Short Hair Hanash

NUNG FRIDAY, pag-uwi ko galing trabaho, pinapunta ako ni Ate Vky sa salon, naisip ko, “Yass pakukulayan ako ng buhok..” Pagdating ko dun, sabi niya, “magpaiksi ka na ng buhok”. Nung oras na yun ay kakatapos pa lang niya magpagupit at magpakulay, at ang ganda nga. Pero sabi ko, “Ayoko po.” Kasi ang goal ko ay magkaroon ng mahabang buhok (kasi sabi ni crush mas maganda daw ako nung 2013 – nung mga panahon na sobrang haba nung buhok ko. So balak ko di muna ako magpapagupit ngayong taon, tsaka para maganda naman ako sa graduation pic ko, hahahaha). Eh kaso di ako makapalag sa tita ko. Kahit nasa legal age na ako eh wala akong magagawa, pag sinabing pagupitan eh di pagupitan. Ayun, nanghinayang ako sa mga buhok ko na unti-unting pinuputol nung parlorista. Wala pa kasing isang taon mula nang ipina-rebond at ipinakulayan yun, at inaalagaan ko yun kaya straight na straight pa rin yun huhuhu.

O eto na, pagkatapos ay nawindang ako sa buhok ko. Ayoko ng ganitong gupit! Waaa lalo lang akong chumaka. Buhok na nga lang nagpapaganda sakin tapos ganito pa kinahinatnan. Yung dulo ng buhok ko ay naging frizzy pa. Sobrang iksi na niya 😦

Pero naisip ko na lang, si Beyonce at Taylor Swift nga ang ganda ng buhok nila eh, sana sakin din ma-achieve ko πŸ˜‰

PS: Nung nagpagupit ako nung 2014, ginaya ko yung buhok ni Taylor nun. Ngayon ginaya ko nanaman yung buhok niya. Hahahaha.

Advertisements

11 Replies to “Short Hair Hanash”

    1. Di ko na tinake down, kabisado ko naman eh 😊 hahahahaha

      oo mahirap imaintain ang pagiging maganda, kainis <\3

      Tsaka kahit naman anong gawin ko talo ako dun sa crush niya, na sobrang ganda πŸ’”

      Liked by 1 person

      1. Tsaka sarcastic yung mokong na yun kaya di sa lahat ng pagkakataon na sinasabihan niya ako ng maganda, pinaniniwalaan ko. Hahahahaha

        Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s