Gender Hanash

SA TUWING napapatingin ako sa salamin, nachachakahan na talaga ako sa sarili ko, lalo na ngayong short hair ako. Naalala ko yung sinabi ng dati kong kaklase noon, “kung magtomboy ka na lang kaya? Mas bagay sayo yun eh.” Wala lang naisip ko lang, kung magtomboy na nga kaya ako? Tutal di naman ako nagjo-jowa, tapos di pa ako pumuporma ng maayos, e di diretsuhin ko na! Haha! Para di na ako mamomroblema araw-araw na hindi ako gumaganda (talaga ba)

Kaso ayoko pa rin eh. Kahit walang nagkakagusto sa akin, kahit di ako mahilig magfashion fashion keme, mas bet ko pa rin maging girl. Kasi sa lalaki pa rin ako naa-attract eh. Nababaliw pa rin ako kay JT, kay Channing, at many to mention pa (oo na hindi halata sa mukha ko). Tsaka pag nakakakita ako ng magandang babae, mas naiinis ako kesa sa nagagandahan. Mas nangingibabaw yung pagka-insekyora ko hahaha. Tulad nung crush nung crush ko na palagi kong kinukuwento dito, na ‘maganda lang naman’, nakakainis di ba?

Nung first year high school ako nagcontemplate na rin ako kung magtotomboy ba ako o ano, kaso nung na-inlove ako for the very first time kay JD, sabi ko “Well, babae ako. Bleh.”

Kaya ang wini-wish ko na lang is either:
– ma-achieve kong magpaganda at maging tunay na dalaga bago ako mag-24 years old;
– o magkaroon ng himala na may magpakasal sakin kahit na mas mukha pa akong lalaki kesa sa kanya (talaga ba)

O baka naman di na talaga ako makakapag-asawa, which is okay lang, tanggap ko naman eh πŸ˜‰

(Sinunud-sunod ko na ang pagpopost. Ngayon lang ako nagkaroon ng free time. Lol)

Advertisements

19 Replies to “Gender Hanash”

  1. hahaha! nakarelate ako. dati kasi hindi ko rin iniisip kung anong itsura ko. kahit mukhang ewan, keri lang. haha darating ka rin diyan. sa ngayon i enjoy mo muna. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. pano nga ba maachieve yung maging tunay na dalaga? hahaha

    palagi naming isyung magkakaibigan yung ‘bakit parang di angkop yung itsura namin’ sa edad namin haha sabi nga nung kaibigan ko, baka solusyon ang pagpaparebond hahaha

    share ko lang, ewan ko ba, pero feeling talaga namin, napagiiwanan na kami ng panahon at ng mas nakababatang kabataan. lol

    Liked by 2 people

    1. Yan din ang akala ko noon, yung pagpaparebond ang solusyon, di pala XD

      oo nga eh yung mga mas bata satin mas mukha pang dalaga pumorma

      Ewan ko paano ba maaachieve yun, siguro kapag na-inlove ka na lang ulit, kasi dun mapipilitan kang magpaganda ng bongga eh hahaha

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s