Walang-wala

MAGPO-POST sana ako ng #kalandian ngayong araw, kaso mas kailangan ko pala munang i-prioritize itong problema ko.

Una, sa gagawin naming film. Sa March pa naman ang deadline, pero sa mga panahon na ito dapat naka-plano na. Gusto ko ako ang magsulat ng kwento, kaso, wala akong maisip na plot ng kwento 😦 kahit anong brainstorming ang gawin ko, bagyong-bagyo na yung utak ko actually XD wala eh! Tulungan nyo naman ako. Bigyan nyo ako ng idea sa kung anong genre ang magandang gawing film. Bigyan nyo na rin ako ng sequence, scene, at iba pa. Joke lang XD 10-15 minutes lang ata ang itatagal ng film namin, pero sana kabog ang kwento diba πŸ˜€
Nga pala, yung last year na ideya namin ay “Zombielat” (as in ganyan talaga ang title hahaha) parang Walking Dead, or Resident Evil ang peg namin. Ipu-push ba namin ito? Tapos yung iba ang gusto eh yung psychological-mystery na film. Kaso di ko bet yung ganun eh (Remember theater days?). Ako naman personally ang gusto ko ay Comedy film, yung parang 3 Idiots ba, kasi very very light lang siya, tapos mga komedyante naman yung mga kaklase ko, keri na yun! Kaso nga, wala nanaman akong maisip na magandang plot ng pelikula. Ayoko namang maging parang “My Bebe Love” ang film namin nu. Gusto ko kabogera ang istorya! Haha. Tapos bet din yung mga indie-documentary films, yung parang “Ang Babae sa Septic Tank” or “That Thing Called Tadhana” (teka docu ba yun? Di naman ah!). Tingin nyo, ano ba maganda talaga sa mga iyan? πŸ™‚

Ikalawa, sa magazine naman na gagawin namin. (Terey daming project ha!) So ang napag-desisyunan naming konsepto ay tungkol sa ART. Maganda to kasi malawak siya, pwedeng Visual (drawings), Literary (poetry), at maging Performing (music). Ayos di ba, kaso namomroblema ako, ako ang magle-layout mismo ng mag. Again, wala pa akong matinong ide-design para sa magazine namin. Wala akong idea. Hahahaha bigyan nyo na nga rin ako ng idea rito, hahahahaha! Tsaka kasi yung classmate ko eh, mukhang ina-under estimate yung talent ko. Gusto ko patunayan sa kanya na mas maganda yung magazine na gagawin ko! Ha!

Ikatlo, sa research paper namin, ang topic kasi namin ay “Effects of Texting to the Interpersonal Relationships of the Students chuchu” (joke lang wala yung chuchu) kaso ang pangit ng title namin, ano ba magandang title para diyan? Wala nanaman akong maisip na ibang term para dyan. May maisa-suggest ba kayo? πŸ˜‚

Ikaapat, kailangan naming gumawa ng sarili naming pilosopiya (yung parang kila Socrates, Plato, Confucius, atbp.) At ide-defense namin yun sa finals. Wala akong maisip na pilosopiya. Baka naman may maisip ka rin na pwede samin πŸ˜€ haha

Ikalima, may book report pa kaming gagawin. Pinapapili kami ng librong ire-review namin. It’s either: Tuesdays with Morrie, The Fault in Our Stars, tsaka Sophie’s World. Hanggang ngayon wala pa rin akong binabasa sa mga yan. Ikaw, nabasa mo na ba? Anong pinaka-bet dyan sa tatlo?

Pasensya na ha, wala talaga sa kondisyon ang utak ko netong mga nakalipas na linggo. Nung first week of class lang ako naging masipag. Ningas-kugon!! Yaak! Lol.Β  Nung exams nga namin, yung mga essay questions, di ko sinagutan lahat! Haha! Wala ako sa mood mag-explain eh. Ang mga tanong eh ganito:
– Paano mo maia-apply yung philosophy ni St. Augustine sa buhay mo bilang isang estudyante?
– Bakit importanteng pag-aralan ang mga Camera at Microphone Consciousness?
– Ano ang opinyon mo sa Teenage Pregnancy chuchu? (Iba-ibang subjects yan ah. Again, joke lang yung chuchu)

So ayun nga. Di ko sinagutan lahat ng essay questions! HAHAHAHA. Bagsak na nga ako ng prelim dahil di ako nakapag-exam (kasi di pa ako nakakapagbayad ng tuition fee nun), tapos gaganito-ganito ako ngayong midterm. Mababa nanaman grades ko nito. Tapos sasabihin ko nanaman *Bawi na lang ako sa finals*, kaya alam nyo na kung gaano ako ka-desperado para sa mga projects na nabanggit ko sa taas, tapos heto ako, wala pa ring idea! Ang galing di ba!

Tapos pala, sa biyernes ay gogora na kami ng Maynila para maghanap na ng OJT namin, naii-stress ako. Wala akong pera panggalugad ng Manila. Wala pa akong field na napupusuan. Saan ako patutungo nito? πŸ˜₯ Tingin ko di na ako makakasama sa biyernes. Di na.

Baka siguro kasi hindi na ako nakaka-kain at nakakatulog ng maayos. Kahit 9 hours na ang tulog ko, inaantok pa rin ako pagkatapos kumain ng lunch (specifically time ng Philosophy subject ko. Yis.) Ang laki ng eyebags ko. Feeling ko kulang pa rin ako sa tulog. Di ba ibig sabihin nun malungkot daw yung tao. Malungkot pa ba ako neto? Lagi na nga ako nakaka-keme kay kras eh (will I please stop using the word ‘keme’? Nami-misunderstood kaya yan!) Tapos irregular na ang schedule ng kain ko. Minsan alas-dos ng hapon, minsan di na talaga ako nakakakain ng tanghalian. Kapag kumakain naman kami ng mga kaklase ko 5:30 pm after class, (Bob’s sisig burger mga repa! Haha! Kundi naman Lucky Me pancit canton! :D) di na ako kumakain ng hapunan. Di ko rin alam kung anong problema ko sa buhay, at naging abnormal na yung pamumuhay ko XD hahaha.

Okay, maraming-maraming salamat sa pakikinig sa problema ko. Napag-isip isip ko na dapat paganahin ko na rin yung utak ko pag may time no? Di yung naghahanap ako ng idea mula sa ibang tao. Kaya mo yan Shy! Kaya mo yan! Go go go! Para sa ekonomiya ng Pilipinas! At para rin sa kinabukasan namin ni kras! Joke laaaaang πŸ™‚ πŸ™‚

PS: next month ko na lang ipo-post yung “Throwback Thursday love post” ko. Sakto yun sa Valentine’s eh. Hahahaha.

PPS: Na-appoint akong Assistant Director ng aming film. Masaya ako kasi may tiwala pa rin sakin yung mga kaklase ko, muntik-muntikan pang gawing Director, susmaryosep. Malungkot kasi baka ma-disappoint ko nanaman sila tulad nung nangyari sa theater. XXD Wala na akong tiwala sa sarili ko after nun πŸ˜‚ Tapos, yung genre namin ay Mystery – Supernatural. Yis. Gustuhin ko mang tumutol, eh yun yung bet nila eh, tsaka di ako yung magsusulat ng plot. Maganda yan. Maganda yan.

Advertisements

27 Replies to “Walang-wala”

  1. Tungkol sa film project, may idea ako na puno ng drama, may social message, may relevance sa karamihan. Basahin mo mga posts ni aysabaw tungkol sa cruise ship jobs. Let’s say tapos ng HRM ang magandang dalaga, peros sa hirap humanap ng job sa Pinas, sumakay siya sa cruise ship na todo ng hirap ang trabaho at malayo sa family & friends. Singitan mo ng drama tungkols amga utang ng pamilya, problema sa long-distance relationship with BF, crush-crush sa foreigner crew members sa barko, issues ng OFW, atbp. Kung gusto mo itong idea, I can give you more inputs dahil I have cruised as passenger more than 20 times.

    Liked by 2 people

    1. Salamat po sa idea! πŸ™‚ ikokonsulta ko po muna sa mga classmate ko πŸ™‚ pero maganda yung ganyang kwento kasi maipapakita natin sa audience yung reality ng buhay, yung hirap na mawalay sa pamilya ng mga OFWs, atbp. :”

      Like

  2. Nakakatuwa naman… how i miss being a student. The only thing i worry about is how to complete my projects, pass the exams, get high grades, suck up to teachers, etc… hahaha! Iba na kasi pag work na… Advise ko lang, savor the moment. I know di mo pa nakikita yun sa ngayon, dahil busy ka pa maging estudyante… but believe me, You’ll be okay. Have fun being a student.

    Quoting the line from the movie “Accepted”:
    “Do me a favor, enjoy your stay here. You have four years in college, and then you’re f*cked!” – Ben (LOL!)

    Anyway, I’ll itemize your problems and see where I can help you out:

    1. Movie Plot. Sadly, di ako marunong nito. Like the others, i prefer love story, but I like comedies every now and then. Siguro para makahugot ka ng konting inspiration, basa ka ng mga komiks strip (easy to read and easy to understand). Sa Google, even in tabloids, meron nun… subok lang.

    2. Magazine lay-out. You can try looking at the newsletter formats ng Microsoft Publisher. I know it may not be the same, but just to keep your thinking juices flowing, tingnan mo yung mga templates nila.

    3. Research Paper: Ooops, sorry, can’t help you with this. All I can say is everything became impersonal and kids these days can’t communicate properly. Can’t Spell properly as well… (read, Dudes!)

    4. Personal Philosophy: “When in doubt, Don’t”

    5. Book report: Watch the movie “Fault in our Stars” to get an idea. πŸ˜› (sorry, my bad!)

    Hope i get to read your succeeding posts. They are cute. πŸ™‚

    Liked by 2 people

    1. Salamat po sa mga payo! Unti-unti ay nagkakaroon na ako ng mga ideya sa kung anong dapat gawin πŸ˜€ maganda rin po yung philosophy mo, gusto ko siya. Hehe.
      Btw salamat ulit πŸ™‚ πŸ™‚

      Like

  3. Buti wala akong research! Lol! Kung sa pagsusulat, maari kitang tulungan. Pero iba kasi ang forte natin pagdating sa genre. Bet ko kasi ang lovestory pero in the end, hindi sila magkakatuluyan. Hahaha! Check mo yung writings ko. Lol! Iilan lang ang nagawa kong “happy ending” eh lol

    Liked by 1 person

  4. You’re thoughts are like a jetplane taking off. maybe you should park it for a while, and do some contemplating, and once it’s done, stand your ground, and do what you need to do without distractions. Cheers and good luck. You can do it.

    Liked by 1 person

    1. Salamat po! Di ko rin ini-expect na may matutuwa sa mga kalokohan ko sa wordpress πŸ™‚ pero tulad mo ay natutuwa rin akong magbasa ng mga kwento ng buhay ng iba πŸ™‚ nakaka-hugot ako ng inspirasyon mula sa inyo πŸ˜€

      Like

  5. ha ha ha

    re: film
    maganda kung indie nga. sorry wala ko masyadong idea sa mga ganyang keme LOL

    re: Book review
    Nakuuuuu. kahit ano wag lang yung Sophie’s World. Pero kung ako sa’yo, Tuesdays with Morrie na lang. Para kasing pag Fault in our Stars ang babasahin mo, baka imbes magawan mo ng review ay iyakan mo na lang. Though di ko pa nababasa yan, napanood ko lang he he

    Liked by 2 people

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s