Maybe this time,

 photo photogrid_1454738787006_zpsyebb3za9.jpg

– my own quote. Watcha say?

HERE are my thoughts today:

Sabi nila, “First Love Never Dies”. Kahit kailan ay di mawawala yung pagtangi mo sa taong yun. Never ka na yata makakapag move on sa kanya.

Na-fall in love ka for the very first time. Kaso wala naman pala siyang balak na saluhin ka. Di niya intensyon na mahulog ka. Hanggang kaibigan lang ang kaya niyang maibigay sayo. Ang saklap. Kahit na kailan ay hindi tama na ipagpilitan mo sa isang tao na mahalin ka, pero naisip mo na pwede mo rin iparamdam sa kanya na, ‘baka naman pwede tayo’. Pero kung ayaw talaga, eh di tanggapin mo na nga lang.

Again, mahirap sa part mo kasi sa kanya ka lang naging wagas na maligaya, kahit hindi kayo. Yung feeling na alam mong di mo na kailangan ng iba kasi siya na ang bumubuo at nagbibigay saya sa buhay mo. Ilang taon ko ring pinagdaanan niyan. Mahirap baliin yung habit na kinasanayan mo, at yun ay ang kasama mo siya palagi. Tapos, isang araw ay isasampal na lang sayo na, ‘di na kita kailangan, so chupi na’. At nawala na siya, di na nagparamdam. Pero umasa ka pa rin na isang araw baka magkita kayo ulit, tapos baka magka-sparks na kayo. πŸ™‚

Akala mo siya na si ‘the one’. Akala mo di ka na makaka-move on. Pero, akala mo lang! Nung dumating na sa buhay mo yung taong magpaparamdam sayo ng higit dun sa ‘wagas na kaligayahan’, ngayon, dun mo lang mapapagtanto na wala talagang forever may hangganan pala yun. Tanggap mo nang wala siya, kasi may bago ka nang pinagbabalingan ng atensyon ngayon. Ang saya kasi ngayon ay nagiging masaya ka na ulit, yung parang ikaw noon πŸ™‚

Pero tulad ni past, sigurado ka bang mamahalin ka niyan pabalik ni present? Ayaw mo nang ma-hopia ulit. Ayaw mo nang maulit yung nakaraan na ikaw lang mag-isa ang in love. Anong gagawin mo?

Love is sweeter the second time around. Would it be sweeter because of him? Or would it be bitter just like what happened before?

“Maybe this time, It’ll be loving they’ll find, maybe now they can be more than just friends.

Untitled

For this Challenge, the rules are:

–Β Post three consecutive days.Β 
– You can pick one or three quotes per day.Β 
– Challenge three different bloggers per day

Nominees for day 2:
Aiskrim
Branenosekai
Levin Kiester


Idadagdag ko na rin yung ipopost ko sana nung nakaraan pa. Haha.

Nung isang gabi, sa labas ng SM, ay tumingin muna kami sa kalangitan. Walang buwan, walang bituin, ordinaryo lang. Parang kami ang langit, walang sparks, lol. Naisip ko na, ‘ngayon ay nasasanay nanaman ako na nagiging masaya pag nakikita kita, pero paano kapag dumating na yung panahon na di na kita makikita? Isang araw, maghihiwalay din ang mga landas natin. Hindi rin magtatagal ang momentum na ito. Paano na ako? Mabo-broken hearted nanaman ako ng matagal, tapos ikaw na yung palagi kong topic sa mga posts ko. Hindi nanaman ako makaka-move on.’ Ngayon pa lang ay iniisip ko na wag ko dapat masyado i-depende ang pansarili kong kaligayahan sayo, na pansamantala lang to, dapat di ako masanay na maging masaya lang kasi dahil sayo. In short, wag na ako masyado mai-in love. Dapat sakto lang.

Pero pag-alis mo, sana nga ay makapag-move on ako agad. (Sana may dumating agad na kapalit mo) haahahaha joke lang! Basta sa ngayon, kasabay ng mga priorities ko sa buhay, ay dapat ini-enjoy ko ang mga panahong ito. πŸ™‚ πŸ™‚

#crushlife

:]

Advertisements

4 Replies to “Maybe this time,”

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s