Presidentiables as Suitors


SINO ang sasagutin mo sa kanila?

Weeks before the elections. I still haven’t decided on who will I vote (President, Vice President esp.) This is a big decision I would make. First time voter here so I should make the most out of it 🙂 These 5 presidentiables are really great in convincing the Filipinos to vote for them. Hmmm but none had yet convinced me that much, haha. They all have flaws which makes me think of not choosing them.

Kung halimbawa man na maging lalaki sila na nanunuyo sa isang babae, ganito ang personalidad nila:

1. Binay – siya yung manliligaw mo na galing sa isang long term relationship. Pero may naririnig ka na sabi-sabi na manloloko daw siya. Eh mukhang gusto mo nang maniwala XD siya yung todo effort sa panliligaw sayo.

2. Duterte – galing din sa long-term ito. Siya naman yung medyo bad boy, pero malakas ang dating. Ipinangako niya sayo ang magandang kinabukasan, pero hindi ka sigurado kung paano niya gagawin yun. Siya rin pala yung bet ng mga kamag-anak at mga kaibigan mo na maging jowa mo.

3. Poe – siya yung kakakilala mo pa lang nung last month eh niligawan ka na agad. Nakikita mo namang sincere siya sayo.

4. Roxas – okay naman siya. Kaugali niya nga lang yung ex mo. Syempre ayaw mo na ng katulad niya di ba. Katulad ni Binay, todo effort din siya.

5. Santiago – sa lahat ng suitors mo, siya yung pinaka-asensado. Mayaman. Mabait. Kayang-kaya ka na niyang buhayin kung tutuusin. Kaso nga lang hindi mo nakikita sa kanya yung effort na hinahanap mo. Busy kasi siya palagi. Nagdadalawang-isip ka tuloy kung sincere ba siya sayo o hindi.

So obviously here I was torned between Du30 and MDS. Hmmm I’m still weighing which one is better. *Research here. Research there*

Oh I have a separate article about Duterte. Wait I’m still working on it.

I’ll try also to make another one. Or two. VP and Senatorial candidates version naman 🙂

Any additional? Comment lang. Charot.

 

Ikaw? Sino ang sasagutin mo? 🙂

103 thoughts on “Presidentiables as Suitors

  1. Tama tama, lahat sila may mga paraan para sa sinasabing ‘pagginhawa ng mga pilipino’, ang pagpipilian na lang natin eh kung kaninong plataporma ang pinaka epektobo ☺

    Like

  2. sa tingin ko, eto ang eleksyon na maraming gusto mag “none of the above”. ibang klaseng eleksyon to. lahat may kani-kanyang flaws, kaya nagiging choice of the lesser evil na lang kuno. sa tindi ng bangayan, minsan nagkakainisan na kahit magbarkada o magkapatid. Yung mar gusto no change. ipagpatuloy ang ‘daang matuwid’ kuno. Yung binay gusto change. pero change horses lang. tuloy pa rin ang dating systema. yung grace, gusto slight change. ‘gubyernong may puso’ kuno. yung digong gusto malaking pagbabago. depende na kung asan kaya ng puso mo yan.

    Liked by 1 person

  3. Hahahah paano naman…kahit visible yung about page mo…andaming abubot na nakakadestruct bwahahaha…minsan pa nakalimutan ko ikabit headset sa office…pag open ko ng site mo biglag tumunog yung bruno mars hahahahahha

    Liked by 1 person

  4. Ah sige po 🙂 kahapon ko lang din nakita nung nagcomputer ako eh. Haha di ko alam kung para saan 🙂

    Like

  5. Langya. Wala kang about page? Wahahahhaha….punta kasa WP admin tapos punta ka sa Page…kahelera ng Post…tapos add page ka hahaaha

    Like

  6. Pero wala pa ring tatalo sa comment thread nung kay sankage steno. Napagod nako kakabasa di pa rin ako umaabot sa kalahati *.* facts sa facts ang labanan! Di ko kineri hahahaha

    Like

  7. Hahaha 🙂 well ganyan talaga sa pulitika. Walang permanenteng kakampi. Siraan kung siraan. Haha

    Like

  8. si Mar talkshit. sya yung pagkatapo kang maging girlfriend sisiraan kana nya sa bago nyang nililigawan, tingin nya ba cool yun? i can still remember how he curse PGMA in media! hello? seryoso ka? sya naglagay sayo kung nasan ka noon — tama na nga baka malabas ko galit ko sa knya HAHAH

    enjoy voting!

    Liked by 1 person

  9. Sa ordinary citizens, solb sila e. Businessmen, okay din. Kung mahirap na ina na may pasaway na mga anak or nasa neighborhood na mga may pasaway, baka magkaroon ng mistaken identity at mapatay lahat ng anak. May mga power tripping talaga na pulis na kahit ba strikto lang ang mayor, pwede na rin silang maghari-harian. Try mo hanapin sa YouTube yung Al-Jazeera feature ni Duterte. Balanse yung report.

    Liked by 1 person

  10. Ahh I see. Pero yung about sa crime? May balita ka dyan? (Usisera here) yun kasi yung binibida niya eh. Pero okay din naman kung ang strict compliance regarding traffic rules sa Davao eh maipapatupad din sa buong Pilipinas, if ever he wins.

    Liked by 2 people

  11. Temporary lang naman ako dito. From Marikina talaga ako. Haha! Pero pansin ko implemented talaga yung speed limit within the city. Strikto sa traffic rules at sumusunod ang mga drivers. Tapos kahit saang public places ka magpunta sa city, naka-CCTV na. Before, ayaw naman talaga ng mga tao dito kay Duterte nung bago pa lang siyang mayor. Nung nakita nila yung mga pagbabago, nakuntento naman sila. I heard may presence ng NPA (since napakalaki ng Davao) sa mga gilid and boundary na area pero kontrolado naman sila ng police.

    Liked by 1 person

  12. Nung nabasa ko yon, naalala ko nung bata pa ako na, “Erap resign!” Hahahaha! Tapos si GMA ata ang pumalit nun?

    PS: akala ko non, si GMA may ari ng GMA 7. Then Erap, ABS-CBN loooooool!

    Liked by 1 person

  13. Yun din nababasa ko pero ewan ko kung sinabi niya talaga yun. Di pwedeng mangyari yun haha yung mananalong VP talaga ang papalit sa pangulo if ever.

    Liked by 1 person

  14. Kung sakaling MDS-BBM tapos Du30-Leni? Hahaha pero totoo ba yon na ibibigay ni Du30 kay BBM kapag hindi niya nagawa? Hahaha

    Liked by 1 person

  15. Tsaka naisip ko if di kinaya ni MDS at mag resign agad, si BBM sasalo sa kanya. Same with Du30, pag napatalsik man siya if ever, si Leni naman gusto ko ipalit hahahahahahaha

    Liked by 1 person

  16. Kaya mahirap makipagtalo. Hahahaha grabe din aa commments yung mga UP students. Parang nganga ka na lang eh. Hahahaha

    Liked by 1 person

  17. Intense ito! Sana magbago at MDS. Yun ang pinagdadasal ko talaga. Kaya happy ako at bumalik na si MDS kahapon sa pangangampanya eh. Hahahaha

    Liked by 1 person

  18. Ay nag comment din ako don! Lol! Pinag pyestahan yun sa grp sa UP! Hindi ko kinaya. Hahahaha! Pero hanga ako sa kanya at ang lakas ng loob niya. Hahahaha

    Liked by 1 person

  19. Pareho tayo hahahaha. Okay lang yan malaya naman tayong iexpress ang mga opinyon natin haha. Grabe kamo yung mga comments dun sa blog ni Sankage Steno, sa sobrang haba ng thread tinamad na ako magbasa 😂 facts laban sa facts talaga. Matindi haha

    Liked by 1 person

  20. Kung sabagay. Pero infairness ah, mukhang madami ding supporters si BBM. Good yun kahit madaming naninira sa kanya. Hahaha

    Liked by 1 person

  21. Oo tsaka tingin ko di naman niya ulit gagawin yung ginawa ng tatay niya nu.. Bakit siya gagawa ulit ng ‘move’ na alam niyang magiging downfall niya haha

    Liked by 1 person

  22. Hindi naman kasi ako ma-politics kaya hindi ko alam lol. Nag bebase lang ako sa nakikita at nababasa ko. Ang issue ko lang sa politics (madalas) yung political dynasty. Hahaha

    Liked by 1 person

  23. Pero may naalala rin ako nun na maka-administrasyon si Binay noon. Until PNoy endorses Mar 😂 saka bigla bigla siniraan niya na ng bongga sila PNoy hahaha

    Ever since naman etong si PNoy, kahit hindi pa siya nagiging pangulo, panay sisi na siya sa ibang tao eh hahahahaha

    Liked by 1 person

  24. I think, okay din naman si BBM eh. Madami lang naninira dahil sa tatay niya. Ewan natin. Baka kagaya din ni PNoy. Pero okay na din naman ata kasi VP naman.

    Liked by 1 person

  25. Ay na comment agad. Hahaha ako kasi, kaya si Santiago, mas nakilala ko siya dahil sa libro niya. Hahaha lahat naman kasi ng platform nila is maganda. Hindi lang natin alam if masusunod. Pabango lang naman nila yun eh.

    Liked by 1 person

  26. Bakit pareho tayo ng naiisip? Hahaha 😀 yung willing akong iboto siya kahit alam kong hinding-hindi siya mananalo. Kasi naniniwala ako sa mga plataporma niya 🙂 Tama tingin ko rin, malaki ang tsansang Du30-BBM ang mananalo ngayon.

    Anyways, since you’re from Davao na rin naman: Is it really true na disiplinado talaga sa siyudad ni Du30?

    Liked by 1 person

  27. Si PNoy at Binay kasi hindi vibes. Diba dapat si Roxas ang VP ni PNoy kung sakali. Kaya sa tingin ko hindi makakilos si Binay dahil kay PNoy. Dati may commercial si PNoy na sinisiraan si Binay eh. Nung hnd pa sila Pres and VP. Sige alalahanin mo muna yun. Lol

    Liked by 1 person

  28. Hahahahahaha yung sakin parang sobrang big deal na ng pagboto ko, pero kung iisipin 1 out of 56 million lang naman ako. Kung tutuusin maliit ang epekto sino man ang iboto ko 😂

    Liked by 1 person

  29. ha ha ha ha….ayan, pag natanong ka sa job interview na “What is the most important decision that you made in your life and how did you come up with your decision?” ayan may isasagot ka na hahahahahahha

    Liked by 1 person

  30. Haha i mean yung malaliman ba 🙂 yung may pros + cons pa. Kaso ayan, mababaw lang ginawa ko inihalintulad ko na lang sila haha

    Liked by 1 person

  31. I think that’s the responsibility of a VP in the first place, to help the president in his duties 🙂 but whoever wins, they should act together, hindi yung tulad ni PNoy & Binay na walang ibang ginawa kundi magsisihan. And if ever Du30 wins, matuto siyang mag-adjust sa kung sino mang mananalong VP. Same as VP, mag-adjust din siya para sa pangulo.

    Hahaha totoo yan, nagsisiraan sila ng nagsisiraan, yun yata yung mindset nila eh once na magbato sila ng putik sa kalaban, magiging maganda ang tingin na sa kanila ng mga tao. Tapos ayaw pa magpatalo kailangan gumaganti at bumabawi din sa paninira. Crab mentality na itu hahaha

    May sasabihin pa ako kaso nakalimutan ko na. Next time na lang haha 🙂

    Liked by 1 person

  32. That’s true. But almost everyone here in the Philippines (based on what I see on social media) sees Duterte as the savior of our country. They believed he’ll make a great change in the government. I think he has the biggest chance of winning the presidency.

    Pero may doubt pa rin ako sa kanya. I dont know. He’s still a man-killer. But everyone’s trusting him that much.

    Like

  33. Santiago. I know she will not win pero tuloy lang. Parang Dick Gordon lang na binoto ko nung last election. VP ko naman si Robredo.

    Since nandito ako sa Davao, napakalakas talaga si Duterte sa Mindanao. Nasa Al-Jazeera siya lately nafeature. I would vote for him as a mayor but not as a President.

    I predict Duterte will win then BBM for VP.

    Liked by 1 person

  34. PS: Ayaw ko yung commercial ni Duterte and Cayetano. Na sinasabi ni Duterte na kailangan daw natin iboto si Cayetano kasi si Cayetano daw ang magsasabi, magpipigil etc sa kanya. Something like that. Oo vp niya si Cayetano. Pero let’s say, pres na si du30, so it means, hindi niya kayang kontrolin sarili niya?

    PPS: para silang bata ni Roxas at Duterte. Bangayan ng bangayan eh. Parang sa mga bata na.. “Pupunta kami sa sm ng mama ko! Bibilhan ako ng bagong laruan! Eh ikaw? Bibilhan ka ba?” Hahahaha asar eh!

    Liked by 1 person

  35. Lahat naman kasi sila may flaws. Kasi mga tao din naman sila. Hahahaha! It’s up to you, kung kaya mong kunsintihin yung flaws nila.

    Liked by 1 person

  36. Mar Roxas. I cannot imagine people even contemplating voting for a so corrupt like Binay, and a self-proclaimed lady killer and man-killer, like Duterte In a civilized society, Duterte should not be President. He’s an embarrassment to all Filipinos abroad.

    Liked by 1 person

COMMENT?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.