That Thing Called ‘Groupings’



SA PAGGAWA ng mga assignments, activities, projects, atbp., may mga bagay na ginagawa individually, at meron namang by group. Noon, kung sino yung mga tropa/kaibigan mo, syempre sila ang pipiliin mo maging groupmate. Pero pagtapak mo ng kolehiyo, di na uso yun! (O baka sa section lang namin yun hindi uso?) Komplikado na ang proseso sa pagpili ng kagrupo, seryoso ako ha.

Una, kasi siguro wala akong masasabing “bespren ko sa classroom” unlike in my previous years na may confidant ako, pero ngayon wala eh, walang kaibigan. Wawa naman. Joke lang πŸ˜€

Ikalawa, may mga kaibigan ka nga sa section nyo, pero ayaw mo na sila maging kagrupo, haha πŸ˜€ yung iba kasi di ka na tutulungan, kasi nga ‘kaibigan’ mo sila. Yung mga ‘asahan’ na tinatawag, yung mga tipo ng taong nang-iiwan sa ere, sila yong mga hayahay na di na nag-eeffort tapos pagdating sa huli ay pare-pareho lang ang grades ninyong lahat. Diba? Diba? Mga hampaslupa! Keme.

Mahirap din kapag yung mga kaibigan mo eh kagrupo mo, minsan kasi dahil dun eh naf-friendship over kayo, madalas din nagkakasiraan ng tiwala dahil dyan. Haha. Dati, pag teacher ang namimili ng kagrupo, todo tanggi ang mga estudyante. Pero ngayon, mas maganda na ang teacher na ang mag-groupings, para walang isyu! Haha

Ang school life ay isang survival; pag di ka marunong dumiskarte, mapag-iiwanan ka. Applicable to sa groupings – kailangan dumiskarte ka rin sa pagpili sa mga kagrupo mo. Kaya heto yung mga moment na kukunin mo siyang kagrupo, kahit di kayo close, kasi brainy brainy ang peg niya. Pero sana naman, once na may kagrupo na kayo na magaling sa gawain, aba tulungan nyo naman. Di yung hahayaan nyo lang na siya ang gumawa ng lahat. Kaya nga groupings, diba? TEAMWORK tayo dito oh. Atsaka kaya nga natin tinatahak itong landas na ito, para matuto tayo, hindi yung puro ‘ASA’ na lang!

Sa mga kaklase ko na nagiging/nais maging kagrupo ako, may dalawang bagay akong gustong sabihin sa inyo:

1. Kung hindi ako magaling sa project na ginagawa natin, wag nyo naman sana akong gawing utusan. Oo di ako pwedeng magreklamo kasi yun lang yung maico-contribute ko sa gawain natin, pero sana naman, (wait lang natatawa ako) pwede nyo naman akong turuan sa ganito, sa ganun, madali naman akong mag-adjust eh πŸ™‚ hindi yung sini-set aside nyo lang ako kasi wala akong pakinabang. Babae rin ako, may damdamin, nasasaktan din pag nababalewala XD LOL.

2. Kung ako naman yung leader ng project natin, tulungan nyo naman ako! Di tayo uusad kung ako lang mag-isa nagawa eh. Yun lang, masakit din sa side ko na ako hirap na hirap sa kakaisip ng kung anong gagawin, pero kayo puro kaginhawaan lang ang inaatupag. Nakakainis kaya! Di lang ako talaga nagsasalita, nakakahiya kasi XD pero minsan talaga nakaka-bwisit na kayo. Pramis! (Pero sa totoo lang kaya hindi ako nagrereklamo ay dahil para mapanatili ang imahe kong ‘mabait’ *.*)

Ako naman hindi ako namimili ng kagrupo eh, pwede sakin kahit sino. Kahit alam kong wala akong mapapala sayo, Kahit alam kong igrinupo mo lang ako dahil may pakinabang ako sayo, go push lang! Haha. Kasi isang malaking ‘honor’ para sakin pag ikinunsidera mo ako bilang kagrupo. Big deal talaga hahaha. Kasi alam mo ba, nung high school ako, pagdating sa mga groupings na yan, ilang beses akong nare-reject. Walang namimili sa akin bilang kagrupo, kasi di nila ako tropa. Kahit si JD na ‘ginagamit’ ako noon, pagdating sa groupings iniiwan lang din ako niyan sa ere. Pero anyways, ngayong college ko lang naranasan na literally na ‘pag-agawan’ para maging groupmate. Di naman sa pagmamayabang, *pero ipinagmamayabang na din*, ang sarap sa feeling na in-demand ka na kahit papaano. Hahaha.

Sa darating na finals ay may gagawin kaming research. Sana hindi ako mahirapan sa mga magiging kagrupo ko, nu? Next year naman ay thesis na. By partner daw ito. Sigurado akong marami ang mag-aalok sa akin neto, hahaha (yabang ko talaga!) Pero may napupusuan na akong maging ka-partner (talaga ba? Hahaha) kasi kailangan ko siya XD alam kong kaya niya akong tulungan na maipasa ang thesis na ito, kaso. Kaso ramdam kong ayaw niya ata ako maging ka-grupo eh. Ramdam ko eh. (Pati ba naman sa thesis one-sided pa rin? :/) tsaka naisip ko, pag naging magkagrupo na kami, tapos may bagay kaming hindi mapagkasunduan sa thesis, baka mag-away lang kami. Yun lang. Kaya alangan ako.

Minsan, masarap gawin yung mga bagay-bagay kapag may katuwang ka. Pero kung wala ka namang kagrupong matino, mas masaya na lang kung individual ang gawain. Yun lang! πŸ™‚

:]

One thought on “That Thing Called ‘Groupings’

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.