(Halaaa bago na pala ang hitsura ng wordpress mobile kapag magpopost ka. Haha ang tagal kong hindi nagsulat. Pero ayos to mas madali siya.)
HELLO π
Ang tagal kong nawala. Haha.
Sabi ko kasi, tatapusin ko muna yung narrative report, bago ako magkwento ng overall OJT experience dito.
Eh kaso July na, di ko pa rin siya tapos. Tamad pa rin ako magsulat haha. Tinatamad din ako magkwento hanggang ngayon. Di na rin ako nakakapagbasa rito π
Nakapasok na ako nung July 4, balik ulit sa dating routine. Yung mga dati kong problema, pinoproblema ko pa rin! Haha
– Yung mga bagay na hindi ko naman responsibilidad, ako ang gumagawa. Di na to simpleng tasks lang sa group project, mas matindi pa rito yung pinapagawa sa akin ha. Di ko na idedetalye, basta yon na yun. Nakakainis lang lahat na lang iniasa na sakin. Talaga ba!
Marami pa akong naging ganap, kaso saka na lang talaga ako magpopost ah hahaha.
Eto na lang: Nung friday, nacorrupt nanaman yung memory card ko. Wala naman siyang virus o ano, kusa lang siyang nagcocorrupt mag-isa, tindi no. Syempre lahat ng files ko sa phone naglaho nanaman na parang bula. Maraming kanta, videos, pictures, mga handouts ko, pati yung narrative report ko! Naku buti na lang may backup ako sa email. Kung hindi gagawa nanaman ulit ako ng panibago. Kaso nakakapanghinayang yung mga alaala ko na nawala nanaman -.- Dinispatsa ko na yung memory card na yun, tapos hiningi ko yung sa pinsan ko, kaso 4GB lang, limitado lang yung mga kantang mapipirata ko, huhu. Di ko pa rin kasi afford mag-premium ng Spotify eh, kaya eto tiyaga tiyaga muna ako sa kaunting music, di na rin ako pwedeng magvideo at magpicture ng marami, at nagbawas pa ako ng apps. Bawat kibot ko nagnonotify sa akin na papuno na memory ko. Awts.
Tapos kanina naman: namili ako sa palengke ng mga paninda ko, di ko namalayan na wala na pala sa plastik yung pitaka ko. Pag-uwi ko lang ng bahay saka ko napansin! Kaya ayun bumalik ulit ako ng palengke para hagilapin yun. Habang nandoon ako ay tumutugtog yung ‘All or Nothing’ (kaya yan na rin inilagay kong pamagat haha), kaya habang hinahanap ko yung pitaka ay nag-eemote na rin ako, hahaha. Di ko pa rin makita, e di umuwi na lang ako, luhaan. Charot lang. Sayang din yun ah, bente rin ang laman, pamasahe ko na yun bukas eh! Alam mo naman ako kuripot ako. Hahaha. Kaya ayoko na talagang magwallet eh. Ayoko na wala namang nagtatagal sa’kin π¦
Marami namang masasayang eksenang naganap sa buhay ko recently, pero mas marami pa rin yung kamalasan, kasama na yung mga nabanggit ko sa taas.
Sige, hanggang dito na lang munaaa~
wahahahhaahhaha go lang
LikeLiked by 1 person
Hahaha ayos yan π
Nung high school ako nakatali rin sa ID yung coin purse ko π
Engot engot din po kasi ako di ko napansin nalaglag na pala sa plastic. Hahaha
LikeLike
Yes ang saklap nun π
Yung pictures lang po nababackupan ko sa photobucket
Ma try ko rin yang dropbox, para pati kanta ko mababackup ko na rin hehe
LikeLike
Hahaha wala ako sa mood humugot ngayon π π bawi ako next time charot
LikeLiked by 1 person
Meron akong kilala ung wallet nya nakatali sa pants nya. O di ba safe. Ingat next time.
LikeLiked by 1 person
arayyyy. para kong nagka-amnesia non grabe. kaya ngayon adik na rin ako sa kaka-back up. try mo dropbox hehe.. sobrang sumasama kasi loob ko pag nabubura mga files ko..
LikeLiked by 1 person
kala ko may hugot pa sa nawalang wallet haha
LikeLiked by 1 person