Kutis Artista na ba?

– SEQUEL post ng Kutis-Artista Feels.

So napapanood ninyo siguro sa TV yung latest commercial ng Maxi-Peel, si Jeff at ang kanyang #TunaySerye. Actually sa facebook page nila makikita yung kabuuan nun. Sinusubaybayan ko siya, hahaha. Bago pa man nagkaroon ng ganitong pakulo ang Maxi-Peel, ginawa ko na yan noon! Oo! (Basahin muna kasi yung Kutis-Artista Feels). Pero live tweets ang peg ko nun, ayoko mag video blog kasi ang chaka ko eh. Hahahaha tsaka baka may sumubaybay di ba, wala naman.

Anong nangyari pala pagkatapos nun?

Katulad ni Jeff, araw-araw akong gumamit ng Exfoliant Solution sa loob ng isang buwan, at syempre kasama na rito yung facial wash, concealing cream (paborito ko), sunblock cream tsaka moisturizing cream. Dapat nga raw 1-2 drops lang eh ako nun kulang-kulang sampung patak! Full pack! Wala naman siyang negative/side effects. Hmm masasabi kong nakakalinis nga siya ng fez, kasi kahit papaano nag-improve ng konti yung mukha ko nun, from ‘worst’ naging ‘worse’ na lang, hahaha. Super nagmamantika to the nth level ang mukha ko, at yun nga nawala yun ng dahil sa Exfoliant Solution. Kaso, yung mga tigyawat ko di pa rin nawala! Haha! Kasalanan ko rin kasi. Bad habits. Paano eepekto yun kung araw-araw akong puyat (kahit bakasyon, yan Computer Games pa), tapos yung mga kinakain ko rin, kaya ayun. F na F ko pa ang paggamit nun, syempre first timer eh. Feeling ko nun gaganda nako ng tuluyan, at baka sakali magka-jowa na ko hahahahaha joke lang!!!

Nung June na, nagrest period muna ako. In fairness ha walang pumansin na may nangyayari sa mukha ko (sa sobrang hindi halata). Nung July gumamit ulit ako, pero dahil busy busyhan na kami sa school nun, di ko na nagagamit araw-araw. Pati yung mga ibang products di nako nakabili, yung Exfoliant Solution tsaka Concealing Cream na lang ginagamit ko. Yung cream araw-araw yun, kasi nakaka-instawhite talaga siya ng mukha (kaya minsan inaasar din ako ng mga kaklase ko na espasol kapag nasosobrahan ako ng lagay). Tapos yung pang-Exfoliant, kapag sinisipag na lang ako hahaha! Kasi yun nga, Theater days + Tetsu days pa kami nun, gabing-gabi lagi kung umuwi, pagoda na akey, diretso na ako ng tulog ng walang ligo, hilamos, at sipilyo kaya di mo rin masisisi kung bakit di umeepekto eh. Hahaha.

Hanggang ngayon nag-eexfoliant pa rin ako, kapag sinisipag na lang wahaha. Pero since 1st year anniversary na ng paggamit ko nito, at na-motivate ako ni Jeff, susubukan ko ulit araw-arawin to with matching moisturizing and sunblock cream (sana!). Lalo na ngayong tag-init ay sobra nanaman sa pagmamantika ang mukha ko na pwede ka nang mag-deep fry ng lumpiang shanghai! Tapos nung nakita ako ng tita ko sinabi niya ang dami ko nanamang tagyawat. Eh kasi nga di ba full pack ako araw-araw. Walang tulog.

Nga pala, wala akong sinasabihan ni isa na gumagamit ako ng maxi-peel, kasi ayoko nang inii-stereotype, oo nahihiya rin ako kaya tahimik na lang. Sasabihin nila, “Yay, nagmamaxi-peel ka? Bakit di tumatalab?” GANUN. Saka ko na ibibida yan kapag tuluyan na akong maging kutis-artista. Kaso hindi pa rin eh.

Advertisements

3 Replies to “Kutis Artista na ba?”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s