12 dahilan kung bakit walang jowa


ETO NA ang pinaka-aabangan ng lahat! (weh)

Ang madalas na mga sagot sa walang kamatayang tanong na – Bakit wala kang jowa? Bakit? Bakit!

Dati sinasabi ko ‘bata pa kasi ako’. (but look at me now, matanda medyo dalaga na ako. Wala pa rin)
Pinagbabawalan ako ng mga kamag-anak ko. Ayaw nilang mag-asawa ako kaagad (but duhh I know what’s wrong or right. I can handle this)
Tapusin ko muna ang pag-aaral. Kasi once daw na magka-jowa ka mawawalan ka daw ng focus sa studies. (but duhh I’m versatile/flexible. I can handle this)
Natatakot na maloko at masaktan. Since everyone in my circles had failed relationships (It’s about choosing the right one naman eh)
Mataas ang standards sa lalaki. (syempre gusto ko dun sa secured ang kinabukasan ko. Pero sa mukha kong to, chu-choosy pa ba ako XD)
Di na ako na-inlove ulit. Sa iba. (Umaasa pa ring magkakatuluyan with mah first love.)
Umaasa ako sa mga crush ko kahit wala akong pag-asa. (yah. one sided af)
Walang nagkakagusto sakin (Introvert + Ugly + walang Sense of Humor)
Ang chaka ng mga nanliligaw sayo (duhh sa fb lang nakilala. anong aasahan ko dun?)
Sanay naman na akong mag-isa (pero nag-eemote ka sa One Call Away)
Mahirap ako. (literally poor and it’s hard to maintain a relationship if you dont have enough money!)
Nakakastress ang jowa. (hirap na hirap na nga ako i-please yung mga demands ng mga kamag-anak ko, yung magiging jowa ko pa kaya? Ayoko nang mamroblema hahaha)

So ayan. Di naman sa nagcocomplain or atat ako. Wala pa naman ako sa 30s ah. Wala pa nga akong bente eh (#kalandian), Pero wala akong pake kung may jowa man o wala, basta ang importante may pagkain ka, at wi-fi ♡

PS: Actually wala naman talagang nagtatanong sakin eh, mema ko lang to. Charooot.

58 thoughts on “12 dahilan kung bakit walang jowa

  1. Terey may hugot kay tita leni, hahaha

    Pero bukod sa usaping RH, importante ring malaman ng mga kabataan na yung feeling na yung love na nararamdaman nila ngayon, di pa yun yung mismong love, infatuation lang yan! Kaya wag muna talaga ibigay ang lahat hahahaha kasi pag mature mo dun mo lang marerealize na yung taong to di ka talaga dapat magsettle down sa kanya, ng maaga

    Pinagdaanan ko rin to eh nung 13 ako nainlove ako ng sobra sobra. Ngayon ko lang napagtanto na di pa yun true love. Hahahaha

    Liked by 1 person

  2. Hindi ka makokonsensiya makipag-date dahil pera mo na ginagamit mo hahaha. Naloloka ako sa mga kabataan ngayon (#tita) lakas makipag-date, hindi naman nila pinaghirapan yung perang panggastos!

    Kidding aside, okay lang naman ma-in love pero di talaga advisable lalo na kapag nabuntis na hindi nasa tamang edad at hindi planado. As young as 13 nabubuntis at nanganganak at 14! Juicecolored! Immature ang katawan at isipan. Kulang pa sa tamang impormasyon at maraming maling paniniwala. Napakalakas ng impluwensiya ng media at hindi pa rin bukas ang karamihan sa usaping sexual at reproductive health. Maraming hindi nakakakuha ng sapat na alaga at nutrisyon, ang iba namamatay dahil sa kumplikasyon sa pagbubuntis o panganganak! Masakit sa puso neng.

    On a last note, ansabe ni Tita Leni 🙂 :

    “It is important to find yourself first, before you give yourself to somebody else.”

    Liked by 1 person

  3. Paghahandaan ko yan hahahaha charot lang po

    Ang kulit lang eh pag nag aaral ka pa, todo bawal sila kasi ganito ganun,

    Pero kapag sobrang workaholic na, inirereto na lang kung kani-kanino haha

    Like

  4. Girl, kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral at may trabaho mas may karapatan ka na lumandi haha. Wala nang mairereklamo ang mga magulang at kamag-anak mo sa iyo – hahanapan ka pa nila!

    Pag wala (gaya ko) brace yourself na lang sa mga tanong na “May boyfriend ka na ba?”, “Sinong nakita kong lalake na katabi mo sa picture?”, “Ipakilala kita sa anak ni ano”, “Ibugaw kita kay ano”, ganern!

    Liked by 1 person

  5. Ang dami ko ng nakakausap sa Whispee. Pero may isang consistent. Mukhang indiano si kuya. Pero okay din naman. Madaldal lang hahaha

    Liked by 1 person

  6. Akala ko nga dn eh. Hahaha may pinoy kasj akong nakilala sa Vent. Then initroduce niya sakin yung Whisper. Enjoy din naman hahaha.

    Liked by 1 person

COMMENT?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.