From an 18-year old girl who is mangmang pa in the politics and current issues:
EVERYONE in my circles is rooting for Duterte. Before I’m also thinking of voting for him, since I like his platforms regarding crime and corruption, as well as transforming our country into a federal government. But, I didn’t chose him.
BAKIT HINDI?
Nung una pa lang, may ‘trust issues’ ako sa kanya. Hindi ako agad naniniwala sa mga sinasabi niya. Noon pa lang kasi di ba sabi niya nun – hinding-hindi siya tatakbo sa pagkapangulo. O ngayon, anyare. Parang pa-virgin effect na ayaw sa umpisa, pero ipu-push din pala. At sa tingin ko ay isang tactic lamang yung pagtakbo ni Martin DiΓ±o tapos ay pinalitan niya, para siguro surprise at grand ang pagpasok niya sa national politics.
Hindi ko pa siya gaanong kilala. Oo mahigit dalawang dekada na siyang nasa pulitika, marami nang karanasan, pero kailan ko lang siya kaya nakilala. Di tulad nila Binay, Roxas, at Madam Miriam na bata pa lang ako eh alam na alam ko na ang mga ‘galawan’ nila. Who knows, maybe he has other dirty secrets, aside sa ibinibintang pa sa kanya na DDS. Oo yung mga taga-Davao, malamang kilalang-kilala na nila siya. Eh tayong mga taga-ibang lupalop, paano ba natin siya na-recognized? Di ba sa mga sabi-sabi lang na napakaganda na talaga ng Davao City dahil sa kanya, sa mga posts pa sa social media na kung iisipin ay dapat hindi agad natin pinaniniwalaan. Hindi lahat ng nasa Internet ay totoo. Mag-fact checking ho tayo. Magsaliksik. Dahil nga sa di ko siya kilala ng lubusan, malay natin may hidden agenda pala yan. Paano kung may itinatago din siyang lihim? Like Binay noon, nung 2010 siya ang nanalo sa pagka-VP, kasi di ba ang ganda-ganda ng tingin natin sa Makati! Asang-asa tayo nun na ganun din ang gagawin niya sa Pilipinas. Eh nung nahalal siya, anyare? Di ba dun natin nadiskubre na yung perang ginagamit niya pantulong sa mga mahihirap ay nagmula DAW sa mga kinurakot ng nilang pamilya mula sa mga overpriced na mga proyekto at chenes sa Makati. And well, ganito tayo kay Du30 ngayon, asang-asa nanaman tayo na kung ano ang ginawa niya sa Davao ay ganun din ang gagawin niya sa buong Pilipinas. Paano kung may ‘something na illegal’ din palang nangyayari kaya naging ganun sa Davao? Sana mali ang iniisip ko no? But at some time I was thinking, “Wala namang kinalaman yang personal issues mo sa kaunlaran ng bansa, so instead let’s look at his platforms na lang”. I’ve done researching his platforms – pero bakit feeling ko mukhang mapapako lang din lahat ng mga ipinapangako niya? Nangingibabaw pa rin yung ‘trust issues’ ko. Sorry.
At paanong hindi gaganda ang Davao, eh dalawang dekada ba naman silang nasa trono. Malamang talagang magiging maunlad yan! Tapos pag yung ibang kandidato na nagtatagal ng more than 6 years sa pwesto eh warlang-warla na kayo. Sa totoo lang, kulang talaga ang anim na taon para sa total improvement ng isang bansa. Ahh pero wag nyo ipapamukha sakin na Martial Law ang sagot. Hell no!
At I’m really against Political Dynasties. Yah. Pero pro-death penalty na ako, yung pagpatay ng mga kriminal, gora lang, pero sana yung mga mayayamang bigtime na mga kriminal ang unahin nyo, hindi yung mga mahihirap na nahatulang guilty dahil sa hindi nila kayang magbayad ng magaling na abogado para maipanalo ang kaso. Yung sa issue naman ng DDS, kung totoo mang ‘pumapatay siya without due process of law’, alam naman nating BAWAL SA BATAS YAN. at heto naman tayong mga Pilipino, sa sobrang pagka-desperado eh tino-tolerate na lang natin, pag yan talaga naabuso ha.
At sana hindi siya padalus-dalos sa mga desisyon na ginagawa niya – like ‘puputulin ko ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika at Australia pag nangialam sila’, at ‘bubuwagin ko ang kongreso kapag inimpeach nila ako’. Lalong magkakagulo ang bansa kapag sineryoso niya yan. Hmm. Pero tingin ko naman joke joke niya lang yan..
Isa pa sa mga dahilan kung bakit inayawan ko siya, ay dahil sa ilang supporters niya – commonly known as ‘Dutertards’. For sure, pag nanalo ang manok nila, maghahasik na yang mga yan ng lagim sa social media pagkatapos ng eleksyon. Iritang-irita na ako sa kanila sa totoo lang. Wagas sila makipaglaban sa mga diskusyon sa mga posts at comments sa facebook, at madalas na punto nila ay kung hindi mo iboboto si Du30, tanga ka, bobo ka, pulpol ka, and vice versa. Sana po ay igalang nyo naman ang desisyon ng iba, ang paniniwala ng iba. Respeto naman! Wala kang karapatang magdikta sa kung sino ang dapat nilang iboto, which is same as, wala silang karapatang magdikta sa kung sino ang dapat mong iboto. Kung sa tingin nila eh mas deserving si Binay, si Poe, si Roxas, o si Santiago kesa sa kanya, hayaan nyo! Hindi yung daragin nyo sila ng bonggang-bongga at sabihan na, ‘sana ma-rape yang anak mo, bla bla blah.’ Ang sarap mag-facepalm pag nakakabasa ako ng mga ganitong bagay. Ngayon pa lang ay feel na feel ko na ang kakulangan sa pag-iisip ng mga pilipino, pati ang pang-aabuso sa karapatan sa malayang pamamahayag.
Natatawa ako kasi wagas ang suporta ng mga tao kay Du30 ngayon, eh pag-upo niya sa MalacaΓ±ang siya na ang palaging sisisihin ng taumbayan sa mga kalokohan ng administrasyon. Duh.
Pero wag nyo nanaman sabihin na ‘binayaran yan ng dilaw kaya Anti-Duterte yan’, hello? Walang kinalaman sila Mar Roxas dito sa ipinaglalaban ko. Kung tutuusin awang-awa na ako sa kanila kasi sa tuwing may negative na issue tungkol kay Du30, sila kaagad ang unang sinisisi. Epal din kasi tong sila Pnoy eh. But no, I will never even vote for Roxas! Magi na!
Yung tungkol naman sa ‘Rape Joke’, tagong yaman, at iba pang mga isyu na ibinabato sa kanya, wala nakong pake dun. Parte yan ng politika, ang magbatuhan ng putik, ang magparatang na hindi naman talaga verified kung totoo. Wala lang talaga akong tiwala sa kanya.
Sinadya ko talagang ipost to sa mismong araw ng eleksyon, kasi ayoko na ng argumento. Inaasahan kong si Rodrigo Duterte na ang mananalo sa halalang ito. Sino ba naman ako? 1/56 million filipino voter lang naman ako. Iboto ko man siya o hindi, surebels na ang pwesto niya sa MalacaΓ±ang nu. Again, wala akong gaanong alam sa pulitika. Kaya kung may nasabi man akong mali, o labag sa kalooban nyo, hayaan nyo na lang hahahaha! Wag nyo na basagin trip ko. Lol.
– Shy.
A not-so-sure if a Duterte hater or not.
PS: Sabi nila wag sisirain ang pagkakaibigan ng dahil lamg sa mga paniniwala sa pulitika. Eh dahil nga sa naiirita ako sa mga Duterte comments, may isa na akong in-unfriend, at iilang in-unfollow sa facebook. Yung iba kaklase ko, yung iba kaibigan ko. Sorry guys. I just can’t take it anymore.
PSS: Dahil nga siya na ang panalo, asahan nyo nang magiging aktibista ako. Bwahahahaha charot
To the Future President Duterte,
PLEASE. PROVE ME WRONG π