High school feels

– Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko na naibalik ang panahon.

WALA kaming klase kahapon dahil sa TNT (Tagisan ng Tanga Talino) πŸ˜‚ so ayun, gumora na lang ako kina Jhensi, wala lang tambay lang hehehe. Di na kami tumuloy ng Maynila kasi 1) Wala akong pera. 2) Wala rin silang balak. Haha

Sakto pagdaan ko sa INHS, nagtaka ako kung bakit walang gwardya, tapos andaming pumapasok, naisip ko, “siguro kuhaan ng grades ngayon.” So ayun pumasok din muna ako ng campus. HAHAHAHA.

Apat na taon na ang nakalilipas mula nang huli akong makatapak sa Imus National High School. April 10, 2012 nga yun to be exact eh, (kasi yun din yung last na nagkita kami ni JD)

Akala ko nung una ganun pa rin yung hitsura ng school. Pero nung pagpasok ko talaga sa pinakaloob, nanibago ako, as in! Nagtataasang mga gusali na ang mga klasrum, na dati ay single-storey lang. Yung dun sa may likuran banda na mga klasrum na dating dugyutin, aba isa nang 4-storey building! Tapos nalipat na rin ng mga pwesto yung iba’t-ibang faculty rooms ng school. Kung dati na sama-sama sila sa iisang building, ngayon ay magkakalayo na. Kasi bawat building pala ay naka-assign na sa iba’t ibang department: May Math building na, TLE building, atbp. Tapos yung canteen, nandun na sa dating dressmaking room. Yung dating canteen, classroom buildings na rin. Wala na yung burger-an na binibilhan ko dati ng mango shake, iba na yung itinitinda dun, di na bet! Pero nandun pa rin katabi yung tindahan ng banana cue at turon! In fairness mas malaki na yung turon nila ngayon! Di ko na rin kasi natatandaan gaano yung mukha ng school ko noon.

May mga bagay na nanatili pa rin dun, tulad nung Science building, BSP office, at ang Saquilayan building na siyang oldest standing establishment doon, (kasi diba giniba na yung mga lumang silid upang patayuan ng mga buildings). Pati yung mga kanal ganun pa rin, amoy kanal pa rin XD pero ang maganda dun kasi wala nang basura! Unlike nung CAT days ko na palagi kaming nagtatanggal ng mga basura sa kanal ah. Tapos trash bins are everywhere! Good thing di ba.

Tapos pag-entra ko nga ng Saki bldg., nakita ako ni Sir Macalino (teacher ko dati sa Math nung 2nd year) ipinatawag niya pa ako sa mga estudyante niya ah! Buti natatandaan niya pa ako! Tapos ayun nagkakwentuhan kami about sa buhay buhay. Yung mga kaklase ko noon dun daw nag-o-OJT ngayon, nag educ pala sila haha! Nakakatuwa sa side ni Sir nu na yung mga dati mong tinuturuan lang nung mga kemeng Math, ngayon magiging co-teacher mo na din! Tapos ang saya kasi itinuro niya sa akin kung saan na makikita yung iba’t ibang mga faculty sa school. Tapos pala sabi ko sa kanya 3rd year pa lang ako, kasi nga di ba nag-stop ako ng isang taon. Tapos nagulat siya na MassComm ako, di niya inakala, kasi noon tatahi-tahimik lang ako, tapos achiever talaga ako sa Algebra no! (Ipinagmayabang talaga) Di ba ang layo. Sabi ko ako din, di ko inakalang ito ang magiging field ko ngayon. Pero naisip ko rin nun kung nag educ na Mathematics/Social Studies major din ako, siguro kemebels ko na rin magturo. Haha

Hinahanap ko si Sir Virata (favorite teacher ko nung HS), di ko na makita kung saan ang Social Studies Department ha. Sayang. Tumambay ako sa second floor ng Maliksi Bldg, baka sakali makita ko siya pati yung iba ko pang mga kilalang teacher. Kaso ang nakita ko lang ay si Mam Legaspi, nakakatakot pa din siya hahah. Di nagbabago. Habang nandun ako ay inisip ko ang mga pinaggagagawa ko nung high school. Wow. Wala na ako halos gaanong matandaan. Wala rin akong kakaibang naramdaman (nostalgic feels ba). Ewan ko, baka dahil siguro di na sanay yung utak ko sa ‘high school era’ hahaha, parang file sa memory card na nabura? XD

 photo fb_img_14541230941062660_zpsa3kapmjk.jpg

 

– March 28, 2012 (Graduation Rehearsals)

 

 photo 20160129_125452_zpsc1b2527n.jpg

 

– January 29,Β 2016 (??)

(Insert memories here)

‘Remember when my life before was only circulating within this 1.25 hectare school campus?’

Pagkatapos ng ilang oras kong pananatili dun, ayun pumunta nako kila Jhen πŸ™‚ akala ko nga push yung overnight nila. Ayun, drawing lang ulit!

Pag-uwi pala namin ni Micko, naikwento ko sa kanya ng kaunti kung gaano kahirap sumakay noon, na nilalakad namin either pa-Bayan Luma/pa-Malagasang tapos sabi ko syempre keri lang kasi sabay naman kami lagi ni JD noon πŸ™‚ πŸ™‚ natawa siya dun sa sinabi ko na, ‘minsan nalalakad na namin hanggang sa subdivision nila, so naihahatid ko siya sa kanila’ baligtad daw kasi dapat lalaki naghahatid. Ewan ko ba bakit ba ako nagpauto sa mokong na yun! Pero keri lang masaya naman ako noon eh πŸ™‚ Pero kanina wala nakong naramdamang iba. Di ko siya na-miss. πŸ˜›πŸ˜›

Tapos ipinost ko sa facebook yung picture na kinunan ko dun kahapon. Aba bumenta ng likes! Nagsi-paglike at comment yung mga schoolmates ko noon HAHAHA, pati pamilya ko nagtataka kung anong ginagawa ko doon. Bakit ba minsan lang naman ako mapadpad doon ah πŸ™‚ πŸ˜€

Di ko alam kung makabuluhan nga ba ang mga pinaggagagawa ko kahapon, or walang silbi at sinayang ko lang yung panahon na sana nag-aasikaso nako ng project no? #Abnormal.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s