MAY kakaiba nanamang nangyayari sa akin ngayong linggo, haha. Ilang araw na kasi akong walang gana sa pagkain. Di ko alam kung bakit. Di naman ako brokenhearted kay kras, siya pa nga nagsasabi sakin na, “kain ka na, beh.” (Joke lang wala yung beh, pero totoo yung “kain ka na”)
Natatandaan kong huling beses akong nagutom nung lunes, nang magpa-enroll ako. Pagkatapos nga nun diba naki-birthday ako kina kuya henry π pag-uwi ko hindi na ako kumain. Naglinis lang ako ng bahay tapos natulog na ako.
Kinabukasan nun, martes, di nakoΒ ginanahan sa pagkain. Pero kumain pa rin ako ng almusal, kailangan eh. Nung nag-lunch ako sa school, palabok lang kinain ko. Di ko kinain yung baon kong kanin, ayoko eh. Tapos nung pagabi na nanlibre si micko ng sundae, ahm tapos yun na. Pag-uwi ko, di ulit ako kumain ng hapunan.
Miyerkules, di ako kumain ng almusal, kape lang. Tapos nung hapon gumora nako sa baler nila CJ. Pero bago yun bumili muna siya ng manok tsaka spaghetti sa Jollibee, para sakin π eh kaso nga wala pa rin akong gana. Sabi ko sa kanya na lang yung manok, e di yun, spaghetti yung kinain ko nun. Again, pag-uwi ko, hindi nanaman ako naghapunan.
Huwebes, nag-almusal ako. Tapos pumasok ng school, lagpas alas-dos nako nananghalian, pero di pa rin ako gutom nun, bumaba kasi mga kaklase ko para kumain, sumabay lang ako, pero di pa rin ako nagugutom nung mga oras na yun. Ewan ko. Tapos pag-uwi ko, sa wakas kumain nako ng gabi! Haha, pero kasi nung pag-uwi kong yun naabutan kong kumakain pa sila kuya, nakakahiya naman kung di pa ako sumabay diba.
Biyernes, kape lang ulit inalmusal ko. #Matindi. Tapos sa school ulit ako naglunch, ang dami nga naming kanin nun eh, kaso nga di pa din ako gutom, kaya konti lang kinain ko. Tapos nung pagabi na, nag-sisig burger at tinapay kami, tinapay lang pala ako. Sila yung nag-sisig. Nung pag-uwi ko, di nanaman ako kumain ng hapunan! #MatindiTalaga!
Sabado, naka three meals ako today, kailangan eh. Nagagalit na si kuya. Akala niya kumekeme nanaman ako.
Sunday. Ganun pa rin. Pero di pa rin ako nakakaranas ng gutom π¦ π¦
Bakit? Oh bakit kaya? Namimiss ko na yung feeling na gutom na gutom ako. Huhu. Kailan ba ako magugutom ulit? Lol.
Pero sa loob ng ilang araw na ito, wala akong itinapon/isinayang na pagkain. Inubos ko lahat, kahit di ko kaya. Labag sa kalooban ko yung may tira eh.
Maswerte pa nga rin ako, kasi diba di na kami namomroblema sa kung ano ang kakainin sa mga susunod na araw. Kaso naman kasi itong aking tiyan, uma-attitude! Naku!