NASULYAPAN ko yung Instagram account nung schoolmate ko nung high school. Ah, eto yung babaeng labis na kinaiinggitan ko noon (but not in a negative way). Kasi maganda siya, matalino, tapos mabait. Friendly pa. Sabi ko nun, sana maging katulad din ako niya.
Ang taas na ng level niya ngayon, di ko na mareach! BS Accountancy student siya sa pinakasikat na unibersidad dito sa Cavite, tapos President siya ngayon ng Student Council ngΒ College of Business Administration. wow. Yung mga pinangarap ko para sa sarili ko noon (makapag-aral sa school na yunΒ + maging officer ng SC), naabot niya na.
Naisip ko, after ko mag high school, ano na bang na-achieve ko? Wala pa sa kalingkingan ng narating niya ngayon. Noon, pareho lang kaming mga simpleng estudyante. Ay di pala, section A nga pala siya noon pa man. Ako never akong nakatuntong dun. Pero ngayon lalo lumayo yung agwat namin. Nainggit nanaman ako. Bakit ko pa kasi nakita yung IG niya eh. Yan tuloy!
Pero kahit ganun, napaka-down to earth niya pa rin. (Base lamang ito sa nakikita ko sa facebook niya.) Relihiyosa. Responsible leader. Ang dami daw nag-improve sa schoolΒ pagkaupo niya. Suportado siya ng mga kamag-aral niya, at maging ng buong unibersidad.Β Magaling din siya magsulat. Binasa ko rin yung mga posts niya sa wordpress blog niya. Motivational ang karamihan sa mga paksa. Iba talaga pag suportado ka ng mga taong nasa paligid mo eh.
Lalo lang bumaba yung tingin ko sa sarili ko. Sa loob ng tatlong taon parang wala na ulit kong nagawang matino sa buhay. Haaaaay. Nagsisisi nanaman ako sa mga naging pagkukulang ko noon. Kung mas pinush ko lang sa pag-aaral, siguro makulay din ang college life ko ngayon. π¦
Pero naisip ko, bakit di ko na lang siyang gawing inspirasyon? Sa nakalipas na mga linggo na tinatamad nako sa buhay, bigla ulit akong na-motivate. Di pa huli ang lahat para sa akin. May isang taon pa para baguhin ang kapalaran XD I mean may panahon pa ako para maging makabuluhan ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Di man ako maging presidente ng SC (kasi walang ganun sa school namin. Amazing diba) Pagsisikapan kong maging isang mabuting estudyante, at responsableng mamamayan. Naks!
Ibubuhos ko na muli ang full effort ko sa mga aktibidades, tapos magiging active nako, tapos isasantabi ko na yung takot ko sa pagharap ko sa mga tao (weh haha) tapos mag-aaral nako sumulat muli para hindi nako ulit nakakaranas ng creative block. Tapos igugugol ko na ang panahon ko sa pagtuklas ng mga bagay na matututunan ko. Oo push yan! Di ko na sasayangin yung oras ko sa pagbababad sa internet, sa panonood ng movies, at sa pagsama-sama kay crush kung saan saan! Dapat maging productive nako.
Kailangan kong mag-aral muli at sariwain ang utak ko. Malapit na akong mag OJT. Ayokong mapahiya. Kailangan mapatunayan ko yung sarili ko sa family ko at sa mga nakakakilala sakin. (Wew wew) Sige sige umpisahan na natin to sa 2016! New Year’s Resolution? Ayoko. Baka mapako pa eh.
Sana talaga hindi nako tamarin. Huhu.
One thought on “Down Γ Up”