehe. kaso mejo mahina naman ako sa pautang mahiyain ako maningil e. kaya nag-online shop na lang ako, wala pang tawad-tawad! sobrang gusto ko na sipagin mag-business ulit, laking tulong sa budget e kaso ang tamad ko huhu. galing mo, grabe! tuloy mo lang yan πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Yung mga classmate ko naman mga lipstick/makeup paninda nila. Ako lang pag sa foods haha walang kakompitensya

      Ako rin eh kaya madalas matagal sila bago makapagbayad, hiyang hiya naman kasi ako kung ako pa yung mangungulit sa utang nila hahaha

      Maganda rin pag online shop di gaano mapapagod monitor lang πŸ™‚

      Trueeee nakakapagod din ito haha marami na rin akong pinabayaan dahil sa kalokohan kong ito. Charot

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s