theOriginal SAVORY chicken

FOOD with Memories, episode numbah 2

Bago ang lahat ay nagpapasalamat muna ako sa mga nagbahagi ng kanilang kwento (kung ano yung pagkain na memorable sa kanila) nandun po sa comments section ng previous post tingnan nyo na lang hahaha. Kung mapapansin natin, ang sisimple lang ng mga pagkain na yun, pero nagiging espesyal kasi may kakabit na alaala. Ayee.

Okay let’s move on. kahit mahirap lol

Sa ikalawang bahagi ng serye na ito ay ishe-share ko naman sa inyo ang pagkaing naging malaking bahagi ng aking pagkabata – Ang savory chicken πŸ™‚

(image source)

Ganito kasi yon: Yung nanay at tatay ko, parehong nagtatrabaho sa Savory Restaurant, sa Escolta. Dun sila nagkakilala at doon umusbong ang kanilang matamis na pag-iibigan. Kaya maraming salamat Savory! Kung hindi dahil sa inyo ay baka hindi ako nag-eexist sa Earth ngayon πŸ™‚ Dyan kami nagke-catering nung binyag ko, pati nung first birthday ko. Kaya alam nyo na, halos lahat ng mga ninong at ninang ko ay taga-Savory.

Tatlong taon at isang buwan pagkatapos akong maisilang sa mundong ito, namatay ang aking ama. Di ko rin alam kung kailan eksakto nag-resign ang aking ina sa trabaho. Basta ang alam ko lang, dumadalaw kami lagi sa Escolta, lalo na kapag pasko. Matik na kung bakit :))))) Marami akong nakukubra noon ha, umaabot ng libo (ipinagmayabang talaga) tapos ang dami kong regalo noon, sagana eh. Pagkatapos sa Escolta ay pupunta naman kami sa Valenzuela branch, dun naman dati nagtrabaho ang tita ko, si Ate Vky. Nandun naman yung mga ninong at ninang ni Don Hae. Sa bawat pagpunta namin sa kainang ito ay palagi kaming kumakain ng Savory chicken (hindi ko sigurado kung libre ba ito nila ninong o binili talaga ni mommy).

Sa lahat ng manok na nalamon ko sa buong buhay ko, ito ang pinakadabest! Pinakamasarap sa buong mundo. Amoy pa lang matatakam ka na. Hindi ko alam kung anong sikretong pampalasa ang inilalagay nila, pero bakit ang sarap sarap? Pati yung gravy, ang sarap sarap! Wala na akong ibang natatandaan na menu sa savory kundi yung manok lang, kasi yun lang yung kinakain ko palagi eh.

Nung si mommy ko naman ang namatay, hindi na kami muling nakabalik pa sa Savory. Kasi di gaano kilala ni Ate Vky yung mga ninong at ninang ko dun. Eh di ko rin matandaan yung mga pangalan nila, kaya di ko rin sila mahanap sa facebook. Di ko rin sure kung alam na ba nila na wala na si mommy. Pero tandang-tanda ko pa yung mga mukha nila πŸ™‚ Plano ko sana, pagka-graduate ko, babalik ako doon, baka sakali makilala pa nila ako, tapos magbabaka-sakali na rin ako na makahingi ng pamasko, wahahahahaha.

Eh kaso nasunog ang restaurant October ata last year, at yun na nga nagsara na sila 😦

savory_escolta(image source)

Kung di mo pa natitikman yung Savory chicken, mabuti pang itry mo na πŸ™‚ meron na sa mga mall ngayon, pero iba pa rin yung manok ng ‘Classic Savory’ sa ‘Original Savory’. Kung gusto mo masubukan yung authentic, bukas pa naman yata yung iba nilang branch, sa Valenzuela lang alam ko eh, pero meron pa yon for sure.

Matagal na panahon na akong hindi nakakakain neto, gusto ko sana kumain ulit, kaso maharlika ang Savory Chicken! Pang-Mang Inasal lang ang budget ko. Huhuhu! Kaya pag nagkatrabaho na ako at sumweldo ng bongga, kakain ulit kami nila Ate Vky sa Savory πŸ˜‰

Minsan ng naisip ko eh, kung magtrabaho rin kaya ako dun? Baka sakali dun ko rin mahanap ang aking forever β™‘ Joke lang po!!!

Kinakarir ko na ang serye na to πŸ˜‚ ngayon naman, kung may isang pagkain na naging malaking bahagi ng iyong pagkabata, ano yun? Share share share :)))))

Advertisements

21 Replies to “theOriginal SAVORY chicken”

  1. Awts. Medyo nakakalungkot. 😦

    Speaking of childhood memories…ang naalala ko lang ay first time ko nakakain sa fine dining…kung fine dining ba yun sa isang resto na ang name ay Jade Valley at kumain ako ng masarap na Buchi. Hahahaha

    Liked by 1 person

        1. Hahaha may bago akong life hanash post :”

          Cool off muna kami ni crush kaya wala muna tungkol sa kanya. Next sem ulit. Hihi

          Matatagalan pa yung kasunod na food blog post keme ko, wala pa po ako naiisip na isusulat hahahahaha

          Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s