6th of May

SA ARAW na ito, bukod sa pagbagsak ng Corregidor sa kamay ng mga Hapones noong taong 1942, at birthday anniversary ng aking lolo (maligayang kaarawan!), ay ipagmamayabang ipagmamalaki ko lang naman —

— na ang aking Twitter account, ay nagdiriwang ngayon ng kanyang 7th birthday! Yesss. Taong 2009 ay nag-register ako sa Twitter, na hindi ko na nga maalala kung bakit at paano. Nung mga panahong yun ay hindi pa uso ang Social Media Site na iyon sa Pilipinas, at ako noon ay adik na adik pa sa Friendster, iDate, at Counter Strike. Hindi ko alam kung saan ko nahugot na gumawa ng account dito, srsly. Ang tanging naaalala ko na lang ay naging active ako doon nung nag-third year high school na ako (2010). Active – meaning nakakapag-tweet ako ‘at least once a month’ (kasi once a month lang kami pinapagamit ng computer nun). Nag-shine lang yung pangalan ko sa twitter world nung 2013 – nung nagkaroon na ako ng phone na may naka-install na Twitter (pero hindi siya Android), tapos ayun RT spree ako araw-araw. Dahil dun ay dumami ang mga followers ko (hahahaha) at lumaki ang circle/community ko dun. Nawi-weirduhan nanaman sa’kin yung mga kakilala ko, kasi ang tahimik ko sa tunay na buhay, pero wag ka, ang dami kong tweets dun ah!

  • Meron na akong twitter account bago pa man ako nagkaroon ng facebook. Tapos dati nagf-facebook lang ako para makapaglaro ng FV, PS, tsaka RC (iykwim)
  • Meron na akong twitter account bago ko nakilala si JD 😮 so ibig sabihin nun nagka-twitter muna ako bago na-inlove sa unang pagkakataon. yayks.
  • Meron na akong twitter account bago pa sumikat si Bruno. pero mas nauna siya nagkaroon ng twitter kesa sakin ahh.

Twitter pa rin ang pinaka-paborito kong site, kasi bukod sa konti lang ang jeje at Dutertards dun, eh marami akong natututunan (by following informative accounts), at katulad sa blog na ito ay mas naipapahayag ko ang sarili ko dun – by tweeting every single moment. Bago pa ako humanash sa Tumblr at Worpdress ay Twitter na ang aking huntahan, kaso limited to 140 characters lang kasi, pero okay lang! And syempre ‘established’ na yung account ko dun ah kahit pa sabihin nating puchu puchu lang laman nun!

Sa ngayon ay meron akong 25.6K tweets, 2,162 following, at 2,545 followers. kabog.

Untitled(image source)

(nga pala, ngayong araw ay uuwi si Ate Vky dito sa Pilipinas 🙂 akala ko pina-terminate niya na yung kontrata niya, magbabakasyon lang pala siya 🙂 naparanoid ako noon hahaha. Astig nga eh kasi yung mga amo niya, magbabakasyon sa India, tapos sasabay siya, pauwi naman dito. Yay!)

Advertisements

5 Replies to “6th of May”

    1. Hahaha true yan, kung makikita lang yung mga pinakauna kong tweet dun, puro ka-jeje-han pa nilalagay ko noon 😂

      – sa twitter ko na lang mararamdaman na may ‘forever’ hahahaha

      Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s