Walang Paalam

DI BA nga umuwi ng Pilipinas si Ate Vky last week. O ngayong araw ay lumipad na siya pabalik ng Dubai. Emosyonal ako sa pagkakataong ito, kasi hindi man lang ako nakapagpaalam ng matino sa kanya.

Kaninang umaga, bago pa man ako gumising ay lumakad na siya papunta ng POEA (para dun sa OEC niya), eh tulog pa ako nun. Kaninang alas kuwatro ay nagchat siya sakin:

 photo screenshot_2016-05-17-17-18-13-1_zpsvpncw6uo.png

Inaasahan ko nang ngayong araw ang lipad niya. Na-delay nga eh dapat kasi kahapon pa, kaso nga di pa niya naasikaso yung OEC niya, kaya kanina lang siya nakaalis.

Naiiyak ako kanina sa opisina kasi yun nga, di ko man lang siya nakita bago siya umalis. Kahapon ay umalis ako ng bahay ng tulog pa siya, tapos kagabi pag-uwi ko naman ay nasa labas siya (nasa kapitbahay) eh may sakit pa rin ako nun, kaya natulog na ako ng maaga, di ko na siya hinintay. Tapos yun nga yung kanina. Bale nung linggo ng tanghali pa kami huling nagkasama ng matagal-tagal. Umalis din kasi ako nung hapon at umuwi na ng gabi, nasa labas nanaman siya nun kaya di ko talaga siya naaabutan

Ngayon lang ako lumuha ng dahil sa umalis siya. Actually pang-apat na alis niya na nga yun eh. No feelings lang ako kapag umaalis siya. Pero ngayon pakiramdam ko may bahagi sa akin na nawala.

Kaya eto ako ngayon sa van, nagta-type ng post na ito. Kasi pag-uwi ko diretso bantay nanaman ako kai bibi, di na ako makakapag-internet hahaha! Ang klasik ng mga tugtugan dito sa van, “Lost In Your Eyes” tapos “All Out Of Love” at marami pang iba. Lalo tuloy akong nag-eemote. *cries*

Sampung araw lang siya nagstay dito. Sa mga panahong yan ay nag-oOJT ako kaya palagi akong wala sa bahay. Di ko man lang nasulit yung panahon na nandito siya. πŸ˜₯

Wala na ulit magtetext sakin ng ganito:

 photo screenshot_2016-05-17-20-45-06-1_zpsocbt4iq5.png

Masyado na akong nagiging iyakin nitong mga nakaraang araw ha. Dati naman di ako ganito eh. Nung namatay sina Mommy at Daddy nun di ako umiyak. Nung grumaduate ako nung high school di ako umiyak. Nung iniwan ako sa ere ni JD eh di ko naman siya iniyakan ng bongga. Nung unang tatlong alis ni Ate Vky di rin ako umiyak. Bakit ako nagkakaganito ngayon. Lol.

Babalik ulit siya next April, bago ako makapagtapos, at baka isama niya yung mga amo niya rito, kasi gusto daw nila kami makilala at masilayan ang aming paggraduate β™‘ sana πŸ™‚

At yung kontrata niya ay matatapos ng July 2017. So hindi ko alam kung kukunin ulit siya for another 2 years, or hindi na at tuluyan na siyang mananatili dito sa Pilipinas. Tapos na rin ang pension ko nun kaya pwede na akong magtrabaho. Ako naman ang babawi sa kanya πŸ˜€

PS: Dapat pala matuwa ako, kasi may petty cash ako na 1k! First time ha. Charot lang.

– Sabi pala nung boss ko: akala niya siya daw ang nanay ko. Magkamukha daw kasi kami (nagkakilala pala sila kasi si Mam ay umattend din and at the same time, ninang ni Abisha)

Advertisements

3 Replies to “Walang Paalam”

    1. Ang hirap po talaga maging isang OFW, mahirap din magkaroon ng kamag-anak na OFW, pero kahit ganun tiis tiis muna sa pagkamiss, para lang sa pamilya β™‘ saludo po ako sa inyo! πŸ™‚

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s