Kotabels

– NUNG nakaraang huwebes, December 3, 2015 – sumama ako sa volleyball training nila rea at micko. Eh di naman ako naglalaro ng volleyball ah? Wala lang taga-cheer lang ako sa kanila, bakit ba. Naalala ko nung panahon na sinusuportahan ko rin si Dela Torre nung volleyball days niya. Pag may laro sila, hinihintay ko pa siya, para lang sabay kaming umuwi πŸ™‚ 12:20 out namin pero nauwi nako ng 5, 6, dahil dun. Pinapanood ko lagi siya sa mga laro niya. tapos palagi akong may dalang tubig nun, para pag nauuhaw siya bibigyan ko siya. Tapos nandun lang ako sa may bench, katabi yung bag niya na sinasandalan ko. Pag nakaka-score siya pinapalakpakan ko siya. Yun lang. Di ko kayang magsisisigaw eh haha. Yung mga bagay na yun na ginagawa ko sa kanya noon, ginagawa ko na sa iba ngayon πŸ™‚ syempre dapat sinusportahan ang mga kaibigan!

Balik sa topic. Di naman talaga ako dapat sasama sa volleyball nila. alas-sais na nun, gusto ko na umuwi. Sumama lang ako pagkain nila sa sisig burger, tapos nung nagpaalam nako, tinawag ulit ako ni micko, may sasabihin daw siya. Akala ko kung anong ibubulong, yun pala hinila nako para sumama sa kanila. Hehe di nako nakapalag! hawak hawak niya ako para siguruhing di ako makakatakas.. hahaha

Pagbalik namin sa school, nandun pala sila pat. Di ako aware na kasama na pala sila sa team. Ahay πŸ™‚ Haha tapos ayun gumora na kami sa lugar.

Nung makarating na kami sa lugar, di pa sila agad nakalaro. Ang tagal bago nagpakita yung ibang players, tapos wala palang bola. Eh di pinauna muna yung naglalaro ng basketball. Tambay muna kami haha.

Tapos may eksena dun na:
Micko: usog ka dun. (Palapit kay pat)
Ako: di kaya tayo kasya XD
Micko: kasya yan.
Tapos umusog ako. Pero konti lang. Haha

May moment pa dun na:
Pat: micko, hilutin mo nga ko sa likod.
Micko: ayan si shai na lang o.
Ako: eh di ako marunong :3
Micko: diba tinuruan na kitang maghilot?
Ako: kita mo naman mahinhin ako magmasahe diba XD
May one time kasi na tinuruan niya ako magmasahe sa likod. Papahilot daw siya. Kaso nung paghilot ko sabi niya ang hina naman daw. Paano kaya matatanggal sakit ng likod niya sa ganun XD
Hinilot na ni micko si pat. Umalis ako. Lipat pwesto ba. Magkatabi na kasi kami.
Pat: dyan ka na lang shai
Ako: ayoko tatamaan ako ng siko ni micko eh.

Tapos umabot na ng 8pm di pa rin sila nakakapag umpisa, nagsabi nakong uuwi nako.
Ako: micko uwi nako πŸ™‚
Micko: ano ikaw lang mag-isa?
Ako: syempre,
Micko: lalakad ka pa palabas XD
Ako: ano ka ba ako bahala πŸ˜€

Yun na umuwi nako. Sayang nga eh ganun din. Di rin ako nakapanood ng volleyball. Pero. Hahahahaha. Hahahahaha.

Advertisements

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s