Anong ipinaglalaban mo?

30 YEARS.

30 years.

Alam nyo bang eto na ang pinakamatagal na panahon na mayroon tayong malayang pamahalaan, mula noong taong 1569?

Nakakalungkot lang isipin na ang mga tao ngayon ay tinitingnan ang EDSA 1 bilang isa sa pinakamalaking pagkakamaling ginawa ng mga Pilipino. Iniisip nila na kung hindi napalayas ang mga Marcos ay marahil mas maunlad pa ang Pilipinas ngayon.

Oo lalong lumugmok ang pamahalaan mula nung mawala ang diktadurya. Anong nangyari pagkatapos ng EDSA 1? Nag-away away naman yung mga dating gustong magpaalis sa mga Marcos. Nag-agawan ng pwesto. Nagkaroon ng mga kaguluhan, kudeta, at iba pa. Nagkaroon nga tayo ng malayang pamahalaan, pero bakit ganon? Tingnan natin ang ating lipunan ngayon. Walang ibang ginawa ang mga pulitiko kundi magpatutsadahan, magbangayan, magsisihan. Eto ba ang dapat na kinahantungan ng isang malayang pag-aalsa?

Its core message was for us Filipinos to unite. Sabi nga sa kanta, “Panahon na ng pagkakaisa, kahit ito’y hirap at dusa.” But look at our society today. Worthy nga ba yung ipinaglaban ng mga Pilipino 30 years ago? Wala naman sa uri ng pamahalaan yan eh. Imahinasyon lang talaga yang Utopia – o perfect government na yan. Kahit nga si Aristotle, di pa rin niya masabi kung ano ang pinakadabest na uri ng pamahalaan. Nasa mga nagpapatakbo kasi yan, at nasa mga tao (since democratic nga tayo), kung mas inuuna lang natin isipin ang kapakanan ng bayan kesa sa ating mga sarili, kung marunong lang tayong sumunod sa mga batas, o sa simpleng mga rules and regulations, kung mas pinili na lang natin na magkaisa, di yung magsisihan, e di sana mas ramdam natin na umuunlad nga tayo di ba πŸ˜€

At sa mga Pro-Marcos, sorry, though I admit he was the best president we all ever had, he was also the worst. Aware naman po siguro kayo kung ano ang ginawa ng pamahalaan sa mga subersibo di ba? Hinuli at ikinulong ng walang paglilitis. Pinatay. Pinahirapan ng matindi bago pinatay. Ang mga aktibista na naghahangad lamang eh makapagsalita ng malaya, mga taong ipinaglalaban lamang ang kanilang karapatan, anong nangyari sa kanila? Masaklap. Kung alam nyo lang kung gaano kasaklap ang sinapit nila noon.

Eto ang tunay na diwa kung bakit nagkaroon ng EDSA 1, para matigil na ang pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Para kahit papaano eh magkaroon na tayo muli ng kalayaan sa pamamahayag. Pero ngayon, mas iniisip ng mga tao na ang rason nito ay para makontrol na muli ng mga kapitalista ang pamahalaan. Puro na lang kasi kayo pulitika, pulitika, pulitika. Kesyo ganito sila, kesyo ganun, ngayon naman isinisisi na sa mga Aquino ang pagkakalugmok ng Pilipinas! Gusto naman nila ngayon ng diktadurya ulit! Nakaka-beastmode kayo! (Masama talaga loob ko sa mga Pro-Martial Law sorry XD)

Balik ulit tayo sa ngayon. Kung tutuusin, meron pang mga pamilyang mas matitindi pagdating sa ill-gotten wealth kesa sa mga Marcos, pero bakit pa rin natin sila ibinoboto? Bakit pa rin natin sila hinahayaang mamuno at makaupo sa pwesto at magkamal ng kaban ng taong bayan?

Sabihin nyo mang di sapat ang kaalaman ko ukol dito, eh eto ang paniniwala ko eh. Ngayon, magpasalamat na lang tayo at malaya tayong nakakapagpost, nakakapagcomment ng kung ano mang hinaing natin sa pamahalaan, kahit minsan lang tayo kung pakinggan nila. Hindi tulad noon na bawal i-criticize ang pamahalaan, or else, you’ll be killed.

Final words: Move on na tayo sa isyu between Marcos at Aquino families, okay na nagkapatawaran na naman eh. Pero, wag nating hayaang mawala ang diwa ng EDSA 1. Wag nating hayaan na may mamuno nanaman na mang-aabuso sa karapatan ng mga mamamayan. Malapit na ang eleksyon. Mag-ingat tayo sa mga ihahalal natin. Baka mamaya niyan eh baka hanggang 30 years na lang talaga maging malaya ang Pilipinas. XD

Okay. Enough of this.

Advertisements

11 Replies to “Anong ipinaglalaban mo?”

  1. I can tell that you more or less like marcos, except his Martial Law Rule and its human rights violations. Maybe you have forgotten that they left the country with only $ 25 M in its national treasury ? That’s what rich people here in the US have, and they are even considered just upper middle class. This couple and their cohorts robbed the country dry.

    Liked by 1 person

    1. Somehow I like how he rule (though di ko talaga siya inabutan) pero yes di ko rin nakakalimutan yung mga Ill-gotten wealth nila at yung mga cronies na siyang dahilan kung bakit dumami din lalo ang mahihirap habang sila lalong yumayaman 😐 kaya rin po di agad nakabangon ang Pilipinas dahil dun.

      Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s