Wa friend? Wawa naman u!

(Ang jeje ng title. Enebeyen.)

IBINIDA sa akin ni Anye yung mga tropa niya. Sabi niya super close sila sa school, tulungan sa pag-aaral. Pag-uwi naman sa bahay ay nags-skype skype pa sila at chat sa messenger. Tapos kahit na grumaduate na sila ng Grade 6 ay magba-bonding bonding pa rin sila at  Magkakasama daw sila through thick and thin β™‘

Sagot ko naman: Magkakalimutan din kayo ng mga yan. Walang forever.

Grabe naman magkakalapit lang naman kayo ng mga bahay kailangan ba palagi kayong magkakausap? Di ba kayo nagkakasawaan ng mukha? Umaga magkakasama na sa school. Pati ba naman sa bahay sila pa rin? Sus. Pagtuntong mo ng high school, makakakilala rin kayo ng iba. Magkakalimutan din kayo ng mga yan.

Sabi niya: Wala ka kasing kaibigan.

Wala ka kasing kaibigan..

Wala ka kasing kaibigan…

– Oy may mga kaibigan naman ako kahit papaano!

You mean, close friends? Ilan?

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Huhuhuhu bilang lang sa daliri!

Nineteen years na akong nag-eexist sa Earth. Seven billion plus ang populasyon ng tao. Tapos yung mga kaibigan mo ganyan lang kakonti?

– Marami nga akong kaibigan. Pramis.

Sige. Imagine. Halimbawa, na-tegi ako ngayon. As in ngayon. Halimbawa lang ha. *katok sa kahoy* Sige, mga ilan ang pupunta sa lamay ko?

– Marami.

Talaga? E pagkalibing sakin. Ilan pa rin kaya ang dadalaw sa puntod ko?

– Hmm. Hmm. Busy kasi sila sa buhay. Kaya tingin ko. Baka di na sila magsipunta.

See? Wala ka talagang kaibigan.

πŸ˜₯ marami akong nakikilalang tao. Marami sa kanila nagiging kaibigan ko. Pero kasi, after some time, nawawalan na kami ng koneksyon. Nawawala na rin yung friendship!

Yung mga kaibigan ko nung elementarya, di ko na kaibigan ngayon. Yung mga kaibigan ko nung hayskul, hmm halos di ko na rin nakakausap ngayon. Yung mga kaibigan ko ngayong college, hmm darating ang araw na maghihiwa-hiwalay din kami ng landas nung mga yun. Yung mga kapitbahay ko nilayuan ko. Yung mga kaibigan ko sa simbahan, wala na iba na ang simbahan ngayon 😦 #WalaTalagangForever

Bakit walang tumatagal? Di ko kasi iniingatan. Kinakausap ko lang sila kapag about sa mga importanteng bagay. Oo di talaga ako friendly, kaya masasabi ko kaunti lang yung matino, I mean iilan lang yung nanatili sa tabi ko kahit antisocial ako. 😦

Nakakainggit nga si Anye na sa murang edad eh naaappreciate niya na ang friendship. Kahit akala ko wala talagang sense yung tropa niya, napapansin kong mas nabubuo ang pagkatao niya ng dahil sa mga kaibigan niya πŸ™‚ eh ako? Oo meron. Pero di nga lang tumatagal.

Nakakainggit yung mga classmate ko na kapag birthday nila eh pinupuntahan sila ng mga kaibigan nila, tapos binibigyan pa ng regalo. No one did that to me. Bilang lang din sa daliri ko yung mga taong alam kung kailan ang kaarawan ko 😦

Nakakainggit yung mga kaklase ko noon na hanggang ngayon eh magkakaibigan pa rin sila, na mga kapwa ko kaklase noon. Since elementary hanggang ngayon nagba-bonding pa rin sila. Parang ako lang talaga yung wala.

Nakakainggit kapag may mga nagpopost na mga pictures sa facebook kapag may mga nagaganap na reunion, alam mong ‘part’ ka nun pero di ka pumupunta, kasi wala kang gaanong ka-close sa mga kaklase mo noon.

Nakakainggit si Taylor Swift na naging maid of honor sa kasal ng childhood friend niya. Kahit sobrang sikat na siya ay di pa rin nawawala ang ugnayan nila. Ako kaya? May mag-iimbita din kaya sa akin sa kasal?

Nakakainggit yung mga tao na kapag down na down sila, may mga kaibigang nagpapayo sa kanila. Ako, kapag down, nagpopost lang ako dito. Di ko ino-open sa iba yung hanash ko.

Nakakainggit. Pero anong magagawa ko? Isinilang na nga yata talaga ako upang mamuhay ng mag-isa. Aside from family, wala na yatang ibang tao ang kaya akong samahan hanggang sa huli. Wala na.

Meron naman akong mga best friend. Nandyan si CJ. Si Methos. Kaso kahit super close na close kami, nangangamba ako na dumating yung araw na mawawala na ang closeness namin. Na baka isang araw back to acquaintances na lang kami 😦

Sana dumating yung panahon na maging katulad ako ni Rancho. Yung hahanapin ka ng bonggang-bongga ng mga kaibigan mo after several years πŸ˜€

Pangako, pagkagraduate ko ng college, pramis magiging friendly na talaga ako! Para di na ako mag-emote ng ganito. Haha.

Sa kaibigan pa nga lang, hirap ka nang mag-establish ng pangmatagalan. Paano pa kaya pag jowa na?

Huhu wala talagang forever. Ako at ako lang talaga mag-isa sa huli. πŸ˜₯

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s