Hanap-hanap

🎤 Pinilit kong lumayo,
ngunit pilitin ma’y bumabalik sa’yo.

SA TUWING natutulog ako sa tamang oras (mga 10 or 11 pm), napapanaginipan ko siya. Oo. Ang weird nu. Ang setting eh nasa INHS ako (paaralan ko nung high school), maraming estudyante. Tapos ay hinahanap ko siya, inaasahan kong makikita ko siya dun, kahit sa totoong buhay eh nasa malayo na siya. Pumunta ako sa may Saqui Bldg., baka sakali nakasilip siya mula sa classroom niya (Alam mo yung eksenang parang sa Romeo and Juliet, yung isa nakasilip sa bintana tapos yung isa nasa baba lang, naghihintay. ganun ang eksena namin noon, baligtad nga lang kasi siya yung nasa itaas tapos ako yung naghihintay sa baba), kaso wala siya. Pumunta ako ng canteen, ng kabilang building, wala pa rin. Hanggang sa napadpad ako sa may quadrangle, sa tapat ng SSG office, tapos nandun siya, formal ang suot niya. Tinawag ko siya, di niya ako nililingon, e di nilapitan ko na lang. Nginitian ko siya, nginitian niya ako. Lalandiin este kakausapin ko na sana siya, tapos biglang napuputol na yung panaginip ko. saklap haha.

Nung kasunod na pagkakataon na natulog ulit ako ng maaga, ganun nanaman yung panaginip ko. Medyo iba sa una, pero may pagkakapareho din. Kasama ko si Micko nun (classmate ko) sabi ko sa kanya tulungan niya akong hanapin si JD sa school, gusto ko siya makita. Hinahanap ko siya sa lugar na madalas niyang tambayan. Pero nakita ko ulit siya sa covered court. Tapos kapag uumpisahan ko na siyang kausapin, nawawala na yung panaginip ko. Bat ganon.

Matagal na kaming di nagkikita at nag-uusap, pero inaalala ko pa rin siya. ui naka-move on na ako ha, pero tuwing nakikita ko siya sa panaginip ko eh bumabalik yung ‘kilig’ feels. Nadidisappoint nga ako paggising ko, kasi akala ko totoo talaga yun lahat! Kainis. Minsan gusto ko wag na lang ako matulog ng tamang oras, para di ako nananaginip. Kaso ang weird talaga neto, yung taong matagal ko nang hindi kinakausap eh napapanaginipan ko pa rin. Enebe.

Pero yun nga, somehow gusto ko makita niya ako ulit. Baligtad. Gusto ko siya I-hug, tapos kukuwentuhan ko siya ng maraming-maraming-marami. Kaso, alam ko namang hindi na mangyayari pa yun sa totoong buhay eh. wala nang pagkakataon para magkita kami ulit. Tsaka dinispatsa na nga pala ako nun sa buhay niya. bakit ba di ko matanggap, haha. Bakit ba kasi siya pa rin?

🎤 ‘Di maglalaho, ika’y aking pangarap.
‘Di nagbabago, ikaw ang hanap-hanap ko. πŸ™‚

Advertisements

36 Replies to “Hanap-hanap”

                    1. Hahahahahaa wait eto te try mo:

                      ‘ To add the Portfolio menu item to your dashboard, you’ll first need to activate it on your site. Although some themes will do this for you automatically, you can do it in any theme by going to Settings β†’ Writing β†’ Your Custom Content Types and checking the β€œPortfolio Projects” option.’

                      Like

                    2. oo at sinubukan ko ngang gumawa ng isang test portfolio, ayun hindi ko nga mahanap kung nasan na siya LOL hayaan na lang natin ito sa mga nangangailangan nito LOL

                      Like

                    3. May private message something ba dito sa wordpress? Haha i-pm sana kita, may itatanong ako hahahahaha. Kaso mukhang wala yata eh

                      Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s