Throwback: elementary daysss



NAPAPUNTA akong muli sa paaralang pinasukan ko nung elementarya, para sa mga grades ni Anye.

Dun na pala sila nagkaklase sa likod ng Remulla Bldg., yung garden noon. Ginawa na rin siyang silid para sa mga estudyante.

Eto pa, adviser ni Anye si Sir Jess, siya yung naging teacher ko sa HEKASI nung grade 5, at siya yung pinakapaborito kong guro nung elementary. Buti nakilala niya pa ako. (Lol di pala nagbago hitsura ko, haha)

Kinuwento niya sa mga estudyante niya ngayon yung buhay namin nung panahon namin – nung pagkatapos ng pagsalanta ng bagyong Milenyo (2006). Nung mga panahong yun na wasak na wasak ang buong paaralan namin, nahati kami sa tatlong shift. Pang 2-6PM kami nun. Medyo nakakatakot pa nung mga panahong yun kasi nasira yung dating harang sa may tabi ng ilog, kaya kitang-kita mo talaga yung ilog mula sa school (nga pala, yung kinatatayuan ng school namin ay sa tabi talaga mismo ng ilog ng Gentri, pero ngayon naman ay may riprap na yung pader, kaya medyo dumistansya na sa ilog, at di na delikado para sa mga mag-aaral) Ang classroom namin nun, apat na malaking plywood lang na pinagdikit dikit para maging pader, tapos nilagyan ng yero, parang kubo lang ba. Pag maaraw, sobrang init sa loob, pag umuulan, rumaragasa yung tubig sa mga paa namin. Dahil nga kagagaling lang sa bagyo nun, napakamaputik, tapos pag tuyo, maalinsangan, maalikabok. Thug life talaga kami nung grade 5, hanggang sa pag-graduate ko. Pero keri lang.

Ngayon, sila, kaya naman sila nagsisilid dun sa likod, kasi giniba na yung mga lumang classroom (oo, yung classroom ko mula pa nung nag-grade 1 ako nung 2002, wala na), kasi, patatayuan na ng high-rise building ang MCES! yes high rise. Apat na palapag yata yun? Parang pang-STI lang. First in Gentri daw yun. Napakaswerte nila, maliban na lang kung yung classroom mo eh nasa 4th floor, jusko mga bata pa naman ang gagamit nun. Naku.

Yun na nga, ngayon nag-three shift ulit sila. Si Anye pang 6-10AM, maswerte. Ang major problem lang nila ay mga lamok. Marami nang nagkaka-dengue sa school, kaya si sir ay todo effort sa pag-iispray para makaiwas, diba, lalo na yung silid nila eh medyo malapit din sa ilog. Riprap lang ang pagitan. Pero maganda rin dun kasi mahangin. Wala nga silang electric fan sa silid eh. Si sir naka-lapel pala pag nagtuturo, kasi open area yun, di gaano naririnig yung boses niya. Pero naisip ko lang, Grade 6 na si Anye, gagraduate na siya sa Marso, malamang di pa tapos yung pagconstruct dun sa bagong building. Malamang nga hindi na sila makikinabang dun. Aw. Kawawa naman sila. Lol.

Back to the grades, nung nakita ko yung grades niya, wala, ganun pa rin eh. Medyo nahihiya lang ako ng konti, kasi nung panahon ko achiever talaga ako, lalo na kay sir (favorite nga kasi) oo, nang dahil kay Sir Jess ay naging paborito kong aralin ang kasaysayan. Siya rin ang nagmulat sa aking mga mata sa mundo ng politika. Lol. Favorite na favorite talaga, kaya sabi ko nun ah kailangan kong maging magalinh sa subject niya. Ayun, pasado naman grades ko sa kanya nun, haha! Pero ang layo naman nun compared sa grades ni Anye ngayon. Naku naku talaga nahihiya ako kay sir πŸ˜€

PS: CabaΓ±es nga pala apelyido ni sir, medyo magkalapit na magkamag-anak kami. Joke lang.

——————-

Ay nga pala, napanaginipan ko yung kaklase kong si Jaja kagabi, ang weird. Haha.

:]

COMMENT?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.