Destined

NAALALA ko lang. Nagbirthday si JD nung isang araw. Gising pa ako nung madaling-araw nun. Haha. Gusto ko sana ako ang first greet. (Kasi once na batiin ko siya ng happy birthday, baka naman di ba macurious siya ulit sa buhay ko, tapos i-chat na niya ako. Tapos rereplyan ko siya. Tapos magiging magkachat na kami palagi. Tapos hihingiin niya na muli yung number ko, tapos magkakatawagan na kami ulit tuwing hatinggabi. Tapos ayun! Simula na ng part 2 ng aming kwento. Hahahahaha #ASSUME PA!)

Kaso naisip ko, ay huwag na muna. Baka mapaghalataan ako eh. Mamayang hapon na lang.. eh tapos nung nasa SM na kami nung mga kaklase ko, tas may pa-free wi-fi, magpopost na sana ako sa wall niya. Kaso nakita ko dalawa pa lang yung bumabati sa kanya. Sige wag muna, pag-uwi ko na lang sa bahay, paparamihin ko muna yung magpopost sa wall niya. Eh tapos nung pag-uwi ko na, wala palang internet!! Haha! Nung december 9 na nagkaroon ulit! Sus! E di yun di ko na nabati! Alangan namang i-late greet ko, mapaghahalataan talaga ako nun. E di wag na nga talaga!

Napagtanto ko lang ulit, siguro kaya ganun yung mga kaganapan, kasi ayaw niya na talaga kaming magkaroon ng ugnayan ulit. ayaw niya na. Wala daw maidudulot na maganda yung pagbalik niya. Pinipilit ko lang yung sarili ko sa kanya. Hahaha.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s