ISANG taon na lang ang bubunuin ko, makaka-graduate na rin ako. Kailangan ko nang magka-diploma, bukod sa kailangan ko para magkatrabaho, ang diplomang yun ang siyang magiging susi upang ako ay makalaya. (Lalim ah)
Once na makatapos na ako, pwede ko nang gawin yung mga bagay na ipinagbabawal sakin ngayon: Ang mag-overnight sa bahay ng kaklase, ang gumala papuntang Maynila o kung saan man sa labas ng Cavite, ang umuwi ng madaling-araw, tsaka ang magka-jowa na rin. (Joke lang po)
—–
Kahapon kasi pumunta ako sa bahay ng kaklase ko nung high school, malapit lang sa opisina. Birthday niya, plus mini-reunion na rin kami nung mga kaklase ko na matagal ko nang hindi nakikita.
Akala ko mao-OP ako dun, kasi di ko gaano ka-close yung karamihan sa nagpunta kahapon. Kasalanan ko kasi eh di ako naging ganun ka-friendly nung araw. Ang ka-vibes ko lang eh yung tropa ko nun, ang OGAGS (Outstanding, Generous, and Gorgeous Students) (ako nagpangalan niyan lol). Kami yung grupo ng mga mag-aaral na nasa unahan nakaupo, the best of the best (wow). Eh apat lang kaming tropa dun kahapon. Yung iba galing na sa kabilang tropa (Tropang Likod). Pero di naman ako na-OP kasi yung mga lalaki na dati kong kaklase eh ayun naka-chikahan ko naman ng konti kahapon. Yung mga girls lang na di ko ka-close ang di ko nakausap talaga. Di nga kasi close.
—–
Eh umuwi ako kagabi mga 12:30 na ng madaling-araw, partida nauna pa ako sa mga kaklase ko ahh. Sila di ko alam kung anong oras umuwi. Eh di eto na, dale nanaman ako kay kuya. Instant super mega ultra sermon nanaman ang inabot ko. Di ko na idedetalye kasi it deeply hurts eh, ganon talaga ano pa bang aasahan ko, anong oras ba naman umuwi eh. Nasabi ko na ba sa inyo na pag ginagabi ako ng uwi, hindi ako nagtetext sa bahay? Hahahaha yun yung kaisa-isang bagay na di ko keri gawin, ewan ko ba, basta. Kaya lalo pang nawarla si kuya sakin.
Pero kahit dis-oras ng gabi na ako nakakauwi, syempre iniingatan ko pa rin ang sarili ko. Natatakot pa rin ako kasi baka mamaya niyan may mandarag manghablot na lang sakin dyan sa tabi-tabi. Kaya pag may mga ganyang eksena, di na ako nagreretouch bago umuwi. Nagta-transform ako into my very dugyot form, tapos ay nagsisiga-sigaan ako maglakad para kunwari tomboy ako, para wala nang magkaka-interes pa sa akin. Char. May magandang epekto rin pala yung hindi ko pag-aayos sa sarili.
Balik tayo dun sa diploma, kaya kailangan ko maka-graduate hahahah, para di na magagalit si kuya dahil ako ay may social life sa gabi (pero hindi sa club ahh, sa bahay lang ng kaklase, nagkukuwentuhan lang kami habang nakain ng pansit canton). Naisip ko lang, paano kung pinush ko sa production, lalo na sa mga concert chuchu, eh magdamagan yun di ba, hahahaha nako wala na di na talaga kami magkakasundo ni kuya π¦ Kahit naman nga dati pa tutol siya sa karerang tinahak ko. Gusto niya nga kasi Accountancy, na bukod sa malaki ang sweldo pag nagtrabaho eh 8AM-5PM lang ang oras ng bangko, alas-sais pa lang nasa bahay ka na. Hahahahaha
Sa ngayon, kailangan kong patunayan kay kuya na kahit inuumaga ako ng uwi, seryoso at pursigido akong tapusin ang pag-aaral ko. Kasi desperada na akong yumaman hahahahaha (kaso di naman ako yayaman sa kurso ko nu)
Pero naiinggit pa rin ako sa mga ka-edaran ko na malayang umuwi kahit anong oras ahh. Di na sila sakop ng curfew ni President Duterte, nasa legal age na sila eh. Ako din pala. Pero sa bahay ang curfew ay 8PM. Wapakels kung 18 ka na (Authoritarian family feels) Isang taon na lang ang bubunuin ko, makaka-graduate na rin ako. More temptations are coming along the way. Kailangan ko malampasan yan lahat. Para sa kalayaan, at kayamanan na rin 😂😂😂
PS: Yah salbaheng bata ako. Wag pong tutularan.
PSS: Mas strikto si kuya (tiyuhin ko nga pala siya anyways, kuya ang tawag ko sa kanya) kesa kay Pres. Digong, ngayon alam nyo na kung bakit hindi ko siya binoto 😂
Ganyan din reason ko eh hahaha baka di payagan π
LikeLike
Ganyan din ako. Sa boss ko naman haha. Di ako nagtetext na di makakapasok, male-late o kung nasan ako. Abnormality ko yata yun π Ewa ko ba. Bukod sa wala ako laging load, natatakot rin ako na di payagan or mapagalitan kaya kahit tinetext or tinatawagan na ako di ko parin sinasagot πππ ang bad ko grabe. Pero sinusubukan ko na baguhin yun ngayon lalo na baka maimbyerna na sa akin ng sobra at tanggalin na ko haha
LikeLiked by 1 person
OMG pagkagraduate ko po pa-refer naman ako sa kanya, hehehhe
Tsaka mas marami ata benefits pag govt employee kesa sa call center π tsaka yung oras maganda din π
LikeLike
Hahaha di ako nagpapakilala ng tropa XD yung dati kasi ginawa ko ganun, ang negative ng tingin nila akala bad influence, puro aral lang naman ginagawa namin XD
Parang its too late na para gawin ko yun ngayon hahaha
LikeLike
yes po hehe. pero bago ako napasok dito, 5 years din muna ako sa call center π ayos un, parang sa mga concert ba. ang cool nun! may frenny ako nagwowork sa PULP parang lagi hiring sa kanila hehe. mukhang masaya din work nya.
LikeLiked by 1 person
kakaibigan ka kasi ng magulang ng tropa. HAHAH worst comes to worst sila pinagttxt ko.
tska believe me, let your hommies know who your friends are, at sila pag magkukusang magsabi sayo na dun kana mag stay at gabi na π
LikeLiked by 1 person
Hahahaha di na sila makakapalag pag ganon hahaha
Nakow pag ginawa ko yon kay kuya baka di na ko pauwiin nun dito sa bahay haha
LikeLike
naalala lo tuloy nung nagaaral pa ako, hindi na ako umuuwi ‘text ko nalang, ma gabi na dna ako uwi delikado bukas na’ HAHAHA
LikeLiked by 1 person
Susubukan ko po kung papalarin π gusto ko kasi magtrabaho sa production (mga events management, ganun) pero kung wala pa akong ma-aaplyan in the future, itatry ko magtrabaho sa pamahalaan
Ate government employee ka din ba? π
LikeLike
Salamat! ma-pride kasi ako di ako nagsasabi kung nasaan ako tsaka kung anong oras ako uuwi :” kaya ganun. Sige susubukan ko nang gawin sa susunod hahaha
LikeLiked by 1 person
Salamaaat
LikeLiked by 1 person
swerte mo nga may kuya ka e hehe! goodluck!!! tas kuha ka civil service exams. sobrang mas okay mag-work sa government! o kaya kung bet mo i-try muna sa private e nasa sayo na un. pag napagod ka pasok ka lang sa gobyerno. mas maluwag ang oras, magkaka-social life ka ng bonggang bongga!
LikeLiked by 1 person
Goodluck and congrats! Dati din ganyan ako.. Nagagalit ako sa nanay ko kasi matanda na ako, ang bilin nya lang ay sana tumawag ako kung nasaan ako kasi nag-aalala sila na kung may nangyari man sa akin, alam nila kung saan ako unang hahanapin.. Kaya payo ko lanh naman, txt ka na gagabihin ka or kung nasaan ka para di sila nag-aalala..
LikeLiked by 1 person
Isang taon na lang!!! Goodluck!
LikeLiked by 1 person