Hymn for the Weekend β™‘

Friday. Pre-valentines celebration. Kapag nasa radio booth ako natetense talaga ako. Pero bukod sa pressure, medyo na-tense ako nung habang nagda-download ako ng mga kanta, nasa likod ko siya, nakatingin din sa phone ko, sobrang lapit niya sa akin na as in sobrang close talaga ng mukha niya sakin ah.

Saturday. Wala busy kami neto buong araw eh. Siguro naka-keme lang ako nung nasa Love-rakan kami. Sabi ni friend may something daw samin. Pero di niya alam normal na sa akin tsaka sa kanya yung ganun πŸ˜€

Tuesday. Pagkatapos ng klase nag-Mang Inasal kami. Haha ipinahiram niya yung notes niya sa philman. Ganda daw ng sulat niya dun eh. Pagkatapos pala nun nag-Chowking halo-halo kami. Haha hati kami sa isang baso hahahaha ang weird namin kumain nun hahahaha di ko alam kung paano ako magrereact nun kasi mukha kaming mag-jowa nun hahahaha nakakaloka! Pinakamasaya nun siguro nung naghilahan kami ng baso tsaka nung pinutol namin yung langka sa kalahati *.*

Thursday. Medyo alinlangan ako nun kasi beastmode siya. Pero binigyan ko siya ng tubig. Bait-baitan mode! Okay na siya nung hapon. Ang kulit nga eh nakahiga kaming tatlo nun tapos trip na trip ako nun. Inilalagay niya yung kamay niya sa mukha ko. Ayoko sana tanggalin eh, kaso baka ma-awkward yun. Ayun kapag tinatanggal ko sa mukha ko, hawak ko pa rin yung kamay niya. Ayeeeee more exposure sa HH hahahahaha. Tapos di ko naintindihan yung sinabi niya nung kaming dalawa na lang yung naiwan sa kwarto na nakahiga. Nakatingin lang ako sa kisame tapos iniisip ko nun sana matulog na lang siya ulit para makatulog din ako. Lol. Nung nag-SM kami pagkatapos akala ko mauulit ulit yung halo-halo. HAHAAHAH TAMA NA SHAI!

Friday. Pinagbigyan ko yung request niya na humiram ng bola ng volleyball para makapaglaro siya. Sila. Alam nyo naman ako di ako naglalaro di ba? Pero napasabak ako nung kaming dalawa na lang yung naiwan, sabi niya laro daw kami. As usual, ang e-epic ng mga tira ko. Yung isa tuwang-tuwa naman, di ko alam kung dahil ba sa napaka-fail ko or dahil nga ngayon lang siya ulit nakapaglaro ng bola. Ang saya-saya niya nga. Ako rin masaya na rin ako nun πŸ˜€ kahit epic fail talaga. Sayang, kung wala lang akong meeting nun siguro baka naka-keme pa ako mag-SM! Pero imposible din kasi kaming dalawa lang. Medyo awkward nga tingnan. Tsaka wala na talaga akong pera nun, di ako pwede. Di pa naman nanlilibre yung hayop na yun! Mapapagastos nanaman ako nun. Pero na-miss ko yung dati na kapag bumibili siya, kasama niya kami. Tapos nagtatanong siya sa amin kung ano mas maganda, kung ano yung bagay para sa kanya.

Pahinga muna next week. Masama yung ganitong sunud-sunod eh kasi dumarating yung araw na warlahan ulit. Tsaka napapagastos talaga ako ng bongga rito ha, maka-keme lang!

(Date: Feb. 12 – 19)

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s