Jeepney Hanash

(TYPING this thingy while I’m on a tricycle)

I know this sounds so old, pero ang sakit talaga sa pakiramdam ng di ka nasusuklian – sa jeepney.

Kani-kanina lang, sa jeep ay nagbayad ako ng bente, o ngayon dapat may sukli pa akong nuwebe. Ako pa naman, pag 10-seconds di pa ako nasusuklian, nawawarla na ako (di halata sa ugali ko pero pag matagal akong suklian beastmode na ako), nung medyo huminto si kuyang driver, nagsabi ako, “Kuya, may sukli pa po ako..” ayoko pa naman ng mga ganitong moment, yung kailangan ko tuloy sumigaw, tinitingnan ako ng mga tao eh. Kaso bingi-bingihan mode siya! Di narinig! Lalo na akong kumulo hahaha! Hindi naman po ako delay sa pagbabayad, pero bakit di nyo pa ako kayang suklian agad? Yung ibang kasama ko sa jeep di rin pala nasusuklian, e di nagsabi sila kay kuya. “Manong yung sukli ho sa singkwenta..” Aba sinuklian sila agad! Ako hindi! Warlang-warla na ako, pero syempre kailangan prim pa rin ako tingnan. Pero deep inside gustung-gusto ko na ipakulam yung driver, haha. Ang plano ko bago ako bumaba, magmamakaawa ulit ako kay kuya, na bigyan na ako ng sukli. O eto na, nung pababa na ako, nadisgrasya pa! May sumingit kasi na isa pang jeep sa kalsada, alam mo nang dalawa lang ang lane nun tapos sisingit ka pa sa gitna? Kaya nagkagitgitan na. Ayun may natanggal na bahagi dun sa gilid nung jeep. Naku nagkalokohan na! Huminto kami. Na-traffic. Syempre dumating yung mga traffic constable para tingnan yung nangyari. Pati si kuyang driver lumabas din, aba wala na akong nagawa, kesa hintayin ko pa sila na bumalik sa normal at magmakaawa para sa sukli ko, bumaba na lang ako, at naglakad patungo dun sa dapat kong bababaan. Nakakainis di ba.

Akala nya makakaligtas siya sakin ha, tinandaan ko yung plate number niya – DXN 265. Isusumbong kita kay Pangulong Digong! (joke lang po). Pero seryoso, itetext ko yung LTFRB mamaya pag-uwi ko, sasabihin ko, “Pakipaalala po kay kuya na huwag makalimot sa pagsukli..

Paulit-ulit na lang nangyayari to ha. Kaya nato-trauma na talaga ako magbayad ng buo sa jeep eh – Kapag sobra ang ibinibigay, madalas hindi nasusuklian. Dapat talaga sakto lang. (Lumang hugot) pero hangga’t maaari, magpabarya ka na bago ka lumarga para di na hassle maghintay sa wala dahil di ka naman nasusuklian -.-

Pero hindi pa eto ang worst-case-scenario ko. Ang pinakanakakainis sa lahat eh yung trese pesos ang binayad ko, tapos 1/4 ng pwet ko lang yung nakaupo sa jeep ng buong biyahe. Alam na ngang puno na eh, bakit ba ipinagpipilit pa ni kuyang driver na kasya pa? Mukha kaya akong tangang nakahawak, baka mahulog ako. Pinagsisiksikan ko pa kasi ang sarili ko eh. (Okay lumang hugot nanaman)

Tapos kaya kahapon sa bus, nung galing akong Maynila, matindi! Mula Taft hanggang Imus, nakatayo lang ako! Wala eh. Walang choice. May nag offer lang sakin ng mauupuan nung malapit na akong bumaba, syempre sabi ko wag na, di na kailangan. Di naman sa masama ang loob ko, sila naunang nakasakay eh. Pero sana yung mga bus, pag alam nang puno na, wag na magpapasakay pa. Pinapaasa lang ako na may mauupuan ako eh. Hintay nanaman ako sa wala. (Tama na yaaaan!)

Buti pa sa tricycle, special ako *.* kahit mahal! (Okay last ko na to)

Advertisements

32 Replies to “Jeepney Hanash”

  1. Nakakatuwa ang isang ‘to! Ito rin yung kalimitang rant ko pagnakasakay ng jeep. Minsan, pagtinamaan ako ng katamaran, hindi ko na hinihingi yung sukli (lalo nat piso lang), pero kapag galit ako sa mundo (beastmode) ultimo piso nakikipag-away ako. πŸ˜€ πŸ˜€ πŸ˜€

    Nakaktuwa yung post mo. Hindi ko tuloy napansin na lumagpas na ako sa dapat na babaan ko. WAHAHAHAHA

    Liked by 1 person

    1. Hahaha salamat naman po at may natutuwa sa kalokohan ko sa biyahe hahahaha

      Nakakainis yun beastmode ka na sa mga nangyayari sa buhay mo, tapos biglang di ka pa susuklian. Haha

      Liked by 1 person

        1. Hahahahaha kawawa naman si kuyang driver pag ganun. Ako talaga ngayon lagi nang sakto binabayad ko, para di ko na kailangan maghintay sa sukli na walang kasiguraduhan.. πŸ˜‚πŸ˜‚

          Liked by 1 person

  2. HAHAHAH! madalas nilalakihan ko un bills ko pag sa jeep kasi jahe talaga yung sisigaw kapa para sa sukli tapos itatanong magkano paba ? ‘Piso po’ hahaha i mean yes akin un e bakit ba pero parang ako pa un mahihiya na ganid sa pera ang labas. HAHAHHA!

    Liked by 1 person

    1. Ay ramdam ko yan, pag nagsasabi ako sa driver sa sukli ko nagsisipagtinginan yung mga katabi ko sakin tapos feeling ko iniisip nila, “ano ba yan poorita,”

      Pag malaki bills mas matagal kasi isukli XD okay na yung sakto lang! πŸ™‚

      Like

  3. Ha ha ha kaya mas gusto kong sumakay don malapit banda sa likod ng driver para madali kong ipaalala na kailangan nya rin akong suklian. Na hindi sa lahat ng panahon tanggap lang sila ng tanggap at ako lang ang bigay ng bigay.

    Liked by 1 person

  4. pag mahal, espesyal talaga. luh nudaw hahaha. pero tama! magpabarya na bago sumakay ng jeep, kaya ang bigat ng bag ko eh, dahil dami kong barya in case of emergency? hahaha

    Liked by 2 people

                    1. Nakupo matitibay mga mukha ng mga kaklase ko hahahaha pinagbibigyan ko na lang, ayoko namang masabihan na kuripot tska madamot hehe

                      Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s