Meteor Garden feels

TINITINGNAN ko kanina yung billboard nina Alden, Maine, at Lee Min Ho (sa may Pala-pala). Naiisip ko kung gaano kahumaling ang buong bayan sa tambalang AlDub, mapa-bata man o matanda. Di ako ganun ka-fan nila, medyo lang ^^ At ngayon ise-segwey ko ang unang tambalang kinakiligan ko noon – si Dao Ming Xi at Shan Cai.

Di ko maisip na sa paanong paraan ay naintindihan ko na ang konsepto ng pag-ibig sa edad na limang taon. Opo. 5 years old pa lamang ako nung ma-adik ako sa MG. Halos yun ang buhay ko noon! Haha. Gigising ako ng alas-diyes ng umaga, papasok sa eskwelahan ng alas-doser, at pag-uwi ko ng alas-singko y media ng hapon ay manonood na ako. Araw-araw ko silang sinusubaybayan. Di ko maipaliwanag kung gaano ako ka-fangirl ng mga panahong ito sa F4. Sa murang edad ay napaniwala na ako sa forever, na yung taong kinasusuklaman mo ay siya pala ang magpapatibok ng puso mo, na hindi hadlang ang estado ng buhay sa pagmamahalan. At that age, I knew what i wanted, to have my own Dao Ming Xi. πŸ™‚

Oo dumating siya sa buhay ko, nung panahon ng kasikatan ng BOF, (yun nga, si JD), labintatlong taong gulang na ako nun, pero kung iisipin ay napaka-bata pa rin para sa mga ganung bagay. Sabi ko noon, wala naman sa edad yan eh, basta kapag tumibok ang puso mo, yun na yun! Ay basta! na hindi porke’t mabait lang sayo yung isang tao, akala mo bet ka na. Hindi porque nilalandi ka nung lalaki, ibig sabihin nun mahal ka na niya! na marami pang ek-ek ang relationship, kaya huwag muna magjowa hangga’t maaari, at baka hindi nyo ma-handle ng maayos.

Balik tayo kay JD, ang kwento namin ay maihahalintulad din sa mga pangyayari sa mga koreanovelas, yung magkaaway sa una, tapos nagkakasundo, tapos naiinlove yung isam pero di rin pala maihahalintulad – kasi akala ko may happy ending ako e, kaso hindi naman pala ako gusto nung mga taong natitipuhan ko. Ansakit.

Kung si Dao Ming Xi, nakalimutan si Shan Cai dahil sa aksidente, si JD naman, sinadya talaga akong kalimutan. Pagkatapos ng aming pagtatapos sa hayskul, parang dinispatsa niya na ako sa buhay niya. (Pansin mo ba, anggang ngayon hindi pa rin ako makapag move on dun hahahahaha)

Tinamad nakong dugtungan to. Kasi naman, ang dami ko pang tasks sa school, tapos eto yung inaatupag ko. HAHAHAHAHA ang tamad tamad ko hahahahaha

Advertisements

8 Replies to “Meteor Garden feels”

        1. Hahahaha puro tulog na ginagawa ko ngayon ☺ yung mga inipon kong hanash noon ibinuhos ko na isang bagsakan hahaha πŸ˜€ bukas na ulit ako hahanash. Hahaha

          Liked by 1 person

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s