Frustrated

NALULUNGKOT nanaman ako sa buhay ko.

Kanina kasi, sinabihan ako ni madam (boss ko), na magkusa daw ako sa trabaho. Oo. Kasi wala talaga akong ginagawang matino sa opisina. Pagpasok ko magbabasa lang ako mg dyaryo, tapos magla-laptop, tapos pag inaantok matutulog ako, tapos pagdating ng alas-singko eh gogora na. Ang sarap ng buhay di ba. Mag-offer daw ako sa iba ko pang mga boss kung may maitutulong ba ako o ano. Pasensya na, ako kasi yung taong di ko kakausapin yung iba pag wala silang kailangan sakin — or yun nga, di ako gagalaw hangga’t hindi ako inuutusan. Matagal ko nang sakit yan, simula pagkabata pa. Tsaka hesitate din akong lapitan sila, kasi yung mga ginagawa nila, hindi ko alam. Kahit napag-aralan ko na yung Advertising at PR subjects ko eh wala talaga akong alam sa mga pinaggagagawa nila. Baka pag tumulong ako, mali pala yung magawa ko. Eh di wag na lang (kaya nga nag-OJT ka eh para malaman mo yung dapat mong gawin, talaga ba.) Baka nagsisisi na siya kung bakit kinuha niya pa ako. Ako rin nagsisisi, bakit ba di ko to alam? Sana daw sa susunod magsipag na ako, kasi kaunting panahon na lang ang nalalabi sa OJT ko. Pag di daw ako umayos, 80 lang ang makukuha ko. Sakin okay na yun (sorry ulit), deserve ko naman na ganun lang yung grade ko di ba πŸ™‚ πŸ™‚ Paano na daw ako kapag nasa realidad na ako (corporate world). Tumango lang ako sa kanya, sabi ko ‘sige po’ – yan lang, at sigurado akong hindi ko na mababago ang ugali kong ito. Dati pa man sinusubukan ko nang i-improve ang sarili ko, kaso ewan ko ba, bakit ba ganito ako.

Ilang oras matapos yung moment na yun, napagalitan nanaman ako ni madam. May nagupit kasi ako na hindi pala dapat gupitin. Di ko na alam kung ano yung gugupitin sa hindi, kung ano yung mismong gagawin ko. Ilang beses na akong nadale, bukod sa maling gupit eh minsan maling tupi, maling dikit, mali na lahat. Engot engot na rin kasi ako eh nakakainis. Feeling ko habang patanda ako ng patanda, pa-mangmang ako ng pa-mangmang! Totoo to ha, hindi exaggeration: parang buong buhay ko puro mali ang nagagawa ko XD kaya laging warla sakin si kuya, kaya minsan beastmode sakin yung classmate ko, kaya ngayon frustrated si madam. Di ba no. Kailan kaya ako kikilos ng tama πŸ˜‚ hindi ko naman sinasadya, pero palagi talagang may mali.

Tapos isa pa tanong ni madam: kung pinilit daw ba akong mag-masscomm. Sabi ko ako yung pumilit sa kanila na mag-masscomm ako. Bakit daw kasi hindi ako nagsasalita, tapos ang hina at ang tamlay ng boses ko. Di ko siya masagot, hindi ko rin kasi alam ang isasagot. Dati iniisip ko, mahiyain ako kaya ganito. Pero iba yung nararamdaman ko ngayon – TAKOT. Alam mo ba kahapon, may iniutos sila sa akin, na contact-in ko (sa telepono) yung mga principals ng mga eskwelahan para ma-confirm kung naideliver na ba sa kanila yung package mula sa company namin. Nangangarag ako nung ginagawa ko yun – yung kamay ko nanginginig, pati boses at pagsasalita ko utal utal. May isa ngang principal binabaan ako ng telepono, akala niya siguro prank caller ako. Yung dapat na pormal ka magsalita, naging keme lang tuloy, isa pa problemado pa rin ako magsalita ng Ingles ng tuloy-tuloy. Sa mga ganitong eksena eh napapaisip na talaga ako kung tama ba talaga tong karerang pinasok ko? Dapat bang nag-ABCOMM ako? Nakakahiya di ba, kasi fourth year na ako, malapit nang grumaduate, pero Introvert pa rin.

Pag ganun ngang takot na takot akong makipag-usap sa mga tao, di ako pwedeng magtrabaho sa ganung industriya – pano na yan, san na ako? Baka maging katulong na lang ako T_T gusto kong ma-overcome to, anong gagawin ko? Yung pagiging tahimik ko naaapektuhan na yung buong buhay ko, hahaha. Wait, may ganitong disorder di ba? Gagaling pa ba ako? Magpakonsulta na kaya ako sa psychologist? (OA naman, haha)

Ano bang gagawin ko? Nalulungkot na talaga ako sa buhay ko… Kakalabas ko lang ngayon ng opisina, nandito ako sa gilid ng SM Southmall, gusto ko umiyak, kaso nakakahiya mag-isa lang ako. Hahahahaha. Ano nang gagawin ko?

Advertisements

63 Replies to “Frustrated”

  1. Hello! Ako naman mahilig ako sa routine ng office ikaw ayaw mo. Haha. May pagka oc at autistic ata ako introvert din ako somehow. Anyways, madami na akong naging work at iba ibang field siguro dahil di din ako masatisfy at matahimik sa isang lugar. Gulo ko no. Dami kong satsat. Hahaha. Anyways ulit, lahat ng sabihin ni madam charge as experience na lang talaga. Normal mapagalitan. Minsan gusto lang talaga nila na mag-improve ka at gusto nila na mag succeed ka. Wag mong ipressure sarili mong magbago. Meron lang sigurong ibang field na para sayo. Kung di ka masaya dyan, wag pilitin sarili. Mahirap magwork para lang sa pera or dahil yun ang ineexpect ng tao sayo. Magwork ka kasi yun ang gusto mo, yun ang nagpapasaya sayo at yun ang nakakapagbigay satisfaction sayo. (Ang haba, pwede ng blog entry)

    Liked by 1 person

    1. Hehe salamat ateee! Tapos na ako sa OJT ko, tama dapat ko hanapin kung saang field ako magiging masaya pag nagtrabaho.. yung sa OJT ko kasi pinasok ko yun kahit wala akong alam dun (advertising), kaya ayun ngangabels ako. Haha. may isang taon pa ako para alamin yung field na para sa’kin hahaha 😊😊

      Like

  2. Hi there! Hindi mo kailangang i-overcome ang pagiging introvert mo dahil hindi ito sakit o disorder. Huwag na huwag mong iisiping kailangan mong baguhin ang pagiging introvert. Masscomm grad ako. Introvert. Socially awkward. Pero, eto, buhay pa naman. Hindi pa rin ako palakibo sa mga kasama sa ofis at sa mga di kakilala. Trabaho kung trabaho. Kung kailangang may kausapin, go lang. Just do it. Haha. Nag survive naman ako sa ganyang paraan.

    Liked by 1 person

    1. Salamat po sa advice! πŸ™‚

      Feeling ko kasi sagabal na yung pagiging introvert ko sa araw-araw kong pamumuhay. Sabi nga nung classmate ko nun, lumabas na ako sa comfort zone ko. Kaya eto pa rin ako namomroblema kung paano makakahalubilo ng maayos sa mga tao πŸ™‚

      Sana maka survive din ako hehehehe

      Like

      1. Okay lang yan. May strengths din naman ang mga introverts na wala sa mga extroverts. You shouldn’t see your introvertness as a defect. Yan kasi problema sa iba, akala nila kailangan lang natin lumabas para ma”cure” daw. Hehe. Kaya mo yan!

        Liked by 1 person

  3. masasanay ka din! hehe. basta sa ngayon wag ka lang masyado magpaapekto sa pagsusungit ng kung sino-sino. madalas din ako mapagalitan sa trabaho dati tapos talagang nadi-depress ako at todo self pity. super mahiyain din kasi ako.. pero matututo ka din naman. pag confident ka na deadma ka na nyan sa sermon ng mga bossing. aral ka lang mabuti. ang mahalaga ginagawa mo ung best mo. fighting!!!

    Liked by 1 person

    1. Salamat πŸ™‚ first time ko lang kasi magtrabaho sa opisina, kaya nagkakaganito ako. Sige po I’ll do my very best in work 😊😊

      Like

  4. Mag focus ka sa trabaho and sundin mo yung boss mo. Kailangan mong subukan instead na isipin mo sa sarili mo na hanggang diyan na lang ang magagawa mo. Pano ka iaabsprb ng kumpanya kung sa tingin nila hindi sila mag bebenefit sayo? Kailangan mo siguro ng motivation para gawin ang mga tasks mo. Nasa mindset din yun. Kaya mo yan. πŸ™‚

    Liked by 1 person

      1. Siguro may mahahanap ka pang iba na talagang magugustuhan mo at ma eenjoy mo. Charge it to experience na lang. πŸ™‚ pero nasa mindset mo lang talaga yung fears mo. Kaya mo yan. Challenge yourself. Learn from your mistakes. Mahirap talaga sa umpisa pero pag nagamay mo na kaya mo na yun. πŸ™‚

        Liked by 1 person

  5. Hmmmm. Kaya naman siguro yan paunti unti. May kasabihan sa French na step by step. Yan yung english di ko maalala yung exact french term pero parang ganyan ang thought. Basta wag mo bibiglain. Lahat naman nakukuha sa gradual eh. Para di masakit. Wait. Bakit nagiging sexual ang comment ko. Hindeeeee! Pero wag ka matakot sa mga boss mo. Kunwari lang yan galit galitan para sumunod ko. Worried din yan para sayo. Tsaka para sa ikabubuti mo naman talaga yung gusto niya. Di pa huli ang lahat. Kung di mo maovercome habang nasa univ ka, kaya naman yan pag nasa “real world” ka na. Kaya yan! Kaya mo yan!

    Liked by 1 person

      1. Oo yan. At least may iiimprove. Nakakatakot pag wala na. Parang may nabasa ako somewhere di ko alam pag sa blog or something. Matuwa ka na napagsasabihan ka pa ng ganyan na kailangan mong umayos or something. At least alam nila na may pagasa ka pa. Matakot ka kung wala na silang pakialam sayo kasi nganga na talaga.

        Liked by 1 person

              1. Ganyan talaga. Mabuti nga ojt pa lang yan eh. May time pa para pagbutihan. Ang naiisip ko naman pag nasasabihan eh itake na lang na positive kasi para sayo din naman yan sa future eh. Tsaka kung nasisigawan ka or kung anuman, normal na lang yan sa tunay na buhay. May mga demonyo talaga nagbabalat kayong tao. JK.

                Liked by 1 person

      1. Hahahahha natuwa ako sa comments infairness….o sino makapagsasabing nauumay ba ang iyong mga readers? Dami nagmamahal sayo ah haha

        Btw…yang pagka introvert mo…mawawala yan during desperate times…believe me hahahaha

        Liked by 1 person

        1. Hehehe salamat sa mga readers na chumi-cheer up sakin 😊 pero down na down pa ako ngayon di ko pa makita yung positive side πŸ˜‚ next week siguro makakamove on din ako

          Panong desperate times πŸ™‚ kailan yun? Sana nga haha

          Liked by 1 person

          1. Hahahahhaha maniwala ka man o hinde….naganyan din ako nung sa ojt ko…muntik nga ako hindi tanggapin dahil sobrang hina ng boses ko….

            Pero ayun nga…baka ojt pa lang yan kaya di mo pa napupush ang sarili mo to the limits….baka pag trabaho na at matindi na pangangailangan mo…mawawala na rin yan…tulad ko ngayon….makapal na mukha bwahaahhahaha

            Liked by 1 person

            1. Ah yun pala yung desperate times haha

              First time ko pa lang kasi magtrabaho, yung mindset at ugali ko pambahay pa rin πŸ˜‚

              Sana nga pagdating ng araw kumapal din mukha ko hahahahaha

              Liked by 1 person

                1. Nang dahil sa nangyari kahapon, napaisip ako kung ano bang pinaggagagawa ko sa buong buhay ko πŸ˜‚πŸ˜‚

                  Pero kinakabahan ako pagpasok ko sa lunes πŸ™‚ di ko alam kung ano ikikilos ko sa opisina hahahaha

                  Liked by 1 person

              1. Hahaha. Masasanay ka rin. Umpisahan mo sa mga papuri kung meron maganda sa suot nya o blooming ang kausap mo. O kunh meron ka nakita sa fb nya na namasyal sila ask mo kamusta ang pasyal. Hehe. Nasanay nako sa mga gnyan dahil ang feedback ng boss ko masyado akong seryoso at kulang din ako sa communication kaya unti unti nakikisalamuha nako sa mga ahente ko. Hehe

                Liked by 1 person

  6. Hello! Masscomm grad din ako πŸ™‚ Kailangan talaga natin makisama sis eh. Kahitt saan at anong trabaho. Unless balak mo mag home based job para sa virtual lang lahat ng kausap mo.mahalaga ang pakikisama at pakikisalamuha.

    Liked by 1 person

    1. Masscomm ka rin pala te πŸ™‚ pero ako kasi talaga nahihirapan makipagcommunicate sa iba, kaya feeling ko mali talaga tong mundong pinasok ko hahaha

      Like

  7. Hi shai! Una sa lahat hinga ka lang ng malalim. ☺️ Tapos hinga ka lang ulit. Normal maging frustrated sa work/corporate world. Pero ok lang yan, at mas ok na OJT ka pa lang. Ang advice ko lang sayo is 1) wag mo masyado damdamin yung mga sinasabi ni madam. Sympre boss mo siya trabaho niya na sitahin ka. 2) wag ka mag doubt sa sarili mo! Bata ka pa. Take mo lang lahat ng sinasabi sayo tapos gamitin mo yun para iimprove sarili mo. Wala namang naging magaling kagad sa work nila. Lahat yan pinaghihirapan. ☺️ 3) try mo din kausapin si madam para ok kayo at nasa “same page” kayo. Dito kasi sa work ko super encouraged ang pagtanong ng questions sa boss/superior ko. Baka yun lang din kulang sa inyo dyan?

    Anyway, pakialamera lang talaga ako hahahaha!! Basta cheer up! Wag ka mag doubt sa sarili mo. Go go go lang 😘

    Liked by 2 people

    1. Salamat te Kat πŸ™‚ down na down pa ako sa ngayon 😦 di ko pa alam irereply ko haha

      Di ko rin kasi talaga kinakausap yung mga boss ko eh, ginagawa ko lang yung naka-assign sakin, tapos yun lang. Hehe

      Liked by 1 person

        1. No di siya masayaaa 😦 depende rin kasi ako ayokong nakastuck lang sa apat na sulok ng opisina, gusto kong trabaho yung gumagalaw talaga ako haha

          Dyaryo. Titingnan mo yung mga broadsheets page by page

          Tsaka di ako pinapagawa ng ibang tasks sa company kasi wala akong alam sa PR eh. Hahaha

          Liked by 1 person

            1. Parang yung kay kuya henry nasa loob lng din yata siya ng opisina..
              Oo yung kay frank pinaka-kabog eh namimeet niya yung mga players, kaso dapat dun maalam talaga sa sports haha

              Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s