Sleep Deprivation is not a joke

Untitled(image source)

ILANG buwan na akong kulang sa tulog. Sabihin nating ang oras ng alis ko sa bahay para pumasok ay alas-sais ng umaga. Tapos ay nakakauwi ako ng alas-otso/alas nuwebe ng gabi. Pagkatapos nun ay toka ko nang bantayan si bibi. So nakadepende sa kanya ang oras ng tulog ko. Kapag gising siya, nako bawal akong matulog. Iba-iba kasi schedule ng antok niya kaya di ko matantsa kung ilang oras lang ang tulog ko. Di rin naman tuluy-tuloy yung tulog niya. Paputol-putol. Minsan dalawa, tatlo, apat na oras. Pinakamahaba na yung lima, kasi alas kuwatro ng madaling araw kailangan ko nang bumangon eh. Minsan nga buong magdamag siya gising, kaya ayun, kawawa si ako. Nung una di ko naman siya pinoproblema. Pero ngayon ay sobrang lala na ng epekto nito sa buhay ko.

Untitled(image source)

Tulad nga ng mga nabanggit sa itaas, heto ang mga pinagdadaanan ko:

1. Wala ako sa sarili (bangag). Di ko namamalayan mali-mali na pala ako. Iba yung nagagawa ko sa dapat kong gawin.

2. Naiirita ako. Dati di naman ako ganito. Ngayon ang bilis ko mainis sa mga bagay bagay sa paligid ko. Kapag di ko kaagad nakukuha yung gusto/goals ko, kapag di pa nagagawa yung mga dapat gawin. Dahil dyan ay nagiging plastik na ako – yung sinasabi ko okay lang talaga pero deep inside ang sarap niya nang sakalin, ganun!
Ngayon ay lubos ko nang naiintindihan kung bakit palaging beastmode si Micko XD sleep deprived din siya nun eh. Ah kaya pala kapag di ko kaagad nagagawa yung mga pinapagawa niya, kapag late kami sa oras ng shooting, ayun di siya kumikibo, or palaging minsan ay galit to the nth level, now I understand, kasi ganun na din ang pinagdadaanan ko.

Untitled(image source)

Madalas ako beastmode kapag nasa sasakyan ako, or kapag nakatulog na ako ng mga 10 minutes tapos mambubulahaw si bibi, o kaya di tumitigil sa pagtahol si chacha, o kaya manggugulo si Anye, o kaya may ipinaglalaban si Don2 na di ko naman naiintindihan (kasi bangag ako), inaaway ko sila, sabi ko “Shut Up Pls” or “Leave Me Alone!”, tapos mag-uumpisa na akong mag-monologo (mag-eemote), ipinapamukha ko sa kanila na wala na nga akong tulog, maawa na kayo sakin, *cries* ganern, pang teatro lang! As in kapag nakaidlip na ako, tapos ginising ako, mukha akong lasing na ewan, nirereklamo ko yung mga simpleng bagay, halimbawa: may naiwan ako sa hugasan na isang plato, kutsara at baso, gigisingin talaga nila ako para paghugasin nun, tapos mababadtrip ako ng bongga at mag-eemote habang naghuhugas nun, tapos di ako hihinto hangga’t di ako nakakatulog ulit, Hahahahaa

3. Walang tulog = walang kain. Wala akong ganang kumain kapag inaantok ako, kasi mas gusto ko nun matulog na lang eh. So pag uwi ko ng bahay tapos halimbawa tulog pa si bibi, matutulog na ako. Di na ako kumakain ng pang-hapunan. Tsaka kasi nga di ba nakakaantok pag sobrang busog, kaya pag nasa work ako, hangga’t maaari, di ako pwede magpakabusog.

Untitled(image source)

Kaya sa mga ganitong pagkakataon ay nakakatulog na ako sa kung saan-saan: Sa jeep or sa UV express (masakit nga lang sa leeg), minsan sa trabaho mismo natutulog ako (wapakels naman ang mga boss ko, kaso nakakamanhid lang ng paa), hangga’t may pagkakataon na pwede akong makatulog ay gina-grab ko na ang opportunity! Kaya nga yung inilagay ko rin sa previous post ko na, ‘full pack lang ang tulog ko, buo na ang araw ko’ kasi once in a blue moon na lang ako makatulog ng mahaba ng diri-diretso.

Ang sitwasyong ito ay magtutuloy-tuloy na hanggang sa pagpasok ko sa school sa July, 7AM na klase namin wahahahaha, good luck! Tapos syempre gabi pa rin ako uuwi, as usual, so ayun sana di ko na mabitbit sa paaralan yung topak ko kapag wala akong tulog, nako kung hindi gulo ang maidudulot niyan XD

Advertisements

32 Replies to “Sleep Deprivation is not a joke”

                    1. ha ha ha ang daya…pero lam mo nung college ako sobrang tulugista din ako…kahit sa jeep tumutulo laway ko eh ha ha ha…pero nung nagsimula na kong magwork, kahit 2am umuwi tapos 8am uli pasok kinabukasan kayang kaya na ha ha

                      Liked by 1 person

  1. Kapag pasukan na, alam kong uso na naman sakin ang kulang sa tulog dahil sa dami ng gagawin. Kaya prinoproblema ko ito tuwing bakasyon. Di ako madaling makatulog. Nakahiga lang ako sa kama pero ilang oras pa rin akong gising. Wala na ngang ginagawa pero di talaga ako nakakatulog agad. Kahit di ko gustuhin, lagi akong napupuyat (kadalasan walang dahilan, hirap lang talaga matulog).

    Liked by 1 person

    1. Trueee ngayon pa nga lang bakasyon hirap na makatulog, pano pa kaya pag may pasok na? Ganyan din ako noon, kahit gustuhin ko mang makatulog na eh dilat na dilat pa rin ako, kaya ang ginagawa ko na lang kinakantahan ko yung sarili ko hanggang sa mapagod ako hahahahaha

      Liked by 1 person

      1. Hahaha minsan epektib yung pagkanta. Pero minsan mas lalo akong di nakakatulog. Hahaha kapag kasi pinilit kong matulog, yung hindi na gagalaw kahit anong destruction, para kong binabangungot eh hahaha. Kaya rin siguro ayokong natutulog ng maaga kasi mas malaki chance ko laging managinip. Nakakapagod din managinip ha. Hahaha

        Liked by 1 person

        1. Hahaha yung sakin adventure naman mga panaginip ko so keribels lang, nakakapagod lang yung pag hinahabol ka sa panaginip mo haha

          Pag ganun, galaw ako ng galaw hanggang sa mahanap ko yung ‘perfect position’ ko para makatulog πŸ™‚

          Liked by 1 person

          1. hahaha ang gulo ng mga panaginip ko eh haha. kaya bet ko talaga yung mga librong tungkol sa dreams. Lalo na yung dream dictionary, may nabili ako nun kasi mura lang kaso di ganun kakumpleto.

            Sana nga makatulog na ko ng maayos hahaha, magpapasukan na naman eh

            Liked by 1 person

  2. siryusohin nyo to, mga iha! i had a bad case of insomnia a year ago, and i thought i was going crazy. tossing nd turning ako, di ko mapwersa sarili matulog, to the extent nag-sleeping pills na ko. at nagpa-duktor. lalo kayong nasa call centers na baliktad ang wake hours.

    Liked by 1 person

    1. Ah yung sakin naman po, gustong gusto kong matulog, pero dahil sa pag-aalaga ng bata e di ako pwedeng makatulog…

      Yung sa insomnia nyo po okay na ba siya ngayon?

      Like

  3. Waah. Parehas pala tayong pinagkaitan ng tulog. Baligtad lang ng oras dahil sa gabi namn ang pasok ko. Madalas inaalala ko rin ang health ko kaya sabi ko sa sarili ko sana by 30yrs old wala nako sa call center.

    Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s