Oo

‘Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
‘Di mo lang alam, hanggang sa gabi
Inaasam makita ka muli

Nagtapos ang lahat sa ‘di inaasahang
Panahon at ngayon ako’y iyong iniwang
Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam
Sana’y nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa ‘yo

Lumipas mga araw na ubod nang saya
‘Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako’y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

Oh, ‘di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana’y ako naman
‘Di mo lang alam, ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, ‘di mo lang alam
Kahit tayo’y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa t’wing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako’y nandito lang, hindi mo lang alam
Matalino ka naman
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana ‘di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako’y iyong masasaktan
Nang ganito, sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko
‘Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana’y ako naman
‘Di mo lang alam, ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, oh

Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
‘Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan.

– na LSS ako dito. Kanina kasi ito yung pinerform sa Christmas Party eh. Nakain kami nung time na yun. Akala ko wala lang, pero nung naglalakad-lakad nako sa may bayan, na-stuck pa rin siya sa utak ko.

Ang lamig ng Christmas party ko ngayong taon. Si crush kasi eh, di ko agad nakita sa school <\3 kanina pa ako lingon ng lingon kung saan-saan, pero di ko siya makita.

Pagkatapos ng Christmas Party, nagdecide muna ako na tumambay dun sa harap ng simbahan. Kung san siya nasakay pauwi. Baka sakali lang naman, matagpuan ko siya dun. Naghintay ako ng ilang minuto. Matagal din pala. Tapos nakita ko siya, yes! Kaso. Kaso. Kasama niya yung crush niya, tsaka mga tropa nung crush niya. papunta sila kung saan man yun. Aray. Ang sakit.

(image source)

Sana pala nagstay na lang muna ako sa school at pumarty kahit mga 4th year kasama ko. Or sana pala umuwi na ako ng diretso. Hindi na sana ganun kasaklap diba XD Yun pa naman sana yung huling beses na makikita kita ngayong 2015. Kasi next year na ulit kasunod neto. Haha. Tapos ganun pa nangyari.

Sorry. Kasalanan ko. Umasa ako eh.

Ang malas ko ngayong gabi. Pinagalitan nako ni Ate Vky kasi naiwan nanaman mag-isa si anye sa bahay. Tapos si Mr. Tetsu naman hina-hunting sa akin yung mga pictures niya nung photoshoot namin. Tapos wala pa akong nakuhang papremyo nung Christmas Party. Luging-lugi sa anim na raang piso ah.

ang daming problema ng pilipinas. Tapos ako ganito lang pinoproblema ko. Hahaha

Magsisimba pa pala ako mamaya. #WalangTulugan #WalangPalitanNgDamit ituuu :3

Advertisements

One Reply to “Oo”

  1. I will immediately snatch your rss as I can’t
    find your email subscription link or e-newsletter
    service. Do you have any? Kindly let me realize in order that I may subscribe.

    Thanks.

    Like

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s